Chapter 14: Memories

294 7 0
                                    

Siyam na taon ang lumipas, hindi parin bumabalik si Shiromi. Nakalimutan kong tanungin kung saang bansa magpupunta sila Tito Samuel. Sa huli kasalanan ko din, well hindi naman sa nawalan na ako ng pag-asa. Sa ngayon nakatapos ako ng Fine Arts, at sangayon ako ang namamahala ng company. Dahil may wastong edad naman na ako sabi ni tita, sa una mahirap. Pero kakayanin ko ito.

            “Sir Alfred, pupunta po kayong Italy ngayon?”

            “Oo, sabi ng business partner ko duon may ipapakita daw siyang mga latest designs duon para sa susunod na project natin. Kaya naman bantayan mo muna itong Main Branch okay? Ikaw narin bahala sa ibang branch habang wala ako.”

            “Opo sir.” Umalis na yung assistant ko.

            Sumakay na ako ng kotse dala ang maleta ko. Medyo traffic papuntang airport muntik pa nga kaming mahuli e. Makalipas ang ilang oras at nakaraos din at nakasakay na ako ng eroplano. Medyo matagal ang byahe kaya matutulog muna ako.

            “Sir gising po nandito na tayo.” Pannggigising saakin ng stewardess.

            Tumayo na ako sa kinauupuan ko, pahikab-hikab pa ako. Kinuha ko na ang maleta ko at hinanap ang susundo saakin. Ilang minuto din ay nakita ko na siya, nilapitan ko ito at agad kinuha ang maleta ko at inilagay sa kotse. Sumakay narin ako at naghintay na paandarin niya ito.

            “Umm, mister Gomez you know that I’m your biggest fan. I like your paintings, designs, sketches and a lot of stuffs too. Besides your talent, handsome face is so admirable.”

            “Grazie.”

            “Care for a little meryenda signor?”

            “No, I’m full.”

            Ang ingay nitong driver na ito. Nasa Rome ang main branch ng company ng business partner ko kaya, medyo malapit lang. Mga ilang oras din at mabuti ay buhay pa ako at natiis ang kasasatsat nitong lalaking ito. Agad akong sinalubong ng business partner ko, ang pangalan niya ay Feliciano Vargas.

            “Ah mio frattelo, hello how are you?”

            “I’m fine how about you?”

            “I’m fine also, so lets get back to work shall we? Actually the place I’m telling you is not here, we have to go to Venezia.”

            “Really? So lets get going then.” Sagot ko. Naku naman biyahe nanaman. Ang alam ko sa Venizia, isa itong lugar na nalubog noon sa dagat. Pero akalain mong may mga bahay parin duon?

            Nakarating na kami at kitang-kita ko ang ganda nga ng lugar na ito. Pinahinto ko ang sasakyan at kinuhanan ito ng litrato.

            “Hey Feliciano, I guest you’re right, there are so many ideas here for our next project.”

            “Hahah I told you, and also don’t worry about your place to stay. I already rented in a hotel here in Venezia.”

            “Really? Well thank you.”

            Iniwan na nila ako sa hotel na sinasabi nila, at inayos ko ang mga gamit ko. Gabi na pala, maganda rin itong kwarto ko. May balkunahe pa dito, lumabas ako at nagpahangin.

            “Sana kasama kita ngayon, pinapanuod nating dalawa ito. Shiromi, nasaan ka na nga ba?”

            Natulog na ako dahil sa sobrang pagod. Ang lambot naman nitong kama, ang sarap. Kinabukasan nagpunta ako sa isang Cafe’ malapit lang dito. Habang nagkakape ako ay iginuguhit ko ang magandang lugar ng Venice. Gondolier pala tawag sa mga nagpapalaot ng bangka, wala silang kalsada Dito na pagdadaanan ng sasakyan puto bangka, maliban sa mga sidewalks.

Camera Film - A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon