"SINO KAYO?!"Inalalayan sya ng mga kawal dahil balak nyang sugudin kami.
Ramdam mo ang nakakatakot na awra sa kwarto.
"Sya po si Prince Keith ng Red Palace. Kasama nya po si Ms. Luna." Mahinahong sabi ng maid.
Parang himala at biglang kumalma ang hari.
"Anong buong pangalan nya?" Ngayon ay kalmado na ang boses nya. Umalis na rin ang mga kawal na nakahawak sakanya kanina.
"L-luna Alexandra Walters po." Pagpapakilala ko sa sarili ko.
Lalo syang natigilan, tiningnan nya ako at halos maluha na sya.
"Ikaw ba yan, Anak?" Mahinang sabi nya kaya nagmistulang bulong na lamang ang mga salitang kanyang binitawan.
Anak.
Ang sarap pakinggan.
Unti-unti na rin akong naluluha. Sa tinagal tagal ng panahon, ngayon ko lamang nakita ang ama ko.
Marahan lamang akong tumango at hudyat na nya yon kaya patakbo syang lumapit saakin at niyakap ako ng mahigpit.
Yumakap ako pabalik.
Ganito pala yun. Ganito pala yung pakiramdam pag kasama mo na yung taong matagal mo nang hinahanap.
Pakiramdam ko, ligtas ako. Ngayong nasa yakap ako ng mga bisig ng aking ama.
Naramdaman kong basa na ang balikat ko, dun ko lang nalaman na naiyak pala sya.
"W-wag po kayong u-umiyak." Marahan kong sabi, medyo pumiyok pa ako kasi pinipigilan ko ang maiyak.
"Sa wakas, hinayaan na nilang makasama kita, anak. Ang tagal kitang hinintay, wala akong magawa para puntahan ka. Wala ako noong nagsisimula ka pa lang maglakad, noong una mong salita, noong unang araw mo sa eskwelahan. Patawad, anak. Patawarin mo itong duwag mong ama."
Hindi ko na napigilan at tuluyan na akong umiyak.
"Wala po iyon, ang mahalaga, kasama ko na kayo." Sabi ko sa gina ng aking mga hikbi.
----
"Kumain ka, wag kang mahiya, ito ay kaharian mo rin, balang araw ay pamumunuan mo ito."
Napakaraming pagkain, parang kayang pakainin ang isang baranggay dahil sa dami ng pagkaing nakahain sa mahabang mesa.
"Okay ka lang ba, anak? May masama ba sa pakiramdam mo?" Nag-aalala nyang sabi dahil hindi ako sumasagot.
Hindi parin ako makapaniwala, andito ako, sa malaking palasyo, kasama ang aking ama sa hapag kainan.
"Okay lang po ako." Paninigurado ko saka sya nginitian.
Lumapit naman ang isang maid sakanya at may ibinulong. Pagkasabi nya ay umatras sya at yumuko bago tuluyang umalis.
"Pupunta raw ang tita mo dito, sasaluhan nya tayo sa pagkain." Anunsyo nya.
"Talaga po?" Naexcite ako. Makakasama ko ulit si Tita.
Maya maya ay nagbukas ang malalaking pintuan ng dining room.
Nakita ko si Tita, pero, ibang iba sya. Nakasuot sya ng magarbong gown ns kulay cream. Mayroon rin syang koronang napapalibutan ng mga diyamante.
Si Tita Emma pa ba to?
Nagtungo sya sa amin at umupo sa tapat ko, "Iwan nyo muna kami." Malamig niyang utos sa mga maid.
Maski ang tono ng pagsasalita niya ay nakakapanibago saakin.
Pagkalabas na pagkalabas ng mga maid sa silid ay nagsalitang muli si Tita.
"Hoy Craig! Pagsabihan mo nga yang mga kawal mo. Nakakainis ah, ayaw pa akong papasukin. Tsk!"
Napatawa naman si Papa. Papa.
Parang ang bilis bilis ng panahon, kahapon lang, umiiyak pa ako dun sa lumang park, ngayon, kasama ko na ang ama ko, at isa akong prinsesa.
"Pagpasensyahan mo na sila Emma, mga baguhan pa sila." Tumatawang sabi parin ni Papa.
"Hay nako! Naiistress ako sakanila! Makakain na nga lang." Maski ako ay natawa na rin dahil dali dali sya sa pagsubo ng pagkain.
"Hinay hinay lang tita, may hinahabol ka ba?"
"Wala naman. Pero diba nga, sabi ko sayo, pag mabilis ka kumain, hindi agad masasabi ng utak mo sa tyan mo na busog ka na. Which means?" Naaalala ko yon. Madalas nyang sabihin iyon saakin noong bata pa ako dahil nabubusog na agad ako bago ko pa maubos ang pagkain sa plato ko.
Flashback
"Ayoko na po Tita, busog na busog po ako." Sumandal ako sa upuan at hinimas himas ang tyan ko.
"Hindi pwede, Luna. Sayang ang grasya kung hindi mo uubusin."
"Sorry na po Tita, ayoko na po talaga. Ito kasing tyan ko. Ang liit liit kasi nitong tyan ko eh. Andaya! Tas yung inyo malaki, kaya di mabilis mabusog. Hmp!" Reklamo ko at pinagkrus pa ang mga braso ko sa tapat ng dibdib ko.
"Luna gusto mo ng tip para hindi madali mabusog pero marami ka nang nakakain?" Tanong nya saakin.
Natuwa naman ako doon. May ganon pala? Secret para di mabusog agad.
"Syempre po!"
"Bilisan mo pagkain mo, pero yung hindi yung tipong mabibilaukan ka ah. Pag ganon, hindi agad masasabi ng brain mo kay tyan mo na 'tama na. Busog ka na.'"
--end of flashback
Nakangiti akong sumagot. "Mas maraming makakain, mas busog."
Sabay naman kaming tumawa ni Tita sa sinabi ko.
Sinamaan ng tingin ni Papa si Tita, "Ikaw Emma, kung ano ano itinuturo mo sa anak ko." Tatawa tawa namang nagtaas ng dalawang kamay si Tita.
"Chill ka lang dyan. Wala naman akong sinasabing makakasama sakanya. Diba, Luna?" Pagbaling nya saakin, tumingin rin sakin si Papa. Pero hindi na masama ang tingin nya. Parang biglang lumambot ang matigas at nakakatakot na titig nya kay Tita noong bumaling sya sakin.
"Ha? Ano po yon Tita?" Maang maangan kong sagot. Alam kong ipit ako sa sitwasyong iyon kaya kunwaro ay hindo ko naintindihan.
"Wala. Ituloy na natin ang pagkain." Sabi ni Papa at nagsimulang kumain ulit.
Nagwink naman si Tita sakin bago bumalik sa mabilisan nyang pagkain.
***
Sorry na agad. Ang ikli eh, wala nang maidagdag si author.
Note: Yung mga sinasabi ni Emma, joke lang po yun. Hindi ko alam kung tunay bang ganon yoon.
YOU ARE READING
The Next Goddess Of The Mystic Land
FantasíaSa pagkarinig nya sa sikreto ng isang taong itinuring nyang kaibigan, magsisimulang gumulo ang tahimik at masaya nyang buhay. Mawawala ang kanyang mahal sa buhay at kasusuklaman sya ng mga tao dahil sa kasinungalingang sinabi ng ex-friends nya. Matu...