Chapter 11

16 0 0
                                    

Chapter 11: King.

----

Matapos makalabas sa Academy (nang magkahawak ang kamay), binitawan na nya ang kamay ko.

May nagaabang saaming karwahe na may Unicorns sa unahan. Bakit ba Unicorns ang ginagamit nila dito? Kawawa sila. Fluffy Unicorns are not supposed to be used as some kind of transportation.

You like Unicorns? Tanong netong lalaking kasama ko. Hindi pa namin alam kung nasaan ang magdadrive ng karwahe kaya nagiintay lang kami dito sa tapat ng mga unicorns.

"Medyo lang. Bakit ba di ka na lang magsalita?"

Nakakatamad.

"Ewan ko sayo. Maski pagsasalita kinatatamaran mo pa."

Ikaw kaya, kelan ka tatamarin magsalita?

"Kapag pumuti ang uwak." Sabi ko at inirapan pa sya. Akala nya ba sya lang ang marunong mang-irap? Ha!

Bakit ba parang beast mode ka ngayon? Red days ba?

Tanong nya na syang ikinapula ko naman. Iba rin tong lalaking to ah!

"Ikaw kasi! Bakit mo pa ba hinawakan ang kamay ko kanina? Maiissue tayong dalawa sa ginagawa mo eh."

Pakialam ko kung maissue tayo. Ayos nga yon eh.

"Pano naging ayos yon, aber?" Sabi ko at nameywang pa sa harapan nya.

Hindi na naman sya nakapagsalita pa, kung pagsasalita nga iyon, dahil dumating na ang magmamaneho ng karwahe.

Yumuko pa ito at ilang ulit na humingi ng tawad saamin. Sinabi ko naman na okay lang pero nagsosorry parin sya, yun pala, kay Keith sya nagsosorry.

Hindi parin sya nagsasalita kaya inumpog ko ang balikat ko sa braso nya. Matangkad sya eh, hindi kami magkalebel ng balikat.

Tiningnan naman nya ako na parang nagtatanong ng bakit at inginuso ko ang matandang lalaking paulit ulit na yumuyuko at humihingi ng tawad.

Kung gusto mo syang halikan ay gawin mo, di mo na kailangangang magpaalam sakin. Pamimilosopo nya at umirap.

Hindi ganoon yon. Sabihin mo na kasi na okay lang, kaawa na yung tao oh, masakit na bewang nya, ayaw naman nya tumigil eh.

Hindi ko na kasalanan iyon. Sabi nya at tumingin sa kanan nya, abay inismiran pa ako ng loko.

Isa, Keith. Sinasabi ko sayo. Pagbabanta ko sakanya. Kahit aa utak lang ay ginamit ko parin ang seryoso kong boses.

Mukhang natinag naman sya at tinanguan ang matanda bago pumasok sa karwahe.

Ngumiti muna ako sa matanda bago pumasok sa karwahe.

Ni hindi man lang ako tinulungan ng mahal na Prinsipe.

"Ang arte mo kanina, Keith. May pa-irap irap ka pa dyan ah. Bading ka ba talaga?" Asar ko pagkaupo ko sa tabi nya.

"Isang ulit mo pa sa bagay na iyan ay malalagot ka talaga saakin." Malamig nyang sabi.

"Waaah! Natakot naman ako sayo PRINCE Keith." Diniinan ko pa ang 'prince' sakanya pero umirap lang ulit ito.

"Dapat lang." Sabi nya at tinaliman ang tingin saakin.

Nag-bleh na lang ako at dinilaan sya. Napatsk naman sya saka pumikit.

Puyat ata itong lalaking ito.

Ay oo nga pala, andon sya sa kwarto kagabi.

Wala pang sampung minuto ay nabore na ako kaya kinulit ko sya.

The Next Goddess Of The Mystic LandWhere stories live. Discover now