Chapter 9: Truth.
----
Maya maya lang ay may pumasok na maid. "Pinapatawag po kayo, Ms. Luna."
Ayan na, papaalisin na nila ako sa palasyo at sa academy. Ni wala pa akong isang linggo ay mapapatalsik na agad ako.
Dahan dahan akong tumayo at tumingin kina Kara. Hindi sila nakatingin dahil naguusap sila ni Ria.
Tumayo na ako at sumama sa pumasok na babae.
Dumaan kami sa magandang hallway, may nakasabit na chandelier sa pasilyo at may mga litrato sa pader.
Nadaanan ko ang litrato ng kasalukuyang hari, maging ang sakanyang reyna. May picture rin si Keith.
Napatitig ako sa larawan niya. Diretso ang tingin niya at hindi man lang nakangiti. Ang damot talaga sa ngiti ng lalaking iyon.
Napansin kong papalabas na kami ng palasyo. Papaalisin na nga ako.
Ipinagtataka ko ay sa isang garden kami dumiretso. Baka may seremonyas pa sa pagpapaalis saakin sa Academy.
Ang ganda naman dito. May estatwa ng isang babae sa gitna ng garden. Nakamagarbo itong damit, nakangiti, at may korona.
Ang ganda nya.
Nakita kong nakatayo roon ang mga hari at reyna pero hindi ko nakita si Keith.
Pagkakita nila saakin ay inaya nila akong umupo. May mga benches dito na gawa sa kahoy.
"Intayin lang natin si Keith, may sinusundo lang sya." Sabi ng Reynang nakablue.
"Magpakilala muna kaya tayo sakanya?" Sabi naman ng Haring nakagreen.
"Anton Windson. Eto naman ang asawa kong si Eliza Windson." Pakilala ng mga magulang ni Josh.
"Luwen Aquania. Meet my wife, Sera Aquania." Sabi naman ni King Luwen.
"Arion Rinearth, and this is Vania Rinearth, ang asawa ko." Pakilala ng Haring nakadilaw na cloak.
"At kami naman ang parents ni Keith. I'm Elizabeth Fiero, eto ang asawa kong si Kerros." Pakilala naman ng nanay ni Keith.
Natahimik kami matapos non. Wow ah, nagpakilala sakin ang mga hari at reyna. The fact na kinakausap nila ako ay wow na.
"Ehem. Ang awkward naman. Haha. Hindi naman kami nangangagat, ija." Pagbasag ni King Luwen sa katahimikan.
"Hayaan mo na, mahiyain talaga siguro itong si Luna." Sabi naman ng asawa nyang si Queen Sera.
"Malayong malayo kay Ella. Tanda ko pa noon, ni hindi iyon marunong mahiya." Sabi naman ni Queen Elizabeth.
Sinong Ella? Bakit ikinucompare saakin ang nasabi nilang Ella?
"Si Ella ang nanay mo, Luna." Sabi ni King Kerros.
Ano? Nanay ko? Kilala nila ang nanay ko?
"Kilala nyo po ang Mama ko?" Tanong ko. Matagal ko nang itinatanong kay Tita ang tungkol sa parents ko. Pero hindi nya sinasabi saakin kung sino at nasaan sila. Ang tanging bagay na meron ako ay ang kwintas. Sabi ni Tita ay ibinigay raw ito saakin.
-Flashback-
"Mamaaaaaa. Gutom na po ako." Pagkuha ko sa atensyon ni Mama Emma.
"Hay nako Luna, hindi nga ako ang Mama mo. Tita mo ako. Say Ti-ta." Sabi nya at yumuko para magkalebel na kami.
YOU ARE READING
The Next Goddess Of The Mystic Land
FantasySa pagkarinig nya sa sikreto ng isang taong itinuring nyang kaibigan, magsisimulang gumulo ang tahimik at masaya nyang buhay. Mawawala ang kanyang mahal sa buhay at kasusuklaman sya ng mga tao dahil sa kasinungalingang sinabi ng ex-friends nya. Matu...