Chapter 7: Kwento

341 11 2
                                    

Ikatlong araw na, sinusulit na ng mga kaklase ko lahat ang mga lahat ng mayroon sa Boracay. Mga gabi kami uuwi may activity daw kami bago umuwi, magkakaroon daw kami ng bonfire mamaya. Anu nanaman kaya ang naiisip ni sir Mark? Kami rin syempre sinulit nanamin, kaya naman nag-enjoy kami ng sobra. Inabot na kami ng ilang oras at indi namin napansin na maggagabi na pala. Inayos na namin yung mga gamit naming lahat at sinabi ni sir na magkita-kita kami sa harap ng bus, nauna na yung mga boys para ayusin daw yung bonfire. Nakapag-ayos na kami at dumiretso agad kami sa lugar na iyon.

            Nagsasaya na silang lahat duon, inaya narin kami ni sir na kumuha na ng makakain. May mga barbeque, isda at iba pa. Grabe si sir naisip niya talaga ito.

            “Ok class makinig kayo, bago tayo bumalik sa campus may ipapagawa ako sa inyong lahat.” Naglabas siya ng box at ipinakita niya na may tatlong bola sa loob, dilaw, asul, at pula.

            “Pabubunutin ko kayo isa-isa. Kung ano ang mabubunot ninyo, magkukwento kayo tungkol duon. Kapag dilaw ang nabunot ninyo, ikukwento ninyo about friendships, kapag asul about family, at kapag pula naman love life. O diba ang saya? Ang purpose nito ay para masmakilala ninyo ang isa’t-isa. Unahin natin duon sa gawi duon.”

            Nagsimula na nga ang kwentuhan, yung iba nakakaiyak talaga tapus yung iba nakakakilig. Hindi ko talaga lubos maisip na ganito pala ang plano ni sir, naiintindihan ko talaga siya. Mga ilang oras din at si Jane na ang bubunot, ang bolang nakuha niya ay kulay asul. Pumunta siya sa harap malapit sa bonfire at nagsimula ng magkwento.

            “Okay mag-uumpisa na po ako, about my family. Noong bata ako lagi akong mag-isa, halos minsan ko lang makasama ang mga magulang ko. Masakit pero ganuon talaga. Madapa ako, iiyak ako pero wala. Mauntog man ako kung saan saan, wala parin puro mga yaya ang nag-aasikaso. Lagi kong dinadasal sa panginoon na sana kahit minsan samahan manlang ako ng mga magulang ko kahit matulog, pero wala parin. Naging malungkot ako, sa school malungkot ako kahit nabu-bully na ako, wala parin kahit magreklamo ako sakanila. Ang mga guro daw ang pangalawang magulang, pero sila pa ang kontra saakin noon. Malungkot ako, pero  naiintindihan ko kung bakit laging wala ang mga magulang ko dahil lagi silang nasa trabaho.Pero iba parin ang may kasama kang magulang. Pero mayroon akong isang kaibigan, ang pinakauna kong kaibigan, sinamahan niya ako, ipinakita ang pagmamahal. Naging masaya ako sa piling niya. Siya ang naging liwanag ko sa dilim, siya ang naggabay saakin. Siguro kung wala siya, wala narin ako siguro ngayon. Masaya ako at nakilala ko siya, siya na kasi ang tumayong kaibigan ko, at magulang ko. Katherine salamat at nakilala kita.”

            Naiyak ako sa kwento ni Jane, lumapit ako sakanya at inakap ko siya. Kahit yung iba naiyak din, karamihan ng mga anak mayaman sa klase dito ganuon din ang nararamdman. Halos lahat naman ata kami, kahit ako. Si papa laging nasa trabaho, si kuya nalang ang nag-alaga saakin kapag wala siya. Malungkot iyon, at alam kong ayaw ninyong manyari sa buhay ninyo iyon.

            Ako naman ang susunod dahil magkatabi lang naman kaming dalawa ni Jane. Ang nabunot ko naman ay dilaw. Yes! Ang dali ng akin, friendship. Pumunta na ako sa hatapan at nagkwento-kwento, masyadong madrama ang aura e kaya pinatawa ko nalang sila muna. Lumipas ang ilang kwentuhan at ang susunod na si Alfred. At siya ang inaabangan ko, masyado siyang kakaiba at gusto kong malaman ang lahat ng mayroon sa kanya. Bumunot na siya at ang nabunot niya ay asul.

            “Okay ako naman, ako si Alfred ang ikukwento ko ay about my family. Lumaki ako ng walang nakilalang ama at ina, sabi ng tita ko naaksidente sila ng baby palang ako. Si tita ang nagtake over sa company, hanggang sa makatapos ako. Lumaki ako ng puno ng inggit sa mga ibang bata, mayaman nga kami, nabibili ang mga gusto pero, iba rin pala kung hindi mo kasama mga magulang mo. Sinabi ko sa sarili ko na walang halaga itong perang iniwan para saakin, kung hindi ko naman kasama ang mga nag-iwan saakin nito. Tatanggapin ko ito kung nabibili lang ang buhay ng mga magulang ko. Pero hindi e, thats very impossible. Pero sa kabila ng lahat masaya parin ako, dahil kahit papaano may mga nagiging kaibigan ako. At ngayon may nagugustuhan akong babae, pero yung babaeng iyon may gustong iba. Pero hindi ako susuko, dahil alam kong ginagawa ko naman ang lahat para mapansin niya naman ako e.”

Grabe naman pala ang kwento niya, naalala ko tuloy yung sinabi niya nung isang gabi. “Shiromi, maswerte ka dahil may nagmamahal sayong mga magulang. Masaya din ako at pinapahalagahan mo sila. Sana matulungan kita, gagawin ko lahat.”

            Tumabi siya saakin pagkatapos niyang magkwento. Tumingin siya saakin at ngumiti, parang noong nasa clubroom kami, ayan nanaman ang mala-anghel niyang ngiti.

            “Alfred, I’m sorry.”

            “Para saan naman?”

            “Kasi lagi nalang akong nagagalit sayo, parang sa sinabi ko noon na, wala kang alam sa nakaraan ko kaya wala kang pagsabihan ng ganyan, parang bumalik saakin.”

            “Ano ka ba Shiromi, ayos lang iyon. Hindi ko lang talaga alam ang pagmamahal ng isang magulang kaya naman ganuon ang reaksyon ko noon. So ayos na? Makinig ka na, susunod na yung crush mo at panghuli pa siya.”

            “Weh? Talaga lang ha?” tumingin na nga ulit ako sa harap at nakita ko nga si Glenn na nga yung susunod. Sabik na ako sa bubunutin niya, ang gusto kong mabunot niya ay pula dahil alam ko na halos lahat sakanya maliban sa love life. Kaya please makisama ka ngayon. Bubunot na siya at thank you lord! Pula ang nakuha niya!

            “Umm, ok. Hindi ko expect na pula ang mabubunot ko, well walan na akong magagawa. Ako si Haiiro or Glenn nalang, ang aking kwento ay tungkol saaking love life.”

            Eto na, sasabihin niya na. Dapat akong makinig ng mabuti. Pero mag-uumpisa palang siyang magsimula ay umulan ng biglaan. Nagulat kami at sinabi ni sir na pumasok sa bus agad agad, mabilis naming kinuha ang mga gamit namin at basang basa na kaming nakasakay sa bus. Niloloko pa nila si Glenn na kawawa naman dahil hindi siya nakapagkwento, pero parang ayos lang kay Glenn hindi ko masabi kung bakit. Sinabi ni sir na babalik na kaming lahat sa campus kaya magpahinga na kami.

            Marami akong natuklasan ngayon sa field trip na ito. Mga sikretong hindi maibunyag ng mga tao, ay nasasabi nila. Masmarami akong natutunan ngayon kay Alfred at masaya ako duon. Pero ang ayaw ko ay yung kay Glenn! Bigla ba namang umulan, nakakainis

Camera Film - A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon