Chapter 11: Hindi Inaasahan

304 8 0
                                    

            Katherine POV

            “Papa naman! Bakit ninyo naman ako ipapakasal sa hindi ko kakilala! Tapos foreigner pa, edi lalo kaming hindi magkakaintindihan niyan.”

            “Kailangan natin ito anak, kaya pumayag ka na.”

            “Hindi ayaw ko! Hindi niyo ako mapipilt!” pumasok ako ng kwarto at inilabas ko lahat ng galit sa teddy bear na regalo saakin ni Haiiro ng bata pa kami siya nga pala si Bebsi Bear, ganda ng pangalan ano?

            Bumukas ang pintuan at si kuya Derick ang pumasok.

            “Bunso, ayos ka lang? Pasensya na ha? Walang magagawa ang kuya mo dito.”

            “Ayos lang kuya wala kang kasalanan kaya wag ka ng magsorry.”

            Inakap ako ng kuya ako, sa akap niya alam kong grabe na lang ang pag-aalala niya. Si kuya Derick na ata ang pinakamabait na kuyang nakilala ko. Di ba merong mga kuyang walang pakielam sa kapatid nila, at iba pa. Masaya ako at siya ang naging kuya ko. Mga ilang minuto ang lumipas, biglang may kumatok sa pintuan. Nagulat kami ni kuya, pagkabukas nito ay si papa lang pala.

            “Katherine and Derick, get ready because we are leaving at 10:00am. Am I clear?”

            “Saan naman po tayo pupunta?” pagtatanong ko.

            “We’re going to meet your fiance, so hurry up.”

            “What? Papa naman e, hindi naman ako pumayag diba?”

            “Ganito nalang para walang away, pupunta ka duon parang paggalang, kung magustuhan mo yung lalaki edi maganda, kung hindi ayos lang. Ang mahalaga makapunta tayo duon.”

            Hindi na ako umiimik, maganda yung deal ni papa, but knowing him hindi pa duon nagtatapos.

            Pagkalipas ng ilang oras biglang tumunog ang doorbell, wag mong sabihing si Alfred iyon kung hindi patay. Hindi ko pa kasi nasasabi ang tungkol kay Alfred.

            “Ako na, magbihis na kayong dalawa.”

            “Ay hindi papa ako na.”

            “Hindi ako na.”

            “Papa naman e baka busy kayo maistorbo pa kayo------“

            “Katherine! May tinatago ka ba?” galit na sinabi ni papa at natakot ako. Hindi na ako nagsalita. Binuksan ni papa ang pintuan at totoo nga si Alfred ito.

            “Excuse me po, kayo po ba ang tatay ni Shiromi?”

            “Ako nga, anung ginagawa mo dito.”

            “About her arrangement, I would like to disagree about that.”

            “At sino ka naman para tutululan ang arrangement ng anak ko?”

            Nagagalit na si papa, kailangan ko ng makisawsaw sa usapan.

            “Papa!” lumapit ako kay Alfred at hinawakan ang braso niya. “He’s my boyfriend.”

            “What?”

            “Please Mr. Damian, mahal ko po yung anak ninyo.”

            “I already made of my mind. Katherine lets go.”

            “Pero----“

            “Walang pero pero, Derick halika na.”

            Tinawag na ni papa si kuya Derick. Agad kaming pinasakay sa sasakyan ni papa. Sumakay narin ako ng mahinahon, siguro nga masmabuti na ang ganito. Kilala ko ang papa ko, baka saktan niya si Alfred. Kahit nasa loob na ako ng sasakyan naririnig ko paring sumisigaw sa labas si Alfred.

            “Shiromi, pakiusap wag mo itong gawin.”

            Hindi ko mapigilang maluha sa sitwasyon ito. Si kuya naman katabi ko, tinatapik ang lkod at pinapatahan. Pinaandar na ni papa ang sasakyan, si Alfred sumisigaw parin. Umaandar na ang sasakyan, pero bakit ganuon? Hindi parin tumitigil ang luha ko.

            “Shiromi!”

            Nagulat ako nung biglang sumigaw si Alfred. Tumungin ako sa likod at nakita kong nakabisikleta.

            “Shiromi! Wag mong gawin saakin ito pakiusap!”

            “Papa ihinto mo yung sasakyan!”

            “Bunso bakit naman?” pagtatanong ni kuya.

            “Papa ihinto mo yung sasakyan!”

            “O sige ayan na!”

            Bumaba agad ako ng kotse at nilapitan si Alfred. Pagod na pagod siya, niyakap ko ito ng buong higpit. Halos nasa gitna na siya ng kalsada.

            “Shi---ro---mi---“ paghihingalo niyang sinasabi sa pagod.

            “Alfred, ayaw kong mapahamak ka sasaktan ka ni papa sa oras na kumontra ka pa.”

            “Diba mahal mo ako? Bakit pipiliin mo pa yung taong iyon?”

            “Dahil mahal na mahal kita, pero hindi ko talaga kayang nakikita kang nahihirapan ng dahil saakin. Kaya pipiliin ko yung masnakakabuti, para saiyo.”

            “Wala akong pakielam kung saktan nila ako o kung anu pa, basta makasama ka.”

            Narinig kong bumukas ang kotse, nakita kong bumaba si kuya.

            “Bunso, tawag ka na ni papa.”

            “Pero kuya---“

            “Tara na, magagalit siya saatin kung hindi ka susunod.”

            Tumingin ulit ako kay Alfred, nakita ko ang mukha niyang papaluha na. Ito ang unang beses na nakita ko siyang iiyak. Halos naiiyak na din ako sa pangyayari, inakap ko siya at ibinigay ko ang pinakahuling halik ko sakanya.

Let me be the one to break it up,

So you won’t have to make excuses.

We don’t need to find a set up where,

Someone wins and someone loses.

We just have to say our love was true,

But has now become a lie.

So I’m telling you I love you one last time,

 “Alfred, paalam. Mahal na mahal kita.” Tumalikod na ako at inalalayan ako ng kuya ko papasok ng kotse. Ito na ang huling beses na magkikita kami, patawad Alfred Kuroji Gomez.

And good bye~~

Camera Film - A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon