Chapter 5: Dahil mahal ko siya

462 11 0
                                    

Alfred POV

            “Saan na kaya yung babaeng iyon?” hinahanap ko si Shiromi kung saan-saan pero hindi ko siya makita. Pumunta narin ako sa room pero sabi ni Jane wala pa daw siya. Hinintay ko siya bago magfirst subject pero wala parin, tinanong ko ulit si Jane ang sabi niya baka daw nasa gym. Nagtaka ako kung bakit sa gym, pero kaysa sa isipin ko edi pinuntahan ko nalang siya. Hinanap ko siya sa looban pero wala, napagisip-isip ko na baka nasa likod siya nito.

            Tama nga ang hinala ko nan dito siya, pero anung ginagawa niya dito? Nilapitan ko siya ng tahimik, habang papalapit ako napansin kong may ibang tao dito. Napansin kong sinusubaybayan ni Shiromi ang mga ito. Naisipan kong asarin ang babaeng ito, kasi naman masyadong seryoso yung muka niya e.

            “Psst, ano ginagawa mo?” parang binabantaan kong sinabi

            “S-sino ka?”

            “Ewan ko, hulaan mo.” sabay tinakpan ang mga mata niya.

            Pinilit niyang tinanggal ang mga kamay ko at sabay humarap saakin. Pagkaharap niya saakin ay parang nagulat siya at natakot halos mapasigaw nga e kaya tinakpan ko ang bibig nito, tapos biglang nagbago ang emosyon niya naging parang nagagalit. Anu ba nanaman ang ginawa ko?

            “Shh! Wag ka maingay maririnig ka nila.” pang-aasar ko sa kanya.

            “Sino bang hindi mapapasigaw sa ginagawa mo?”

            “Sorry naman, so anong ginagawa mo dito? May first subject pa tayo.”

            “Ayun o tigan mo iyon.” Sabay turo sa mga iyon.

            Oo nga no? Ngayon at naalala ko na yung lalaking iyon ay kaklase namin anu ulit pangalan? Glenn ata? Pero anu naman ang pakay nitong babaeng ito? Pinakinggan ko nalang yung dalawang nasa harapan namin. Napansin ko na nagtatapat pala yung babae, mukhang alam ko na ang dahilan ni Shiromi.

            “Shiromi, may gusto ka ba kay Glenn?” tanong ni Alfred.

            “Paano mo nalaman?”

            “Anu pa ba ang dahilan mo kaya ka nandito diba?”

            “Oo na nahuli mo na ako, oo tama ka may gusto ako kay Glenn. Pero natatakot akong sabihin na mahal ko siya, kasi baka tanggihan niya din ako tulad ng iba. At ang masama masisira ang pagkakaibigan naming dalawa.”

            Tama nga ang hinala ko, pero anu nga bang nagustuhan ni Shiromi sa Glenn na iyon? E  hamak na masmatalino, masgwapo pa ako sa lalaking iyon. Teka nga bakit ba inaalala ko iyon, wala naman akong pakielam kung may gusto si Shiromi sa lalaking iyon diba?

            “Bakit ka nga pala nandito Alfred?”

            “Ah iyon ba? Gusto ko kasing makabawi sayo e, sorry talaga sa nangyari kahapon.”

            “Kahit kailan hindi ako nagalit sa ibang tao, nagtatampo lang ako sakanila kung bakit nila iyon nagagawa.”

            “Anung ibig mong sabihin?”

            “Kung pinatawad ko ang isang tao, talagang pinatawad ko na siya. Hindi ko na kailangan ng kahit ano basta wag na niya ulit gagawin iyon.”

            “O sige Alfred mauna na ako, tutal nagcutting ako ng first period maggagala muna ako.”

            “Ok sama ako.”

Camera Film - A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon