Chapter 7: Noticed.
-----
Natapos ang araw namin ng masaya, para samin siguro, oo. Pero kay Josh, ewan ko lang.
Maya't maya ay inuutusan sya, pinagbitbit ng mga bag, pinagsuot ng hair band at pinaikot sa campus, pinabili ng pagkain, at kung ano ano pa.
Hindi ko inakalang may gantong side rin pala ang mga Royals. Kung titingnan, mukhang normal na mga estudyante lang sila na nagkakasiyahan, hindi mo aakalaing may mga kakayahang hindi taglay ng mga normal na tao.
Hindi ko rin inakalang marunong palang ngumiti si Keith.
Hindi ko inakalang ituturing nila kaming tatlo na parang kalebel na nila.
Naputol ang mga 'hindi ko inakala' dahil sa sigaw ni Kara sa baba.
Napatingin ako sa wall clock dito sa kwarto ko, alas siyete na pala.
Pagbaba ko ay nakaupo na si Kara at si Ria naman ay naghahanda na ng mga pagkain.
Bukas ay ako ang magluluto para sakanila.
Nakakahiya na rin naman kasi, bababa na lang ako pag kakain.
Umupo na ako, at binati silang dalawa.
Maya maya lang ay nagsimula na kaming kumain.
"Ria, ang.. sarap.. mo..-" Naputol ang pagsasalita ni Kara habang ngumunguya dahil napaubo si Ria.
"Oy Kara!" Sigaw ni Ria.
"Ano? Wag mo kasi akong putulin. Hays." Sabi ni Kara matapos lunukin ang nasa bibig nya.
"Ang sabi ko kasi ay ang sarap mong magluto. Ikaw talaga, kahit kailan ay ang dumi ng utak mo."
"Eh bat kasi ang bagal mo magsalita?!"
"Eh may kinakain pa ako eh."
"Sa susunod kasi, lunukin mo muna bago magsalita ha." Paalala ni Ria.
"Opo, nay." Pang-aasar ni Kara.
Napatahimik sila, napatingin saakin.
"Ang tahimik mo ata, bunso?" Tanong saakin ni Ria.
"Ano ka ba, inosente pa kasi yan, di gaya mo, madumi ang utak." Dagdag ni Kara.
Napairap na lamang si Ria sakanya saka nagbalik ng tingin sakin.
"Seryoso na Luna, bakit ang tahimik mo? Oo, alam ko namang tahimik ka talaga pero bat sobra naman ata ngayon?" Bakas ko ang pagtataka sa mukha ni Ria.
"Wala naman. Naninibago lang ako." I lied. Actually, hindi ko rin alam bakit ganito ako. Bakit nga ba?
"Sure ka ba dyan?" Muling tanong ni Ria, medyo inilapit nya pa ang mukha nya saakin.
"Yap. Sure na sure" Nginitian ko pa sila bago muling ibinalik sa pagkain ang tingin ko.
Bumalik na rin sila sa kanya kanyanh pagkain, matapos kumain ay ako na ang nagligpit ng mga plato at naghugas rito. Ipinipilit pa nilang wag na akong gumawa rito sa dorm pero nagmamatigas ako. Ayokong maging walang kwenta, ayokong maging pabigat sakanila.
Napabuntong hininga ako habang nakatitig sa kisame ng kwarto ko.
Namimiss ko na si Tita.
Maya maya ay may kumatok sa pintuan ko.
"Gising ka pa ba Luna?" Rinig kong tanong ni Ria sa labas. Bumangon ako at binuksan ang pinto. Akala ko ay si Ria lamang pero nasa tabi nya si Kara.
YOU ARE READING
The Next Goddess Of The Mystic Land
FantasiSa pagkarinig nya sa sikreto ng isang taong itinuring nyang kaibigan, magsisimulang gumulo ang tahimik at masaya nyang buhay. Mawawala ang kanyang mahal sa buhay at kasusuklaman sya ng mga tao dahil sa kasinungalingang sinabi ng ex-friends nya. Matu...