Hello guys...
Happy 2017,,
How's newyear???BTW balik tayo sa story...
May uusbong nga bang pag-ibig between Lyka and Nate???
E diba di type ni Lyka si Nate???Post u'r opinions guys and please vote niyo naman para mainspired ako mag isip....
Love lots...
*****************☆****************
Sa bawat paglipas ng araw ay laging magkasama si Nate at Lyka... Ewan ba pero nasasakyan nila ang jokes ng isat-isa to the point na nagseselos na si Merly dahil maging sa bahay ay bukambibig ni Lyka si Nate.
"Couz pwede ba,stop talking about Nate." Pairitang wika ng pinsang si Merly...kahit kase mga corny jokes ng lalaki ay idenedetalye pa niya kay Merly.
Nakakahalata tuloy ang huli na tila ba may kakaibang damdamin na umuusbong sa pinsan niya para sa lalaki. Ngunit naguguluhan lang ito dahil batid niya na may pangarap si Lyka. Mga bata palang sila ay alam na niya ang lalaking pinapangarap ng pinsan. Ngunit ngayon nagbago ang ihip ng hangin. At yun ang nais alamin ni Merly.
"Why??? What's wrong with him??" Sagot niya sa pinsan na tila ba nagtataka.
"Wala naman,I just thought your falling."
"O-of course no-not,couz!" Pautal na wika ni Lyka.
Sa narinig niya sa sinabi ng pinsan tila ba pumasok sa isip niya ang isang realisasyon..
'Ako nafo-fall?? Hi-Hindi no,hi-hindi pwede. Hindi dapat. Kaibigan ko lang siya.hindi ko siya mahal. Lalong hindi ko siya gusto. Hindi...hindi kagaya niya ang gugustuhin ko.'
Mahaba niyang pagkumbinsi sa isip niya. Na lingid sa kaalaman niya ay kanina pa siya inoobserbahan ni Merly at may isang bagay itong nasigurado.
Malalim na ang gabi pero gising na gising pa ang diwa ni Lyka. Hindi mawaglit sa isipan niya ang kaninang usapan nila ng pinsan. Sinisiguro niya sa sarili niya maging sa isip niya na wala siyang nararamdamang espesyal sa lalaki. Pero bakit tila may isang parte ng katawan niya na kumokontra at hindi sumasang-ayon sa isip niya.
Narinig niyang tumunog ang phone niya.kinuha niya ito sa mesang nada gilid ng kama niya.
One new message:
NateHi, gud evning.
Tnx nga pala sa pagsma mo sakn kanina sa cofishop. I had a gr8 tym. Nxt tym ulit ah.Gudnyt..
Slipwel en tke cre of urself...😘😘😘Reply
No probz,😘😘
Gudnyt..Send
"Ay bakit ko nireply yun.mali mali.."
Cancel.cancel...Ngunit bago pa man niya na cancel ang nireply niya ..
Message sent💌
Huli na ng marealize ni Lyka ang ginawang katangahan...bakit niya nireply ang ganon with matching emoji kiss pa ng di nag-iisip...
Bigla niyang nasampal ang sarili sa ginawa niya.Ano ba tong nangyayari sakin. Bakit ganito ako? Lord tulong naman oh. Hindi pupwede ito, hindi ko siya pwedeng mahalin. Marami pa akong dapat unahin at hindi ang kabaliwang ito.
Muling tumunog ang phone niya.
Nate
Slip n my girl. Gabi na oh.😘😘😘
Ano daw my girl? At sinong nagbigay sa kanya ng karapatan para tawagin akong kanya? Pagmamaktol niya sa isip.
At Sa pagkakataong ito ay alam na alam na ni Lyka ang gagawin niya.
Hindi siya magrereply. At iiwasan niya si Nate bago pa niya hindi mapigilan ang sarili. Ngayon lang niya naramdaman ito. Pero batid niyang hindi ito normal. Hindi kagaya ni Carl dati. Oo hinangaan niya ng labis ang kaibigang si Carl noon pero hindi niya naramdaman ang ganito.Ilang araw din iniwasan ni Lyka si Nate sa paaralan. Sa katunayan ay nakiusap pa siya sa pinsang si Merly na sa tuwing vacant nito ay puntahan siya upang hindi magkaroon ng pagkakataong makalapit si Nate sa kanya.
Kapag kasama ni Lyka ang pinsan ay nahihiyang lumapit ang lalaki dahil tinatarayan ito ni Merly. Kaya naman laking pasasalamat niya sa pinsan at sa muling pagkakataon ay sinagip na naman siya nito. Hindi lamang basta siya, kundi ang puso niya. Ang puso niyang nalulunod sa tuwing nararamdaman ang prisensiya ni Nate.
Lumipas ang 5 araw, hanggang naging isang linggo, dalawang linggo hindi sila nagkakausap ni Nate. Bagay na ikinalulungkot niya ng palihim. Lalo na kapag nakikita niya si Nate na nakatanaw sa kanya mula sa malayo at malungkot ang mga mata. Panay ang text nito sa kanya pero di pa niya nabubuksan ay agad binubura na niya.kaya naman hindi niya nalalaman ang mga mensaheng pinapadala ni Nate sa kanya.
Isang hapon ay may nakita siyang isang papel sa locker niya. Galing kay Nate.
Nag aalangan pa siya kung bubuksan niya ang sulat pero bugso ng kuryosidad,ay binuklat niya ito dahil maghapon din niyang hindi nakita si Nate ngayong araw na ito.
Bakit nga kaya wala ang lalaking iyon? Naitanong niya sa sarili.Ngunit wala siyang makapa na sagot kaya napagpasyahan niyang basahin na ang sulat.Mahal kong Lyka.
Unang-una, gusto kitang tanungin kung bakit. Anong nagawa kong mali para iwasan mo ako ng ganito. Bakit ngayon pa. Bakit ngayon pa na minahal na kita ng sobra-sobra.
Oo Lyka. Mahal kita. Mahal na mahal kita. Pero bakit ganon? Di mo manlang ako binigyan ng pagkakataon na maipakita at maipadama sayo ang pagmamahal ko?
Patawad kung sobrang lakas ng loob kong ipagtapat sayo ang nararamdaman ko. Alam ko hindi tayo bagay,kase maganda ka. Ako hindi gwapo pero kayang kaya kong patunayan sayo ang nararamdaman ko.kung sana binigyan mo lang ako ng pagkakataon.
Siguro pag nabasa mo tong sulat ko ay magtataka ka,kung bakit hindi ako pumasok. Oo hindi na ako papasok,
Aalis na ako. Napagpasyahan kong umuwi nalang sa probinsiya at doon magtapos. Para makalimot sa sakit. Para makalimutan kita.
Paalam Lyka.Ps. Kung makapa mo man ako diyan sa puso mo kahit konte, pls puntahan mo ako. Sa huling pagkakataon sa apartment ko. Aantayin kita.
Nagmamahal,
NateHindi napigiln ni Lyka ang pagpatak ng luha niya habang tinitiklop niya ang sulat ni Nate. Mahal siya nito,, pareho sila ng nararamdaman. At ngayon ay aalis ito dahil bigla nalang niyang iniwasan ng walang dahilan.
Bigla siyang nakonsensiya. Parang may inuutos ang puso niya na puntahan ito sa apartment kung saan ito nakatira. Sa huling pagkakataon gusto niyang makita si Nate.
BINABASA MO ANG
Di Kita Gusto Pero Mahal Kita
ChickLitLumaki si lyka na nakatatak sa isip ang lalaking pinapangarap nya,isang lalaking matangkad,maputi,makinis,at syempre mayaman.In short "full package" o yun bang tinatawag ng nakararami na "ideal guy". Ngunit pano nga ba kung asarin sya ng kapalaran...