Chapter 3

55 2 1
                                    

Chapter 3- Tour

----

Luna's POV

Pagkatapos kong mahugasan ang pinagkainan umalis na kami sa dorm para mai-tour na daw ako.

"Okay Luna, itong academy natin ay tago. Halata naman eh haha. Mages lang ang makakakita dito. Kapag gusto mong magshopping sasakay ka pa sa train dito para makapunta ka sa downtown ng Mystic Land. Sa downtown mo makikita ang mga shop kung saan ka maka--" paliwanag sakin ni Kara habang naglalakad kami pero pinutol naman agad ito ni Ria.

"Ano ka ba Kara?! Yung tungkol sa Academy ang sasabihin mo sa kanya hindi yung tungkol sa Rayvin's Place."

"Uhm..ano yung reyben ba yun?" Tanong ko kasi wala namang nabanggit si Kara tungkol dun sa Reyben ata yun.

"Luna, Rayvin yun. Yun yung tawag sa downtown ng Mystic Land. Ipinangalan ito sa nakatuklas at nagpalago ng ekonomiya dito. Si Mr. Chander Rayvin." Sabi ni Ria.

"Okay."

Tumigil kami sa gitna nitong field bago magsalita si Ria.

From this point, apat na building lang ang kita ang kabuuan. Yung iba ay tuktok ang ang kita dahil sa nasa likuran ito at medyo malayo sa kinatatayuan ko.

"Okay, ako na ang magsasabi sayo sa mahahalagang buildings dito. Lahat naman ng building dito ay mahalaga pero basic muna ang ituturo ko. Yung pinanggalingan natin kanina, Maxino Department. Maxino ang department ng mga basic ang kapangyarihan like Wizards and Witches. Dito rin napupunta yung mga unidentified pa ang kapangyarihan.
Yung katabing building natin. Yung kulay green. Yan ang Anchorias department. Dyan nabibilang ang mga sub-elemental ang type. Example dyan ang Ice. Nandyan rin ang Creation magic." Paliwanag sakin ni Ria.

Hmm. Saan kaya ako mabibilang kapag nalaman ko na ang magic ko. Kung meron man. Sana dito na lang din ako sa Maxino para hindi na ako mahiwalay sa mga kaibigan ko.

"Two down, two to go. Ria, pwedeng ako naman ang magsabi sa kanya ng tungkol sa dalawa pang natitira?" Sabat ni Kara.

"Sige."

"Okay Luna, kita mo yung kulay silver white na building? Yan ang Lesfonia department. Nandyan ang mga Elemental ang type. Fire, Air, Earth, and Water. Pero ang kapangyarihan nila ang hindi ganun kalakas. And finally, ang department ng mga god like people dahil sa looks at kapangyarihan nilang lamang na lamang sa iba. Ang Superius. Yan ang department ng Superiors. Superiors ang pinakamalalakas na estudyante dito. Anak ang iba sa kanila ng mga hari at reyna ng bawat kaharian. Sila ay mga Elemental din ang type pero meron pa silang side abilities. Abilities nila ang Teleportation, Mind Reading etc. Ang leader nila ay si Keith Alexander Fiero. Fire ang Kapangyarihan nya. Ang iba pang member ay sina Selene Aquania,  Irish Rinearth, At Josh Windson. Pero silang apat ang pinakamalakas sa mga Superiors. Ang tawag sakanila ay oyals kasi nga diba, anak sila ng mga hari at reyna, at talaga namang angat sila sa ibang superiors. Kasi ang ibang superiors ay wala paring binatbat sa kanila. Anak kasi sila ng mga hari ay reyna at sila ang tagapagmana ng mga kaharian ng mga magulang nila. "

Hindi ko alam kung bakit pagkarinig ko sa pangalan ng Leader ng mga Superior ay bigla na lang akong nakaramdam ng kung anong tuwa. Parang may kung anong nagkokonekta saamin.  Anong nagyayari sakin? Siguro ay kaylangan kong umiwas sa lalaking iyon dahil paniguradong aatakihin na naman ako nga kung anong nararamdaman ko ngayon marinig ko lang ang pangalan nya.

"Luna, punta na tayo sa favorite part ko dito sa academy!! Ang Cafeteria!!" Sigaw sakin ni Kara.

No choice kundi sumama dahil para rin naman ito sakin.

The Next Goddess Of The Mystic LandWhere stories live. Discover now