Chapter 10: Bakit?

344 9 0
                                    

Katherine’s POV

            Sawakas at nakapagtapos narin kami ng highschool, marami ang natuwa dito. Kaya napagisip-isip naming magkakaklase na magbakasyon sa isang resort. Lahat kami ay pumayag duon. Mabilis ang mga pangyayari, naging kaibigan nalang ang turing ko kay Glenn. Wala na akong nararamdaman para sakanya, ang pagmamahal ko ay ibinuhos ko nalang sa demonyo kong mapagmahal. Nag-enroll narin kami ng dumating ang pasukan, kumuha ako ng Med. Tech. Medyo mahirap pero kakayanin ko iyan, si Alfred naman ay Fine Arts. Bagay sakanya ang pinili niya, at alam kong may kinabukasan siya para dito. Iisang school lang ang pinili namain kaya magkakasama parin kami. Hindi parin nagbago ang ugali niya, mapang-asar saakin minsan pero minsan din mabait, corny, at iba pa.

            “Shiromi, magdate naman tayo o.” parang bata kung umasta.

            “Ha? Bakit? Hindi ba tayo nagdedate noon?”

            “Sige na, wala naman tayong ginagawa ngayon. Naghihintay palang tayo ng pasukan.”

            “O sige na nga! Punta tayo Enchanted Kingdom, hindi pa ako nakakapunta duon.”

            “Sige.” mabilis niyang sinagot.

            Napagdesisyunan naming sa sabado pumunta, nagkaroon pa ng gulo saamin kung anung mga oras niya ako susunduin, dahil daw baka maghintay pa daw siya dahil baka kararating palang daw niya, baka nagpapaganda palang daw.

            Dumating ang araw ng date namin, at sakto nandito na siya sa tapat ng bahay namin. Agad niya akong pinasakay sa kotse niya. Parang nagmamadali naman itong taong ito, pero akala ko nagmamadali dahil exited siya sa date namin pero may nakalimutan lang pala sa bahay nila. Dumaan kami saglit sa pagkalakilaking bahay, parang palasyo nga e. Makalipas ng ilang dekada ay nakarating na din kami sa Enchanted Kingdom, medyo mabagal dahil nagkaroon ng trafic.

            “Shiromi! Sawakas nandito narin tayo!”

            “Oo napansin ko nga, itong lalaking, ito umayos ka nga! Parang ngayon ka lang nakapinta dito ah.”

            “First time ko naman talaga.”

            “Ano? Weh dinga?”

            Isang mayaman na katulad niya ay hindi pa nakakapunta dito? Grabe ha!      Bumili siya ng ride-all-you-can ticket, at bila nalang akong kinaladkad sa buong lugar.Maraming tao ang nakatingin saamin, para bang nakakita ng mga artista. Well maganda naman talaga ako, anung magagawa nila?

            “Shiromi, duon tayo haunted house.”

            “Ayaw ko!”

            Kinaladkad niya parin ako kahit ayaw ko. Sa isang ride naman.

            “Shiromi, try nating yung Space Shuttle.”

            “Alam mo namang Acrophobic ako diba?”

            “Ganun din iyan, malay mo mawala.”

            “Anung mawala? Baka lumala ang sabihin mo!”

            “Sus! Takot ka lang e.”

            “Anu bang sinabi ko?”

            Wala parin akong nagawa, hinila niya parin ako at isinakaw sa nakakatanggal kaluluwang sasakyang ito.

            “Handa ka na ba Shiromi?”

            “Sa tingin mo hindi?”

Camera Film - A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon