Chapter 3: Puti

545 9 0
                                    

Alfred POV

            Ang bobo ko talaga, bakit ba kasi ginawa ko pa iyong bagay na iyon? Pakiramdam ko hindi sapat yung sorry ko kanina. Gusto kong bumawi, pero hindi ko talaga alam kung paano.

            Tumunong na ang bell at tapus na ang klase, nagsibalikan na ang mga istudyante sa mga dorm nila. Kami naman ay cleaners       kaya medyo mahuhuli kaming uuwi, kinuha ko ang dust-pan at ang walis tambo, nagwalis-walis na ako para mabilis na kaming matapos. Napansin kong kasama ko rin pala ang kaibigan ni Shiromi, masbagay niyang tawagin siyang Shiromi kaysa sa Katherine. Maputi ang balat, chinita, mahaba ang buhok, tamang tama lang ang payat hindi siya yung parang patpatin, at ang labi niya mapula ewan ko kung natural o lipstick lang, kungpagsasamahin lahat parang improve version ni snow white. Kapag tinitignan mo siya parang nasa langit ako, pero ang taliwas lang sa ganda niya ay ang pagka Amazona niya.

            Pero sa nangyari kanina, nakita kong may malambot din palang puso si Shiromi kanina. Mabait siya, pero sinaktan ko siya. Napagisip-isip ko na tanungin ang kaibigan niya, gusto ko pang makilala ang mala-Snow White na si Shiromi. Nilapitan ko si Jane pero kahit anung tawag ko hindi niya ako pinapansin.

            “Jane, alam ko galit ka dahil sa ginawa ko kanina. Fine I’m such an idiot, I didn’t listen to you, and because of that I really messed it up, is that enough? C’mon please, I want to ask something.”

            “Totoo ba itong naririnig ko o guni-guni ko lang? Pinatawad ka na ng bestfriend ko pero nandito ka parin?, bakit gusto mo ba nanaman ng gulo? Binalaan kita kanina na wag mo pakielaman ang camera niya, pero ano ginawa mo? Lalo mo pang pinalala ang nararamdamang trauma ng bestfriend ko.”

            “Oo alam ko nagkamali ako, pero nandito ako para makabawi. I want to know more of Shiromi, para maintindihan ko pa siya lalo.”

            Natahimik si Jane sa sinabi ko, kinabahan ako sa reaksyon niya ng bigla siyang pumayag. Habang naglilinis kami nagku-kwento siya, tungkol sa unang pagkikita nila. Paano nga ba sila nagkakilala?

            “Mabait si Kat, maaalahanin siyang tao. Maniniwala ka ba na sa C.R kami nagkita?”

            “Ha? Mukhang hindi naman kapanipaniwala iyon, pero kung totoo man ang weird.”

            Tumawa siya ng mahinhin, nagulat nalang ako dahil kanina galit na galit lang tapus ngayon umamo. Pero mabuti nalang ang ganito, nakakatakot din siya e.

            “May balak ako noon ng elementary palang ako na magsuicide. Hindi ko alam kung ano dahilan, pero siguro punong-puno ako ng depresyon noon. Lagi akong inaapi kahit wala akong ginagawang masama, maspinapanigan ng mga guro yung mga talagang may kasalanan. Kumbaga ako ang kawawa nasa kanila ang awa. Diba ang daya?”

            “E ang mga magulang mo?”

            “Lagi silang nasa trabaho.” tapus ngumiti siya. Bakit kaya niya pang ngumiti sa sitwasyong iyon?

            “Hindi ka ba nalungkot?”

            “Aaminin ko malungkot ako dahil pakiramdam ko noon pinapabayaan nila ako, pero nagbago iyon ng dahil kay Kat.”

~~Flashback~~

            “Ayaw ko na, lagi nalang ako ang inaapi kahit wala naman akong ginagawang masama!”

            Isa akong loner noong bata ako, hindi mo rin ako masisisi kung bakit ganoon ang kinahinatnan ko. Lagi akong inaapi ng mga ibang bata, kahit nga mga guro kinakampihan pa ang mga iyon kahit sila ang mali. Hindi ako naaasikaso ng magulang ko dahil puro nalang sila trabaho.  Ang daya ano? Ako ang kawawa, nasakanila ang awa. Kaya isang araw napagisip-isip kong magpakamatay nalang.

Camera Film - A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon