Chapter 1

52 3 0
                                    

Chapter 1- Tita's Gone/Hello MMA!

------

Luna's POV

   ~KRINGGGGGG    ~ KRIIINNGGG

Narinig ko yung tunog ng alarm clock ko kaya gumising na ako...

"Luna!gumising ka na" sigaw ni tita sa labas ng kwarto..

"Kanina pa po akong gising" sabi ko sakanya sabay bukas ng pinto..

"Oh Luna,maligo kana at may importante pa akong sasabihin sayo mamaya" utos ni tita...

"Ano po yung sasabihin nyo?" Tanong ko.

"Mamaya na Luna, maligo ka muna" anubayan.. hirap talaga pilitin ni tita..

"Per-"mangungulit pa sana ako nang putulin ni tita yung sasabihin ko.

"Wala nang pero-pero... bilis at maligo ka na" putol ni tita sa sasabihin ko..

Napapansin ko lang... ang seryoso nya ngayon at parang nagmamadali sya... haisst... makaligo nga muna...

After 15 minutes natapos na akong maligo....

Bihis~bihis
Suklay~suklay

Tadaa!! Tapos na ako!! Yey!! Bumaba na ako para kumain

"Good morning tita ko!" Bati ko kay tita..

"Good morning rin Luna, upo ka muna at kumain." bati pabalik ni tita..

Matapos kumain tatanungin ko muna si Tita..

"Uh.. tita..*ehem* anong nga po pala yung sasabihin nyo sakin? Hehe"  kinakabahan ako dun sa sasabihin ni tita..

"Last day mo na  'to sa school mo, lilipat na tayo ng bahay." Sabi ni tita.. What!! Saan naman kaya kami lilipat? Sana sa tahimik at peaceful place..

"Tita saan tayo pupunta?" Tanong ko...

"Sa Mystic Land. Sa tingin ko kasi panahon na para malaman mo kung sino ka talaga at sinong mga magulang mo"

"Talaga po tita??*sparkling eyes*" tanong ko..

"Oo kaya pumasok ka at mag-paalam sa mga kaklase at kaibigan mo bago tayo umalis" kaibigan? Wala naman akong kaibigan eh bakit pa ako mag-papaalam kung wala naman akong mga kaibigan... hays..

"Uhm...tita wala po akong mga kaibigan eh.... Pero tita saan po yung Itik land ba yun?" Bigla namang tumawa si tita.. wala na nga akong kaibigan tinawanan pa ako ni tita...huhu..

"Luna, Mystic Land yun hindi Itik...hahaha..pero sige wag ka nalang pumasok nakapag-file narin naman ako ng pag-transfer mo" hehehe kaya naman pala...

"Talaga po? Lilipat rin ako ng school?" Sana naman di na nila ako bully-hin doon... hayyss.. sana nga..

"Oo, dun ka lilipat sa Mystic Mages Academy"say ni tita... woww ankyut ng name Mystic Mages.. hihi..

"Tita ano yung Mage?"tanong ko kay tita..

"Luna, ang mages ay mga taong may magic at special abilities" weh!! Magic chu chu eklavu... wala namang ganyan eh..

"Tita ano nga kasi? Inuto nyo pa ako.." talaga namang walang magic eh...

"Basta maniwala ka, mamaya maliliwanagan ka rin.." hay nako wala nga kasing ganyan...

"Luna, kunin mo yung maleta sa kwarto ko at maghanda ka na ng mga damit mo..may ibibigay ako sa'yo mamaya" utos ni tita..

"Okie po.. pero last question na tita..anong sasakyan natin papunta doon?" Mahaba kaya ang byahe namin papunta doon?

The Next Goddess Of The Mystic LandWhere stories live. Discover now