Last Chapter: Film

351 11 1
                                    

Katherine POV

            Masyadong maliwanag, anung nangyayari? Nasa langit na ba ako?

            “Anak ayos ka lang?”

            “Bunso ayos ka lang, mabuti at gising ka na.”

            “S-Sino kayo?”

            Dalawang lalaki ang bigla nalang ang biglang bumulaga saakin, hindi ko sila kilalang dalawa. Napansin ko rin na nagulat din sila, anung problema nitong mga ito?

            “Doktor, bakit parang wal siyang naaalala?” sagot ng matandang lalaki.

            “Anung nangyari kay bunso?” sabi naman ng isand napakagwapong lalaki,

            “Hindi ko po alam Mr. Damian, it looks like your daughter has amnesia.”

            Amnesia? Ako? Anu ba talagang nangyayari saakin?

            “Katherine anak, ako to yung tatay?”

            “Ako naman si Derick yung kuya mo.”

            Medyo mahirap intindihin ang mga pangyayari biglaan nalang itong naging ganito. Ilang buwan ang lumipas, pinag-aral ako ni papa na magsalita ng italyano. Medyo mahirap pero kailangan, dahil dito nalang daw ako pagtatapusin ng college.

            Nakapagtapos ako ng HRM, at kahit na may amnesia ako, nalilito ako dahil hindi ko makalimutan ang mama ko, ang pangarap na itinatak niya sa puso ko, gusto kong maging photographer.

            Siyam ba taon ang lumipas, marami narin akong napuntahang bansa, sa ngayon babalik ako sa Italy kung saan ako nakapagtapos ng pag-aaral. Pumunta ako sa sikat na kapitolyo ng Italy, at ito ang Rome. Medyo pagod na ako nuon kaya naman humanap ako ng hotel, at napadpad ako sa Venice o Venezia.

            Kinabukasan nuon, naglibot-libot ulit ako sa lugar na ito. Ang ganda sobra! Kinuhanan ko ng maraming litrato ang mga ito.

            “Shiromi!”

            Parang may tumatawag sa pangalan ko sino kaya iyon? Tumingin ako sa gawing kanan at nakakita ko ng isang hindi kilalang gwapong demonyo. Nung makalapit ito ay bigla nalang ako nitong inakap. Nagulat ako syempre, tinatanong ko kung sino siya. At dito ko na nga nakilala si Alfred. Nuong una naguguluhan ako sakanya pero, akalain mo ang saya niya palang kasama, hindi ko alam kung bakit pero, parang hindi nga ito ang unang pagkakataong nagkakilala kami.

            Maraming kaguluhan ang laging nangyayari sa isipan ko. Mga magugulong alaala, ang bumabangungot saakin tuwing gabi. Hindi ako makatulog, inaasikaso ko ang pagdevelop sa mga picture. Tinignan ko ang oras at nakita kong  2:30am na, makapit na rin namang mag-umaga. Tatapusin ko nalang ito, inipit ko ang mga litrato sa wire para matuyo. Hindi pa masyadong makita, naligo muna ako. Tapos naghitay, medyo natagal narin ang inabot kaya naman natulog narin ako.

            Kinabukasan pagod na pagod pa din ako. Tinignan ko ang mga litrato, nagulat ako ng makita ko na.

            “Teka, kaming dalawa ni Alfred ito ah? Pero kailan ito kinuhanan?”

            Isa-isa ko itong tinignan, at habang tinitignan ko itong mga ito, ang mga luha ko ay bigla nalang tumulo. Hindi ko alam kung bakit pero, may mga pumapasok na alaala saisip ko.

~Flashback~

“Sir sorry I’m may I come in?” hingal na hingal niyang sinabi sa tapat ng pintuan.

Camera Film - A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon