Chapter 8

28 0 0
                                    

Chapter 8: Beautiful.

----

"R-royals..." Bulong ni Ria at saka tumingin saaming dalawa ni Kara.

"Hello! Goodmorning! Tara na?" Bati saamin ni Josh habang nakangiti.

"Ha? Anong tara na?" Tanong ko.

Napatawa na lamang si Josh at humawak sa batok nya saka ngumiti saakin.

"May pupuntahan tayo, sumama nalang kayo." Bulong nya at tumingin sa paligid. "Tara na, pinagkakaguluhan na nila ang kagwapuhan ko eh."

"Tara na Ria, Kara." Aya ko at sumama na nga kami sa Royals.

*****

Nakasakay kami ngayon sa isang magarang sasakyan. Nagpunta kami kanina sa office ng HM para ipagpaalam kami at pumayag naman sya.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil ayaw naman nilang sabihin saakin, saamin. Surpresa daw kasi.

Napabuntong hininga na lang ako. Pano kung ipa-salvage kami ng mga to?

'Hindi kami ganoong klase ng tao, Luna.'

Ayan na naman sya, nagbabasa na naman ng isip ko at nagsasalita na naman sa isip ko.

Privacy naman po.

Hindi na sya ulit nagsalita matapos noon.

****

Halos trenta minutos na kaming nakasakay dito sa sasakyan pero hindi parin kami nakakarating sa kung saan man kami pupunta.

Kapag tinatanong ni Kara si Selene ay sinasabi nyang malapit na raw.

Nakakalabinlimang malapit na.

"Nakakabore no?" Sabi saakin ni Ria.

"Yap. Ang tagal na nating nabyahe pero wala pa rin."

"Tingan mo si Josh oh." Sabi nya at inginuso si Josh.

Nakita ko namang nakatingin ito saakin at bigla naman syang nag-iwas ng tingin. Huh?

"Anong meron kay Josh?" Baling ko kay Ria.

"Parang may 'something' sya sayo oh. Kanina pa yan nakatingin." Asar nya.

"Baka naman sayo nakatingin." Pagkasabi ko noon ay napansin kong namula si Ria. Hala?

"Uyyy namumula." Tinusok tusok ko pa ang tagiliran nya at nginitian sya na may halong pang-aasar.

"Tumigil ka dyan, ang init kasi kaya namumula ako." Depensya nya kaya napatawa naman ako.

"Oh? Bakit ka natawa dyan?"

"Naka-aircon kasi tong sasakyan, di mo ba pansin? Wag ka na kasing tumanggi." Sabi ko at napatawa lalo.

Napansin ko naman tumingin silang lahat sakin, maski ang driver. Napalakas ata ang tawa ko.

"S-sorry." Napayuko ako.

Tinusok naman ako ni Ria sa tagiliran. "Ayan kasi, asar pa."

"Pero aminin mo, kinilig ka diba?" Asar ko at tumawa ulit, this time, mas mahina. Nakakahiya kaya.

"Ewan ko sayo." Sabi nya at saka ay tinalikuran ako.

Natahimik kami at wala na akong nagawa kundi ang tumingin sa may bintana para makita ang kung anong nasa labas.

Nasa isang liblib na lugar kami, yan ang masasabi ko. Bukod sa walang mga bahay ay puro matataas na puno ang meron ay maliit rin ang daanan.

The Next Goddess Of The Mystic LandWhere stories live. Discover now