Chapter 10: A night with the Fire Prince.
----
Andito na ako sa kwarto ko sa dorm namin. Inihatid kami ng isang karwaheng nalipad kanina. Ewan ko ba kung anong tawag doon, basta may unicorns sa unahan.
Hindi parin nagsisink in sakin lahat. Na buhay pa ang nanay ko at makikita ko sya bukas, na nakita ko ulit si Tita.
Nabigla ata ang utak ko sa lahat ng nangyari.
Napabuntong hininga ako at napatingin sa orasan sa pader.
11:57 p.m.
Seryoso, kelangan ko nang matulog. May pasok na ako bukas.
Can't sleep?
Boses ni Keith. Paano nya nagagawa yon? Eh anlayo kaya ng building nila samin.
Open this damn window, or else I'll destroy this.
Pagbabanta nya gamit ang telepathy.
Ha! Lokohin mo lelang mo! Bawal kaya sila dito.
Well, fine.
Bigla na lang nabasag yoong bintana ko.
What the hell?
Pumasok doon si Keith at dirediretso itong naglakad hanggang sa makahanap sya ng mauupuan.
"Bakit mo ginawa yon? Wala akong pambayad dyan!" Sigaw ko at bumangon mula sa pagkakahiga ko.
"Meron na. Diba Prinsesa ka, ang Prinsesang gaya mo, maraming pera." Sabi nya, at inirapan pa ako.
Ano to? Bading?
"Sa mga magulang ko yon!"
"Whatever." Inirapan nya ulit ako.
"Bakit ka ba nandito? Stalker kita no?" Sabi ko at napatawa.
Ha-ha. Isang Keith? Magiging stalker ko?
"Lakas mo mag-assume." Sabi nya pabalik.
"Eh bakit ba? Pakealam mo? Bat ka nga nandito?" Pangungulit ko.
"Chinecheck lang kita." Sabi nya at sumalampak sa kama ko.
"Bakit? Bodyguard ba kita?"
"Sort of."
"Ha? Anong sort of ka dyan?" Sabi ko at hinigit ang braso nya para tumayo sya.
Ewan ko ba, ang feeling close ko.
"Ikaw ang Prinsesa ng White Kingdom, dapat lang na bantayan kita." Sabi nya. May Kingdom pala ako.
"Sus! Crush mo lang ako eh!" Tukso ko sakanya.
Nagsmirk naman sya at hinigit ako kaya napahiga rin ako sa kama.
Nakapatong ako sakanya.
What?!
Nakapatong ako sakanya?!
Dali dali akong tumayo pero nakayakap na sya sakin, at ang lakas ng braso nya. Hindi ako makaalis.
"Bitawan mo ako, Keith. Sasapakin kita kahit pa Superior ka." Pagbabanta ko.
"Go on, di naman kita gagantihan eh." Sabi nya atsaka tumawa.
Napatulala ako.
He's handsome. Lalo sya gumagwapo kapag natawa sya.
"I know that, baby." Bulong nya sa tenga ko at nag-wink.
Sinapak ko naman ang dibdib nya. Pinagsasapak ko sya.
YOU ARE READING
The Next Goddess Of The Mystic Land
FantasySa pagkarinig nya sa sikreto ng isang taong itinuring nyang kaibigan, magsisimulang gumulo ang tahimik at masaya nyang buhay. Mawawala ang kanyang mahal sa buhay at kasusuklaman sya ng mga tao dahil sa kasinungalingang sinabi ng ex-friends nya. Matu...