Camera Film

1.7K 22 2
                                    

----Prologue----

Maraming tao ang gustong ibalik ang nakaraan.”

“Kahit na hindi naman nila itong kayang gawin.”

“Oo, inaamin ko kahit ako gusto ko ring ibalik ang nakaraan.”

“Hindi niyo rin naman kasi ako masisisi diba?”

“Ang hirap din naman kasing kalimutan nalang ang mga masasayang bagay na nadama mo……”

“Lalong lalo na kung ito ay galling sa taong minamahal mo.”

“Pero hindi naman kailangan lagi tayong nakatali sa nakaraan, kailangan din nating humarap sa hinaharap.”

Iyan ang mga payong sinabi saakin ng mga kaibigan ko, alam ko tama sila pero mahirap. Hindi ko kayang basta nalang pawalain na parang bula ang mga alaalang iyon. Pero isang araw may isang tao ang nagsabi saakin nito, “Hindi mo naman kailangang kalimutan e, pwede mo naman siyang gawing inspirasyon.”

Sa sinabi niyang iyon para akong nabunutan ng tinik. Kahit papaano alam kong pwede nga pala iyon.

"The memories that we made with someone are very important, it is like a part of our body, it’s fragile."

"Fragile like a film."

Sa oras na matutukan lang ng araw, masisira ito at mawawalan ng saysay. Kaya kailangan doble ang pag-iingat. Alagaan mo ito, mahalin mo.

Camera Film - A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon