Chapter 15: Who are You?
-----
"Kaiden!" Patakbong lumapit si Keith saamin at agad nyang kinuwelyuhan si Kaiden.
"Kalma ka lang, my dear little brother." Sabi ni Kaiden habang mapang-asar na tumatawa.
"Paano ako kakalma?!" Mas malakas na sigaw ni Keith.
Lumingon sya saakin at bigla namang kumalma ang mukha nya.
"Luna, sinaktan ka ba niya?" Nag-aalalang tanong nya saakin.
Hindi ako makapagsalita kaya marahan na lamang akong umiling.
Dumating naman sina Josh at inalalayan ako ni Selene.
"Ayos ka lang ba, Luna?" Sabi nya noong naiupo nya ako.
Hindi ako makasagot dahil nanatiling nakapako ang tingin ko sa magkapatid.
"Bakit? Pagmamay-ari mo ba sya? Hindi naman diba?" Dahil sa sinabi ni Kaiden ay napatigil si Keith. Yumuko sya saka napabuntong hininga.
"Fine, you win this time, Kaiden." Matamlay nyang sabi atsaka tumalikod sa kapatid nya. Humakbang sya patungo sa direksyon ng pinagmulan nya kanina.
"I always win, little bro." Sabi ni Kaiden atsaka nagsmirk at tumingin saakin.
Nag-wink muna sya bago naglaho.
"I guess, we should head to the dorm." Kalmadong sabi ni Irish saka tumayo. Agad namang sumunod si Josh sakanya.
"May masakit ba sayo, Luna?" Tanong ni Selene saakin. Bakit ba parang masyado naman syang concerned sakin?
"W-wala naman. Tara na." Inalalayan nya akong tumayo pero bago ako humakbang ay pinigilan nya ako.
"Lulutang na lang tayo, pag nagteleport kasi tayo ay lalo kang mapapagod." Marahang sabi nya saka pumikit. Ilang saglit lang ay may parang magic carpet na lumutang pero gawa ito sa tubig.
Umakyat sya doon at inalok ang kamay nya para tulungan akong makasakay.
Mabilis ang patakbo nya doon at wala pang limang minuto ay nakabalik na kami sa dorm. Tama nga sya, hindi nakakagod ang pagsakay doon. Nakakaenjoy ito. Para ka lang nakasakay sa motor.
Pagdating ko sa dorm ay nandoon na sina Ria at Kara. Nakapagpalit na rin sila. Umakyat muna ako at saka nagpalit bago bumaba.
"Anong nangyari noong wala ako?" Tanong ko pagkaupo ko sa sofa.
"Ayon, inannounce na ikaw yung prinsesa tas nagflash lang ng picture mo since wala ka. Ayaw pa maniwala noong iba, haters mo ata." Tumatawang sabi ni Kara doon sa huling parte.
Kumain na kami at umakyat na ako sa kwarto ko.
Pagpasok ko ay nandoon sa study table ko si Kaiden at nakasmirk ito saakin.
"Hi, wife." Saad nya at lumapit saakin, akmang yayakapin ako.
Umiwas ako at sign na iyon na ayaw kong yakapin nya ako.
"Bakit ka nandito? At bakit mo ba ako tinatawag na 'wife' eh hindi naman tayo kasal, isa pa, wala akong gusto sayo."
Humalakhak naman sya at saka umupo sa kama ko. Tinap nya ang gilid at nagtungo ako doon pero pinanatili ko ang isang metrong layo namin sa isa't- isa.
"Tayo ang nakatakdang ikasal, iyan ang sabi ng Propesiya. Ang panganay ng apoy at panganay ng liwanag. Tayong dalawa iyon."
Ha! Propesiya? Bakit naman ako magpapadala sa propesiya? Ako ang may kontrol sa buhay ko, hindi ang propesiya.
"Ramdam kong nagagalit ka. Pero Luna, maniwala ka, hindi ako masamang tao. Kung kailangan mo ng oras para makilala ako ng lubusan ay maglalaan ako ng oras para sa iyo."
Ganon ba talaga ako kadaling mabasa?
Nalaman nya siguro ang iniisip ko kaya nagsalita muli sya, "Di tulad ng kapatid ko na nakakabasa ng isip, ako, nalalaman ko ang damdamin ng isang tao."
Hindi ako nagsalita at tumingin na lang sa painting na kunwari'y pinakainteresanteng bagay sa mundo.
"Paalam na, paumanhin rin sa pangit na impresyon ko saiyo. Di bale, babaguhin ko iyan bukas." Parang ibang tao ang nagsasalita dahil napakalambing ng boses nya at tunay ang pagngiti nya. Di tulad ng kapatid nya na tumatalon sa bintana, diretso teleport na sya.
Papatayin ko na sana ang lampshade pero may nakita akong kulay blue na papel. Binuksan ko ito dahil para pala ito saakin.
Luna,
Patawarin mo sana ako sa inakto ko kanina. Ako na rin ang humihingi ng paumanhin para sa kapatid kong si Kaiden. Iintayin kita sa pintuan ng dorm nyo bukas.
-Keith
Napangiti ako kahit hindi ko alam ang dahilan.
Siguro ay dahil sa sinabi nyang iintayin nya ako?
O baka naman dahil sinulatan nya ako at nag-effort pa sya?
Hindi ko alam.
Basta masaya ako na kasama sya.
"Magandang Umaga!" Bati ni Kaiden saakin pagkamulat ko.
Nakaschool uniform sya at nakasakbit ang bag nya sa kaliwang balikat nya, nakatayo lang sya doon sa may pintuan ko.
"Tsk." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko su Keith sa may puno sa tabi ng bintana.
"Intayin nyo ako sa pintuan ng dorm." Sabi ko at nagtungo na sa CR.
Paglabas ko ay nakaayos na ang kama ko.
Nakain na sina Ria noong makababa ako sa kusina. Kumuha na lang ako ng sandwich at nagpaalam na sa kanila.
Paglabas ko ay nandoon ang kambal. Si Keith ay nakapamulsa at walang dalang bag habang si Kaiden ay nakasandal sa poste.
"Good Morning ulit, Luna." Nakangiting bati saakin ni Kaiden. Parang ibang tao talaga sya.
Mukha naman syang mabait pero kailangan kong mag-ingat. Baka naman pinepeke nya lang itong lahat.
Hindi ko sya pinansin at binalingan ko si Keith.
"Good Morning." Nakangiti kong bati sakanya at napatingin naman sya saakin. Parang nagdududa pa sya peri ngumiti parin sya saakin. Kinuha nya ang dala kong bag at iyon ang isinukbit nya sa balikat nya.
Tahimik kami papunta sa una naming klase pero puno ng bulungan sa bawat daanan namin.
'Sya pala yung Prinsesa.'
'Sa wakas, nagbalik na si Kaiden my loves. Akala ko talaga ay namatay na sya sa mortal world.'
'In fairness, dalawa agad ang fafa ng prinsesa nyo.'
Tabi tabi rin kaming umupo at nakaupo kami sa bandang likuran, si Kaiden sa tabi ng bintana.
Maya maya pa ay dumating na ang ilang Royals na sinundan naman nina Ria. Nginitian ko sila at ngumiti rin sila.
"I'm tired of pretending, I'm gonna show you the real me." Muling nagbalik ang smirk ni Kaiden at ang mayabang na aura nya kagabi.
"Okay." Tila balewalang sagot ko sakanya.
Maya maya ay pumasok na ang mentor at isa itong lalaki ngayon.
"Good Morning Class, I'm Chander Rayvin VI and I'm your ability mentor."
----------
I-welcome nyo naman po si Kaiden!Kaiden: I don't have time for all of you. Tsk.
Bad si Kaiden oh! Hayaan nyo, makikita nyo rin ang good side nya, kung meron man.
YOU ARE READING
The Next Goddess Of The Mystic Land
FantasySa pagkarinig nya sa sikreto ng isang taong itinuring nyang kaibigan, magsisimulang gumulo ang tahimik at masaya nyang buhay. Mawawala ang kanyang mahal sa buhay at kasusuklaman sya ng mga tao dahil sa kasinungalingang sinabi ng ex-friends nya. Matu...