Chapter 13

14 0 0
                                    

Chapter 13: Keith.

----

"Papa, si Keith po ba nakita nyo?" Tanong ko kay Papa pagkapasok ko sa kwarto niya. Kanina pa akong paikot ikot sa palasyong ito pero hindi ko naman sya nakita. Iniisip kong baka nawawala sya kaso may palasyo rin pala sila kaya sanay na sya sa gantong mga lugar. Mabuti na lamang at may kasama akong maid na sinamahan ako kanina para hindi ako mawala.

"Sinong Keith iyon, anak?"

"Yung kasama ko po kanina."

Napatigil naman sya at sa tingin ko'y iniisip nya kung nakita nya si Keith.

"Pasensya na anak, pero hindi ko kasi matandaan ang mukha nya. Baka naman umuwi na sya kanina."

"Sige po Pa, hanapin ko po muna sya."

Pagkatapos ng isa't kalahating oras ng paghahanap ay nakita ko na rin sya.

Nagpaalam na kasi ako kay Papa na babalik na sa academy. Akala ko'y nauna na si Keith pabalik sa academy. Pagbalik ko sa Chariot at nandoon pala si Keith, doon sya natutulog.

"Rise and shine mahal na Prinsipe." Panggigising ko sakanya at tinapik tapik ang braso niya.

Naalimpungatan naman sya at umayos ng pwesto pero hindi parin sya nagmumulat.

"Keiiith. Gising na."

"Hmm. Irene..." Mukhang nagiisleep talk sya. Sino kaya yung Irene? Ganon ba sya kaimportante kaya hanggang panaginip ay nasasabi nya ito.

Bigla syang nagmulat at napatingin saakin na parang gulat na gulat.

"Kanina ka pa ba dyan?" Medyo nag-aalala nyang tanong saakin. Ayaw nya sigurong malaman ko na nagiisleep talk sya.

"Hindi naman. Actually kauupo ko lang. Tara na?"

"Dadaan muna tayo sa patahian, papagawan ka pa ng gown para mamaya." Seryosong sabi nya at saka nagutos sa nagmamaneho ng chariot sa labas na dadaan daw kami doon kay Lady Aileen.

"Kakayanin ba nilang makagawa ng ganon kabilis?"

"Oo, wala pang isang oras ay tapos na sila." Namangha naman ako sa narinig ko. Iba pala talaga kapag may magic, mas madali ang mga bagay.

Pagkababa namin ay inikot ko muna ang mata ko sa paligid at hindi ko napigilan ang sarili kong mamangha.

Malawak na hardin, isang bahay na parang gawa sa kahoy. Ang ganda ng ambiance ng lugar. Nakakakalma.

Dumiretso kami sa likod ng bahay at nakita namin doon ang isang maliit na shop.

'Dresswell by Cresswell'

Dire-diretsong pumasok si Keith sa shop at sumunod naman ako sa kanya.

Dinatnan namin ang isang babaeng nakawitch costume at mukhang kaedad lang namin.

"Magandang Umaga, anong maipaglilingkod ko sa Prinsipe at Prinsesa?" Masiglang bati nito saamin.

May pula itong buhok na straight na straight. Maputi siya at may mapulang labi. Mas mukha pa syang bampira kaysa sa witch. Sa mga nababasa ko kasi, matatanda at pangit ang mga witch.

"Kailangan nya ng Gown para sa ball mamaya."

Tiningnan lang ako nito mula ulo hanggang paa saka bumalik sa pagtatrabaho.

"Maupo muna kayo, hindi naman ito magtatagal." Sabi nya saamin at itinuro ang sofa sa gilid niya.

Tahimik kaming umupo at nanonood ako sakanya.

The Next Goddess Of The Mystic LandWhere stories live. Discover now