Chapter 17: I can hear you.
-----
'Nasan na ba kasi 'yong taong yon?! Kanina pa akong naghihintay dito'
'Okay na kaya si Mama?'
'Wag naman sana akong abutan ng mga lalaking iyon'
Argh! Hindi ko na makontrol ang kapangyarihan ko. Bawat taong makakasalamuha ko ay nababasa ko ang isip. Kusa ko na itong naririnig.
Napatakip ako ng tenga ko. Ni hindi ko na makita ang daanan at medyo nahihilo na rin ako.
Ano ba 'to?
Nandidilim na ang paningin ko at ramdam kong anumang oras ay babagsak na ako, pero bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay ay nakita ko si Kaeden na patakbong lumalapit saakin.
-
Madilim. Tanging mga simbo ng apoy ang nagbibigay ng liwanag sa silid. Kung hindi lang dahil sa mga furnitures dito ay iisipin kong nasa isa akong dungeon kagaya ng mga napapanood ko noon sa mundo ng mga tao.
Iginalaw ko ang kamay ko, hindi naman ako nakagapos o kung ano man.
"Okay ka na ba?" Napapitlag ako nang makarinig ako ng boses ng lalaki.
Hinanap ng mata ko kung saan ito nagmula pero wala akong nakitang ibang tao sa silid.
Nabigla ako ng lumabas mula sa isang madilim na sulok si Kaeden habang may hawak na libro.
Nagbabasa ba sya sa madilim na lugar? Weird.
"Nasan ako?" Bumangon ako at isinandal ang ulo ko sa headboard ng kama.
"This is my secret room in the academy. Ikaw palang ang dinala ko dito. Isn't that sweet?" Nakangisi nyang sabi.
Tumayo na ako at nagsimulang hanapin ang pinto pero wala naman akong makita. Paano ako makakaalis sa lalaking ito?
"Can't find exit, eh?"
"Palabasin mo na ako!" Sabi ko at ibinato ang unan na hinihigaan ko kanina tungo sa direkyon niya.
Tinamaan sya sa mukha pero mas lalo lamang syang ngumisi.
"Not until you calm down, milady."
"Paano ako kakalma?! Malay ko ba kung may balak kang patayin ako dito mismo!"
Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya mula sa mapang-asar hanggang sa magmukha syang inapi.
Masyado ba akong harsh?
"Why would I do that?"
"Because..." I can't find the words. Bakit nga ba iyong ang nasabi ko?
"Because what?" Unti-unti syang lumapit saakin.
"Wag kang lalapit!"
"Why? You're scared?" Imbes na makita ko ang mapang-asar nyang ngisi ay mukha syang bata ngayon. Mukhang batang nagpapaawa.
"Basta!"
Lalo lang syang lumapit saakin,
"Wag ka ngang lumapit!"
He took a step,
"Ano ba!"
And another,
"Wag nga sabi!"
Just when he is about to took another one, nakita ko ang isang maliit na bread knife sa maliit na table sa gilid ng kama.
Itinaas ko ito at iniharap sakanya.
Napataas naman sya ng kamay at napahalakhak. Umupo siya sa gilid ng kama at tinapik ang tabi niya na parang pinapaupo ako doon.
Dahan dahan akong lumapit, hindi ko alam kung paano niya ako napapasunod. Baka ginagamitan nya ako ng kapangyarihan niya?!
Hindi ko binitawan ang hawak kong bread knife, baka kasi.
"Sit here, Luna."
Napaupo ako. Bakit nya ako napapasunod?
"Don't ever believe my younger brother. He's evil. Don't fall for him." Seryoso nitong sabi habang nakatitig sa mga mata ko. Para akong hinihigop ng itim na itim niyang mga mata.
Ang hindi ko maintidihan ay kung bakit hindi ako umaalma sa paghawak niya sa aking kamay.
"KAEDEN!" Napabitaw ako sa pagkakahawak ni Kaeden saakin.
Galit na galit na lumapit si Keith tungo saaming dalawa.
Marahas niya akong hinila at itinago sa likuran niya. Tila ba pinoprotektahan ako sa kapatid niya.
"Anong ginawa mo sakanya?" Mukhang hindi natatakot si Kaeden sa kapatid dahil tiningnan nya pa ito ng may halong pang-aasar.
"Nothing little bro."
Hinigit ako ni Keith papalabas ng silid. Nasasaktan ako sa paghawak niya saakin.
Napalingon ako kay Kaeden bago kami tuluyang makalabas at nakita kong seryoso itong nakatingin saaming dalawa.
"BAKIT KA SUMAMA KAY KAEDEN?!" Sigaw saakin ni Keith pagkalabas namin. May ilang estudyanteng nakuha ang atensyon at tumingin saaming gawi.
"H-hindi ako sumama sakanya. Nagising na ako dun." Mahina kong sagot. Natatakot ako kay Keith. Alam kong dark talaga ang aura niya pero ngayon lang ako natakot sakanya.
"MAGKAHAWAK PA KAYO NG KAMAY! ANO BANG GINAGAWA MO LUNA?! DELIKADO SIYA!"
Mas dumami na ang mga nakikiusyoso saamin. Naluluha na ako. Bakit ganito si Keith saakin? Wala naman akong ginawang masama.
"Keith, tama na to. Umalis ka na muna." Dumating na rin pala ang ibang royals. Inilalayo ni Josh si Keith saakin at niyakap naman ako ni Selene.
Bago sila tuluyang makalayo ay kitang kita ko ang galit na mga mata ni Keith na nakatingin saakin.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Ria saakin pagbalik ko sa dorm. Inihatid ako ng dalawang babaeng royals ngunit tumanggi na sila nung ayain ko silang pumasok.
Pupuntahan pa raw nila si Keith at kakausapin.
"Okay lang ako. Napagod lang."
Hindi na nagsalita si Ria at humiga na ako sa kama.
Bakit biglang nagiba si Keith? Ngayon ko lang siya nakitang ganon.
Bakit ako sinabihan ng ganon ni Kaeden?
Ano ba talaga ang meron sa magkapatid na iyon?
----
End. Super sabaw update dahil mej napilitan ako AHAHAHAHA jk. Ayan
YOU ARE READING
The Next Goddess Of The Mystic Land
FantasySa pagkarinig nya sa sikreto ng isang taong itinuring nyang kaibigan, magsisimulang gumulo ang tahimik at masaya nyang buhay. Mawawala ang kanyang mahal sa buhay at kasusuklaman sya ng mga tao dahil sa kasinungalingang sinabi ng ex-friends nya. Matu...