Chapter 13: Paalam

286 8 0
                                    

Alfred POV

            Hinanap-hanap ko si Shiromi kung saan-saan. Nasaan ka na ba? Kahit iniwan mo ako duon na luhaan hindi parin ako susuko. Pinagtitinginan na ako ng mga tao, pero wala na akong pakielam.

            “Shiromi! Nasaan ka!”

            “Alfred!” teka kay Shiromi yung boses na iyon ah?

            Tiningnan ko siya at nakita ko sa mukha niyang masayang-masaya.

            “Shiro------“

Lalapitan ko na sana pero nakita kong may papalapit na kotse kay Shiromi.”

“Shiromi! Mag-ingat ka!” tumakbo ako papalapit sakanya pero, hindi ko siya naabutan, at nabunggo siya.

“Hindi, Shiromi!”

Masyadong mabilis ang pangyayari, hindi ako makakibo. Yung papa niya nagulat din at lumabas sila, humagulgol sa iyak ang kuya niya kahit ang papa niya. Pinatawag niya ako ng ambulansya.

            Nandio ako ngayon sa hospital, kasama ang kuya at tatay niya. Lahat kami alalang-alala.

            “Iho, mahal mo ba talaga ang anak ko?”

            Nagulat ako ng biglang kinausap ako ng tatay niya.

            “Syempre naman po, mahal na mahal ko po siya. Kahit saktan po ako o patayin man. Hanggang sa kabilang buhay mamahalin ko parin po siya.”

            “Mabuti naman at ganuon nalang ang pagmamahal mo sa anak ko. Anu bang pangalan mo?”

            “Alfred Kuroji Gomez po.”

            “Gomez? Kilala mo ba sina Ciara Gomez at Kojiro Gomez?”

            “O-Opo, mga magulang ko po sila. Kaso patay na po sila, na aksidente nung sanggol palang ako.”

            “Ganun ba? Alam mo bang mga kababata ko yung dalawang iyon? Naku ikaw na pala yung anak nung dalawang iyon, ang laki mo na.”

            Magkakilala pala niya yung mga magulang ko. Marami akong gustong malaman tungkol sa kanila pero nakakahiya.

            “Alam mo ba ng bago sila mawala, ikaw lang ang halos hinahawakan at naasikaso. Kahit na pagod sila sa trabaho ikaw parin ang iniisip.”

            “Ganuon po ba?”

            “Alam mo na siguro ang tungkol sa nanay ni Katherine diba?”

            “Opo.”

            “Mahirap ang mawalan ng minamahal sa buhay, hanggang ngayon siya lang ang iniisip ko. Pero naisip kong hindi dapat ako mawalan ng pag-asa, may dalawa pa akong anak.”

            “Pero diba dapat binabantayan mo parin ang anak ninyo po? Siguro kung wala lang kuya si Shiromi, baka kung anu na ang nangyari sakanya. Halos kuya nalang daw niya ang naging tatay at nanay niya dahil siya nalang ang nag-aalaga dito.”

            “Oo tama ka, nagkulang ako sa mga anak ko. Pero para sakanila din itong ginagawa ko, nakikita ko sa mukha ng anak ko ang lungkot nung nilalayo ko siya saiyo, naisip kong unfair na nag ako noon, hanggang ngayon ganuon pa din.”

             “Diba nobody’s perfect? E bakit kayo malungkot diyan? Ako nga po hindi rin ako perfect, hindi ko nga po kayong nagawang pigilan kanina. Pero anung ginawa ko sinubukan ko parin. What I’m trying to say here sir, kahit na may pagkukulang kayo sa anak niyo, why won’t you try to change a little bit? Nasayo na po kung paano niyo gagawin iyan.”

            “Alam mo tama ka, parehas na parehas nga kayo ng mga magulang mo. Siguro nga it’s time to give my time to them. And by the way tawagin mo nalang akong Tito Samuel.”

            Masaya ako at nagiging malapit na kami ng tatay ni Shiromi, pero nag-aalala parin ako dahil wala pa ding balita.

            “Excuse me, Mr.Damian please come inside the room.”

            “Doctor, ano po ba ang sitwasyon niya ngayon?” pag-aalala ni Tito Sam,

            “Sa ngayon ayos na siya, ngunit hindi ito sapat. Kailangan niyo na po ng masmodernong technology, dahil may nakita po kaming tama sa skull niya. Baka po maapektuhan ang brain niya.”

            “Ganuon po ba mabuti naman pala, susubukan po namin ang recommendation ninyo.”

            Sa sinabi ng doctor, medyo parang nabunutan ako ng tinik sa puso. Nilapitan ko agad si Shiromi. Naaawa ako sa sitwasyon niya, hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko.

            “Bunso, wag kang mag-alala nandito lang kami ni papa at ni Alfred. Idadala ka naming dalawa ni papa sa ibang bansa.” Masayang sinabi ni Derick

            Kahit walang malay ang kapatid niya, ipinapakita niya parin na mahal niya talaga ito. Naiinggit ako sakanya, pero kahit wala akong kapatid o magulang pwede parin akong maging masaya.

            “Iho, sana maintindihan mo ngayon ang sitwasyon ni Katherine. Bukas na bukas din namin isasala sa ibang bansa si Katherine, para kung papalarin ay makahabol pa siya sa pasukan para sa future niya rin iyon.”

            “Opo, ayos lang. Kung iyon ang makakabuti para sakanya. Hihintayin ko po siya kahit gaano pa katagal.”

            “Kung ganuon ayos na?”

            Lumuhod ako sa kama niya at hinawakan ang kamay niya.

            “Shiromi, masakit din para saakin ang mawalay ka saakin. Mayroon lang akong mga gustong sabihin saiyo, sana pagmagaling ka na wag mo akong ipagpapalit sa mga foreigner duon ha? Malulungkot ako kung mangyari man iyon.”

            “Iho, masaya ako at nakilala ka niya.”

            Hinalikan ko ang kamay ni Shiromi.

            “Ipapangako ko saiyo, hindi pa ito ang huling pagkikita natin. Kaya paalam na.”

            Umalis na ako ng hospital, dala ang masasakit na alaalang nangyari ngayon araw. Pero gagawin ko lahat, kung matatagalan man si Shiromi na bumalik sisiguraduhin kong magandang buhay ang maibibigay sakanya.

Camera Film - A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon