Chapter 5

46 0 0
                                    

Chapter 5: Superiors
 
(Prince Josh Windson)

"H-hindi ba tayo namamali ng napasukang room? Ria? Luna?" Halos pabulong na sambit ni Kara habang nakatingin parin sa mga taong nadatnan namin dito sa silid na ito.

"Goodmorning! Luna, the girl I met yesterday." Bati saakin/saamin ni Prince Josh. Tumayo ito sakanyang kinauupuan at lumapit saamin. Tumigil ito saaking harapan.

"Upo na kayo, baka maabutan pa tayo ng Mentor at mapagalitan tayo. Mahigpit pa naman ang isang iyon."  Alok nya saamin, inabot nya ang pulsuhan ko saka ako hinigit papasok sa silid. Hindi na ako nakaangal at nagpadala na lang sa kanya. Hinigit ko si Ria at hinigit naman nya si Kara.

Tumigil kami sa pinakaunang hilera ng mga upuan. Mayroong 8 upuan sa isang hilera at mayroon namang apat na hilera.

"Tabi ka na sakin." Sabi nya at saka umupo sa isang upuan. Nanatili akong nakatayo kasama ang dalawa ko pang kasama.

"Akin na nga 'yang bag mo." Kinuha nya ang bag ko at inilagay ito sa katabi nyang upuan.

Ngumiti sya saakin at hinawakan ang kamay ko. Saka nya ako hinigit paupo sa katabi nyang upuan.

Iminuwestra ko sa mga kasama ko na umupo na rin sila.

"Hindi mo ba ako kakausapin, Luna?" Tanong nya at pasimpleng pinasadahan ng daliri nya ang gilid ng mata nya, kunwari'y pinunasan ang kunwaring luha na sya lang ang nakakakita.

"Pasensya na. Nabigla lang talaga ako na makita kayo dito." Paumanhin ko sakanya.

"Ah, iyon ba? Wag kang mag-alala at maya-maya ay pupunta tayo sa Great Hall para mainform kayo." Inform? Para saan?

"Para saan? Bakit kailangan nating pumunta doon?"  Tanong ko sakanya.

"Kung sasabihin ko saiyo ay wala nang thrill diba? Intayin mo na lang Luna." Sabi nya at saka ngumiti sakin.

Tumahimik na lang ako at saka ko napansing lahat ng tao sa silid na iyon ay nakatingin saaming dalawa.

"Hayaan mo sila, tulad ko ay nagagandahan lang sila sayo" Litanya nya ay inilapit pa lalo ang upuan nya saakin upuan. Kuwa'y aakbayan nya na ako ngunit sumigaw si Selene.

"Tama na nga iyang kalandian mo Jose! Pati si Luna ay pinagtitripan mo." Saway nya at hinampas ang braso ni Josh. Inilayo nya rin ng kaunti ang upuan namin sa isa't isa.

"Hindi ko naman trip trip lang si Luna eh! Panira ka kahit kelan Selya!" Parang bata itong nagpapapadyak dahil hindi nya nagustuhan ang ginawa ni Selene.

"Sige, magkilos bata ka pa dyan ang daming nakatingin sayo oh." Sabi ni Selene at inginuso ang mga taong hanggang ngayon ay nanonood parin saamin.

"Pakealam ko!" Sigaw ni Josh at patuloy na nagpapapadyak.

Itinaas ni Selene ang palad nya at doon ay lumutang ang isang bola ng tubig. "Magtuloy ka pa dyan at ibubuhos ko to sayo" banta nya.

Napatigil si Josh na sa tingin ko:y nahimasmasan na sa kahihiyang ginagawa nya. Dahan dahan itong umatras at nag-peace sign kay Selene.
"Ikaw naman Selene, di ka na mabiro." Sabi nya sabay ngiti kay Selene.

Bumalik sya sa upuan at humarap saakin. "Ang sama talaga ni Selene sakin no?" Tanong nya na parang nanghihingi ng simpatya saakin.

"Nako, Luna wag mo nang pansinin iyan." Napalingon ako sakanya ng magsalita sya.

Ngumiti nalang ako atsaka nanahimik at nagbasa ng libro.

"Ayan tuloy, di na ako pinapansin ni Luna. Ikaw kasi Selya!" Pagmamaktol si Josh.

The Next Goddess Of The Mystic LandWhere stories live. Discover now