Chapter 2: Memento

641 11 0
                                    

Kanina niya pa ako tinitignan, at ngingiti-ngiti. Kinikilabutan ako sa mga mata niya, ang mga mata niyang “Deep-Dark Brown”. Kapag titignan mo ito para kang malulunod sa kadiliman. May pagka-chinito pa ito, ang buhok niyang itim bagay sa mga mata niya. Ano ba itong sinasabi ko, ibinalik ko na ulit ang tingin ko sa guro at nagsulat.

            Tumunog ang bell na nagpapahiwatig na break-time na. Tinawag ko si Jane at inaya na pumunta sa cafeteria, pero bago kami makaalis marami akong mga suki na nakikiusap ba kuhanan ko ng litrato si sir Mark at yung halimaw na Alfred na iyon. Sanay na ako sa ganito. Kapag may nagugustuhan ang mga babaing ito sinusunod ko naman, para saakin at sa club din ito e.

            Dumiretso na kami ni Jane sa cafeteria at umorder ng dalawang piatos, dalawang softdrinks, dalawang tinapay, at isang mansanas at saging. Pagkabili namin humanap na kami ng mesa at duon na kami kakain. Habang kumakain kami mayroong tumatawag sa pangalan ko at isang lalaki ito. Malayo palang alam ko na ang tono ng boses niya, ang mababang boses na parang bumabalot saakin. Lumingon ako sa likod at tama nga ako, siya si Haiiro.

            “Kat, Kat!” masaya niyang binabanggit ang pangalan ko. At ako rin masayang naririnig ito.

            “O bakit? Wag kang sumigaw naririnig kita!” sabay tawa.

            Siya nga pala si Glenn Haiiro Nicolas, isa siyang basketball player ng RA, namamangha nga ako sa kanya dahil napapagsabay niya ang academics niya at ang basketball. Pero hindi ko naman siya masisisi dahil kailangan niya iyon kung gusto niya maglaro pa ulit. Magkababata kami at magkaklase simula noon hanggang ngayon. Nagtataka kayo dahil parang hindi ko siya nabanggit nung una, dahil mayroon silang morning practice, kahit bakasyon may laban din sila kaya naman halos wala na siyang pahinga.

            “Kamusta naman ang aking bestfriend?” sabay yakap saakin. Malambing siya at mabait, kaya siya ang taong minamahal ko. Hindi ko ito masabi, dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin at natatakot akong masaktan.

            “Ayos lang naman. Paano naman ang MVP ko, daijobou?” tanong ko.

            “Ayos lang din naman.” sagot niya sabay ngiti.

            Ayos na saakin ang ganito dahil kahit papaano, pakiramdam ko masaya kaming dalawa. Nagsimula itong nararamdaman ko noong nagsimula na kaming maging highschool. Hindi naman maiiwasan sa isang tao ang umibig diba?

            “Hay naku! Ayan nanaman kayong magkababata e. Pakiramdam ko tuloy mag-isa lang ako.” sabay tawa.

            “Ikaw naman Jane e, namiss din naman kita. Ang kaibigan ng Kat ko ay kaibigan ko rin.”

            “O siya maiwan ko muna kayong dalawa dyan may aayusin pa ako sa room.” Nagpaalan nasi Jane saamin, at naiwan kaming dalawa doon sa mesa. Bumili narin si Glenn ng pagkain niya at sumabay na saakin.

            “Kamusta ang business mo?” pabiro niya.

            “Ayos lang naman, speaking of business pwede ba kitang kuhanan? Syempre sikat ka sa school na ito at alam kong marami ang may gusto saiyo.”

            “Asus! binubola mo nanaman ako e”

            “Hindi ah, totoo naman!”

            “Talaga lang ha?”

            “Oo naman! Teka? Naiwan ko ata ang camera ko sa room.”

            “Paano ba iyan? Hindi mo ako makukunan?” sabay tawa.

            “Edi mamaya na lang sa room, tutal papasok ka ngayon.”

            Wala na kaming halos nakain dahil kwentuhan kami ng kwentuhan. Sabay na kaming bumalik sa room, at napapansin ko na kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao. Pero sanay na ako, dahil sino nga naman ang hindi maiintriga? Isang sikat na basketball player ang kasama ko ngayon diba? Malapit na kami sa room at bago pa kami makarating duon, naririnig ko ang sigaw ni Jane. Nag-aalala ako at agad tumakbo, iniwan ko na si Glenn duon. Pagkapasok ko nakita ko si Jane na inaabot ang camera ko na hawak ng demonyong Alfred na iyon.

            “Ano ba Alfred ibalik mo iyan kapag nakita ka ni Katherine sigurado akong magagalit iyon, hindi iyan basta basta ordinaryong camera------“  hindi naituloy ni Jane ang sinasabi niya dahil nagulat ata siya saakin.

            “Hoy tomboy, saiyo pala itong lumang camera na ito? Meron naman sanang Digital Camera, bakit camerang di film pa gamit mo?” pang-aasar niya.

            “Wala ka nang pakielam sa bagay na iyan, kaya ibalik mo na saakin!”

            “Ang pangit na ng ganito, dapat sa mga napaglulumaan tinatapon na.”

            “Ibalik mo iyan sabi e!”

            “Hoy tomboy, ang pangit naman ng taste mo sa mga bagay na ganito. Kababaing tao mo panaman ganito gamit mo.”

            Napipikon na talaga ako sa kaniya, sumosobra na itong demonyong ito. Sayang naman ang itsura niya dahil mukhang masisira ito. Sinampal ko siya ng malakas, at alam kong nagulat siya

“Bakit mo ako------?”.

            “Ito ang tatandaan mo, wala kang alam sa nakaraan ko kaya wala kang pakielam sa mga bagay bagay na ginagawa ko sa buhay!”

            Halos mapaluha na ako sa sinasabi ko, bawat salita ko gusto kong tumagos sa dibdib ng taong ito.

            “Ang camerang sinasabi mong basura ay iniwan saakin ng yumao kong ina, ang ina kong namatay sa harap pa mismo ng mga mata ko. Ang nanay kong------“ hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil inawat na ako ni Glenn. Alam niya rin ang nakaraan ko, kahit si Jane. Alam nila ang nakaraan na naranasan ko.

            Hinablot ko ang camerang nasa kamay ni Alfred, babalik na sana ako sa upuan ko bigla niyang sinabi ang mga salitang lalong kinainisan ko.

            “Katherine, patawad hindi ko alam. Kahit alam kong hindi parin maganda ang ginawa ko kanina, hindi ko parin ako tumigil.” malungkot niyang sinabi at alam kong sa mga salita niyang iyon pinagsisisihan niya ito.

Humarap ako sa kaniya at nakita ko ang mga mata niya na parang lumalim pa ang kadiliman nito. Para bang hinihigop ako nito, kinikilabutan nanaman ako.

“Alfred, sa susunod wag mo na ulitin ito ha? Lahat tayo may nakaraan na hindi maganda at yung iba sobrang nakakatakot ay halos babangunguton ka nito. Ngayon at alam mo na, sana naman intindihin mo rin ang mga taong nasa paligid mo. Pinapatawad na kita.”

“Ka-Katerine ano kasi----“ tumunog na ang bell at hindi na natuloy ang sinasabi niya. Bumalik na ang lahat sa mga upuan nila. Nakatingin ang mga kaklase ko saamin, mababait naman sila e hindi tulad ng mga narrow-minded na tao, na aasarin ka nila dahil sa intriga. Itong mga ito talagang iniintindi nalang nila, at gumaan ang pakiramdam ko na isisikreto nalang nila ito.

Camera Film - A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon