CHAPTER 4

35 0 0
                                    

Chapter 4- First Day

"LUNAAAAAA! GISING NAAA!"

"LUNAAA! TULOG KA PA?!"

"PUTCHA! LUNA GISIING!"

Nagising ako sa pinagsamang tunog ng ingay nila at ng pagkatok nila sa pintuan ko.

"Eto na. Maliligo na." Sagot ko sa kanila at bumangon sa higaan.

"Bilisan mo at baka lumamig ang pagkain." Utos saakin ni Ria.

Kinuha ko ang tuwalya ko at dumeretso na ako sa banyo. Matapos maligo ay nagbihis ako ng uniform.
May kulay Maroon na coat, black na ribbon, at yung palda namin ay checkered na black and Maroon.

Pagkababa ko ay nakabihis na rin silang dalawa at naghihintay sa dining table. Nakahain ang umagahan naming hotdog at itlog. Nagluto rin sila ng fried rice.

Pansin kong nakasimangot si Kara kaya tinanong ko kung anong problema. Hindi sya sumagot at tumingin sa plato nya habang nakanguso.

Nasa plato nya ang sunog na itlog at hotdog. "Sya ang nagluto nyan kaya sya ang kumain. Sunog naman eh." Sabi ni Ria at sinenyasan na akong umupo.

"Kara oh, iyo na lang tong ulam ko. Malasa na naman ang fried rice." Alok ko kay Kara at iniabot sakanya ang plato kong may lamang ulam.

"Sigurado ka ba Luna? Pwede namang hindi na ako kumain at mamayang recess na ako kumain ng kanin eh." Kung mamaya pa sya kakain ay malilipasan sya ng gutom. Kaya ko namang magtiis sa fried rice lang.

"Oo, iyo na 'to oh. Sanay naman akong kumain ng fried rice lang eh." Sumubo na ako ng kanin. Masarap naman. Masarap pala talagang magluto itong si Ria. Marunong naman akong magluto, hindi lang singgaling ni Ria.

Bigla naman akong niyakap ni Kara na syang ikinagulat ko. Muntik pa akong mabulunan dahil sa ginawa nya. Agad naman syang napabitaw ng yakap saakim at nag-sorry.

"Nako, okay lang yon. Wag mo na isipin at kumain na tayo." Umayos ng upo si Kara at humarap kay Ria.

"Paano na yung niluto ko, Ria?" Tanong ni Kara habang sumusubo. Mabuti na lang at hindi sya nabubulunan man lang.

"Ibigay mo kay Ardy, daanan natin mamaya bago pumasok." Ardy? Sino yun? Kung kaibigan nila iyon ay bakit nila pakakainin ng sunog na pagkain?

"Uhm. Sino si Ardy?" Napatigil sila sa pagkain at bahagyang natawa.

"Oo nga no. Hindi mo nga pala kilala si Ardy *tumawa muna sya bago muling nagsalita* aso si Ardy. Alaga namin sya pero patago lang naming inaalagaan dahil bawal ang mga pet dito sa campus lalo na kung normal pets lang." Paliwanag saakin ni Ria. Aso? Dati pa man ay gusto ko nang magkaroon ng alagang aso pero hindi pwede. Ayaw ni Tita na mag-alaga ako ng hayop sa bahay.

"Sumama ka na rin mamaya saamin Luna. Tiyak na matutuwa si Ardy sayo." Sabi saakin ni Kara. Pumayag ako tutal gusto ko rin naman makita si Ardy.

Matapos kumain ay umakyat kami pabalik saaming mga kwarto para kuhanin ang mga gamit namin.

Pagbaba ko ay nandoon na si Ria sa sofa at nakaupo. Malamang ay hinihintay nya kami.

Tumabi ako sakanya at inintay namin si Kara. "Kara! Bilisan mo na dyan!" Tawag ni Ria sakanya. "Eto na! Sandali kasi!" At maya maya lang ang nagmamadaling bumaba si Kara sa hagdanan. Pumunta sya sa kitchen at kinuha ang pagkain para kay Ardy.

Sa hallway ng floor D ay makikita mo ang iba't-ibang estudyante na papasok na sa kani kanilang mga klase.

Nakalabas na kami sa Maxino Department at kasalukuyan naming binabagtas ang field. Narating namin ang isang luma at kinakalawang na gate. Umingay ito sa pagbukas ni Ria dahil na rin sa kalumaan.

Garden pala ito. Isang luma at napabayaang garden. Ilan sa mga bench ay sira na, ang ilan naman ay mukhang masisira kapag inupuan. Dumiretso kami sa isang fountain at doon ay tinawag na nila si Ardy.

"Ardy? Ardyyy!" Pagtawag ni Kara kay Ardy.

Maya maya lang ay may lumabas na isang kulay puti at abo na aso sa likod ng puno.

Habang papalapit ito ay kumakawag kawag ang buntot nito. Paglapit nya ay saka nya lamang ako napansin. Hindi naman sya nagalit bagkus ay humarap muli kina Ria at Kara.

Nanood na lang ako habang nilalaro nila ang aso. Kahit na gustong gusto ko itong lapitan at hawakan ay natatakot ako. Baka kasi ay magalit ito ay kagatin ako.

Napansin ni Ria na nakatingin lamang ako kaya inabot nya ang supot ng pagkain saakin. "Ikaw na ang magpakain sa kanya. Aamo yan saiyo pagkatapos."

Kinuha ko ito at unti unting lumapit sa aso. Tumingin ito saakin saka tumingin sa hawak kong supot. Umupo sya at naghintay na iabot ko sakanya ang supot habang kumakawag ang kanyang buntot.

Nang mailapag ko ito sa lupa ay agad nya itong kinain. Matapos kumain ay lumapit ito saakin. Tama nga si Ria, aamo ito saakin.

Matapos naming iwan si Ardy ay naglakad na kami patungo sa klase namin. Sa fourth floor ito kaya mahirap hirap rin ang aakyatin namin.

"Hays! Bakit kasi walang elevator ang school nato! Nakakapagod kaya!" Reklamo ni Kara noong marating namin ang fourth floor.

"Nagrereklamo ka pa eh nandito na tayo." Sabi ni Ria kay Kara. Lumingon sya saakin at nagtanong, "Saang room ka dito?".

Tiningnan ko ang schedule ko sa notebook ko, "Room 403. Kayo ba saan?" Tanong ko habang ibinabalik ang notebook sa bag ko at saka ipanagpatuloy ang aking paglalakad.
Sumunod rin silang dalawa saakin.

"Nice! Same tayo ng first class. So, tara na?" Sagot ni Ria at hinila kaming dalawa ni Kara papasok sa room.

Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko ang magiging kaklase namin. Teka?! Hindi ba si Josh ang lalaking iyon? Bakit nandito sya? Sila?!

------
A/N:
Sorry po kung nagintay ko ng (medyo) matagal para sa update. Wala po talagang napasok sa utak ko at kaayos lang ng cp ko.

Shout out kay RanMoreSensei na pumilit sakin magud! Hiii! Haha

The Next Goddess Of The Mystic LandWhere stories live. Discover now