Chapter 9: Dahil Mahal Kita

344 7 0
                                    

Araw na ng JS Prom namin, naghahanda na ako para sa okasyong ito. Ang isusuot daw naming mga fourth year ay blue, buti nalang dahil puro blue ang magaganda kong mga gown. Nilagay ko ang blue hair pin na may buttergly na design, naglagay ng make-up at iba pa. Susunduin ako ni Alfred ngayon, nakokonsensya uloy ako kasi nag-abala patuloy siya. Siguro tinatanong niyo kung kami na ano? Opo, kami na nga.

Narinig ko na ang busina ng kanyang kotse, mabuti nalang ay tapos na ako sa pag-aayos sa sarili ko. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto isang gwapong demonyo ang nakita ko, este anghel pala. Ang suot niyang amerikana ay sobrang bagay sa kanya.

“Shiromi, matutunaw ako niyan. Grabe kang makatitig e, hirap talaga ang maging gwapo.” sabay papogi post sa harapan ko.

“Che! For your information, hindi kita tinititigan no!” 

“Sus! Pakeme ka pa, halika na nga mahuhuli na tayo.”

Tinignan ko ang orasan sa cellphone ko, at medyo mahuhuli na nga kami. Dali-dali kaming sumakay sa kotse niya at umalis na kami. Si kuya mabilis naka gayak, kaya naman nauna na siya kaysa saakin. Mga ilang oras na ang lumipas ay sawakas nakarating narin kami. Nakita ko si Glenn saka si Jane duon sa tabi, inaya ko si Alfred na lumapit duon.

“Bestfwend Jane! Ang ganda ganda mo!”

“Ay ikaw pala yan bestfwend, binobola mo pa ako e ika nga ang maganda dyan e.”

Niyakap ako ni Jane tapos bigla nalang siyang bumulong saakin na, “Kat. Ayos ka lang? Nalaman ko ang nangyari.”

“Ayos lang ako ano ka ba.” Malungkot kong sinabi sakanya. Alam na rin pala ni Jane, pero sino naman kaya ang nagsabi sakanya? Tinignan ko si Glenn sa tabi, at nakita ko ang mukha niya, pero bakit ganuon? Iba ang aura niya ngayon, napansin niya na tinitignan ko siya kaya lumapit siya saakin.

“Kat-kat na-miss kita, bakit hindi mo na ako pinapansin?” sabay yakap niya saakin.

“Ano? Hindi ah, medyo naging abala lang ako.”

“Ehem!” pagpapapansin ni Alfred. Anu problema nito? Teka, wag niyang sabihin na nagseselos ito? Sorry naman, siya ang nangyakap e.

“Shiromi, alam mo naman nagseselos ako kapag nakikipag-akapan ka sa ibang lalaki.” sabay akbay saakin.

“Kat-kat anung ibig niyang sabihin?” pagtatanong ni Glenn saakin at kitang kita sakanyang mukha na naguguluhan pati narin si Jane.

“Umm, si Alfred boyfriend ko.”

“Ano?” sabay pa silang dalawa ni Glenn at Jane.

“G-Ganuon ba Kat-kat? Kailan pa ba? Saka bakit hindi mo agad sinabi saakin.” sabay tawa.

“Noong ano lang-----“ hindi ko naituloy ang aking sasabihin dahil biglang nagsalita si Alfred.

“Noong nagfield trip tayong lahat.” sabad ni Alfred. “Diba Shiromi?” sabay tumitig saakin ng malademonyo. Ako namang si natakot ay umoo nalang.

“Ganuon ba? O sige tara na, mag-uumpisa na ang prom.” sagot naman ni Glenn at nauna na siya.

Pumasok na nga kaming lahat, lahat ng istudyante ay nakamaskara na kahit kami nagmaskara na din. Nag-umpisa narin ang opening program ng mga senior officers at nagkaroon ng mga presentation.

Glenn’s POV

Medyo pagod ako sa pag-aayos para sa JS. Buhat duon, akyat dito, tapon duon, at iba pa. Nakikita ko nanaman si Kat-kat na nakikipag-away kay Kuroji. Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa trabaho ko, pero nagulat ako ng may isang babae ang tumawag saakin. Hula ko isa nanaman ito sa manliligaw ko.

Camera Film - A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon