Hi guys....
Good day....Thank u talaga sa patuloy na pagsuporta.... Dumadami na kayo and I am so greatful....
Vote lang kau and comments...at kung may mga concerns kayo regards sa words and grammars ko u can tell me guys...
Cp lang kase gamit ng lola niyo kaya pasensya na
...Sana nagugustuhan niyo na ang mga kaganapan...
Love lots...
LovelienC***********
Nasa ikatlong palapag na si Lyka sa building ng journalism at nagma mop. Kaparusahan sa kanya dahil wala siyang research kahapon.
"Asan ba si Carl,bat di niya ako tulungan dito. Siya kaya ang dahilan kaya nangyari to. Kung di b naman siya biglang sumulpot kahapon at binangga ako edi sana nakapunta ako ng library."
Paninisi ni Lyka sa kaibigan. Kaya nman di niya napapansin na may palapit sa gawi niyang isang nilalang na kanina pa niya hinahanap.
"How can I help you?" Naglalakad ito palapit sa kanya habang inaayos ang puting polo. At pabigla nitong tinanong sa kanya na sinadya niya talaga upang gulatin ang kaibigan."Ay anak ng tipaklong" napakislot siya at sa pagkabigla ni Lyka ay naibalibag niya ang tangkay ng mop na hawak niya mula sa pinanggalingan ng pamilyar na boses.
Pak💥 tunog ng tangkay ng mop ng dumapo sa ulo ni Carl..
"Ouch" tanging nabigkas nito habang hawak hawak ang parte ng ulo na tinamaan at napapikit pa ang isang mata nito na animoy nasaktan talaga sa parteng ulo.
Bigla namang lapit ni Lyka sa kanya na di mo malaman kung naaawa ba o natatawa. Pano naman kase ng asim ng mukha ni Carl.
"So-sorry,, Ikaw kase bigla ka nalang sumusulpot." Sisi pa niya dito habang hindi parin naaalis sa mukha niya ang pagkangiti.
Blanko naman ang ekspresyon ng mukha ng binata. Masakit kase talaga. At kung hindi nga lng niya kaibigan ang may kagagawan nito malamang naihulog na niya ito sa 3rd floor ng building na ito.
"Give me that. Tulungan na kita baka ano pang magawa mo sakin." Sabay hila ng mop kay Lyka at akmang siya naman ang maglilinis.
"Wag na, ako na Carl. Baka makita tayo ni Mr. Lagdameo lalo pa akong malagot." Sabay bawi niya sa mop mula sa kaibigan.
Ngunit hindi ito sumagot. Sa halip ay itinuloy lang nito ang paglilinis.
"Akin na nga yan,,may klase ka diba bat ka andito?" Pagmamaktol pa niya sa kaibigan. Ngunit hindi parin siya nito pinapansin Kaya inagaw na niya ang mop mula dito. Ngunit dahil sa pag aagawan nila ng mop ay natabig nila ang mop spinner na naging dahilan upang matapon ang laman ng tubig nito. Kaya kumalat ang tubig maging sa parteng nalinis na.
"Ang kulit mo kase. Sabing akin na ang mop. Ayan tuloy uulit pa ako." Naiinis ng wika ni Lyka.
Mas lalo pa siyang nainis dahil sa halip na sagutin siya nito ay nginitian lang siya ng ubod ng tamis.Kese nemen e....nekekelig eke e..enebeyen....
"Don't worry, ako ng bahalang tumapos nito." Nakangiti paring turan ni Carl.
Ang pogi niya talaga kahit nag mamop.
Sigaw pa ng isip ni Lyka..Wala na nga siyang nagawa at hinayaan nalang ang kaibigan si nais nito. Pagod na rin siya kaya naupo muna siya sa gilid. Ang bigat kaya ng mop.
At muli ay napangiti siya ng biglng maalala ang kaninang pangyayari. Alam niyang nasaktan talaga ang ulo ng kaibigan dahil mabigat talaga ang tangkay ng mop.Muli siyang napangiti. Habang sa isip niya ay hindi parin siya makapaniwala na nasa harap niya ang kaibigang si Carl. Ngunit totoo nga ba na siya ang dahilan kaya ito nag transfer sa St. Therese? Pero bakit?
Flashback...
Araw ng martes, ang araw ng alis ni Lyka patungong maynila. Nagulat pa ito ng paglabas niya ng bahay ay nasilayan niya ang malungkot na mukha ni Carl.
"Oh Carl, anong ginagawa mo dito? "
"Gusto lang sana kitang makausap bago ka umalis. "
"Bakit may problema ba? "
Ngunit laking gulat ni Lyka ng bigla siya nitong hilahin at sugurin ng yakap. Natigilan siya at para bang di niya maigalaw ang buo niyang katawan.
"Lyka susunod ako doon. Kakausapin ko si mommy na dun nalang ako mag aaral. Antayin mo ako ha,, susundan kita okay? Wag mong pababayaan ang sarili mo at tatawag ako sayo pagkadating mo dun." Wika ni Carl na tila ba papatak na ang mga luha sa mga mata nito.
"Ha? Ba-bakit mo ako susundan? Diba dito ka mag aaral? Magiging okay ako dun Carl huwag kang mag alala. Di naman ako papabayaan ni tiya Luding. "
"Basta susunod ako dun, doon din ako mag aaral sa papasukan mo. O sige na, aalis na ata kayo andiyan na sila nanay mo. Mag iingat ka palagi Lyka."
At muli pa siya nitong niyakap.End of flashback...
Natulala si Lyka sa kanyang pagbabalik tanaw. Laya hindi niya namlayang nasa harap na pala niya si Carl?
"Anong nangyari sayo? Para kang natuklaw ng ahas diyan. Sino iniisip mo ako ba?" Nagtataka at pabirong tanong nito. Na ngayon ay napaka lawak ng pagkakangiti at nakatingin pa sa kanya.
"I-ikaw? Hi-hindi no. Bat naman kita iisipin e andyan ka lang naman sa harap ko." Pagdedeny niya sa binata.
"Kung ganon edi sinong iniisip mo? Bat kanina kapa nakatulala?" -carl
"Wala nga, wala akong iniisip. Napagod lang ako kanina." Pilit parin niyang tanggi na ikinayuko niya dahil hindi niya masalubong ang mga tingin nito. Pano ba naman kase e parang nang-aasar ang mg tingin ni Carl.
"Ok sabi mo eh..." Pagtatapos nito ng usapan tanda ng pagsuko niya.
"Siya nga pala Lyka, sa sabado pasyal naman tayo. Ipagpapaalam kita sa tiyahin mo." Dugtong pa nito na may halong excitement.
"Saan naman tayo pupunta?" Takang tanong ni Lyka sa kaibigan.
"Basta ipapasyal kita sa mga lugar na hindi mo pa napuntahan dito sa Maynila." Sagot nito s kanya.
"Sige magpapaalam ako kay tiya Luding at tiyo Tonyo." Pagpayag niya sa paanyaya ng kaibigan na alam naman niyang papayagan siya ng mga ito.
Siguro ay kailangan din talaga niya ng kaibigan sa mga panahong ito. Mga panahong feeling niya ay empty siya. Sapagkat sa kabila ng lahat,at pagbabalik ni Carl ay sumasagi parin sa isip niya si Nate. Si Nate na basta nalang siyang iniwan sa ere at hindi manlang hiningi ang kanyang paliwanag.
BINABASA MO ANG
Di Kita Gusto Pero Mahal Kita
ChickLitLumaki si lyka na nakatatak sa isip ang lalaking pinapangarap nya,isang lalaking matangkad,maputi,makinis,at syempre mayaman.In short "full package" o yun bang tinatawag ng nakararami na "ideal guy". Ngunit pano nga ba kung asarin sya ng kapalaran...