Matagal ako nag update kase nagtatampo talaga ako...
Ayaw nyo kase mag vote e...
Pero may iilan talaga na nagrerequest ng update kaya itutuloy ko to para sa kanila...Lovelots...
*********
Nakapagdesisyon na si Merly na pumasok. Maybe its time para harapin na niya ang pinsan at si Carl. Hindi niya ito habang buhay mapagtataguan at sa katunayan wala naman talaga siyang karapatang umarte ng ganito. Kaya ngayong medyo okay na siya at nakapag-isip na heto siya at papasok na. Naaapektohan na rin kase ang pag-aaral niya.
Samantalang si Lyka ay nalaman na nag transfer na naman si Carl at umuwi na daw ito ng probinsya. Nalulungkot man siya pero desisyon iyon ng kaibigan. Wala naman siyang magagawa para pigilan ito o ipanumbalik ang dati nilang pagkakaibigan. Kaya itinuon nalang niya ang sarili sa pag-aaral. Dahil maging ang pinsang si Merly ay hindi rin niya makausap.
St. Therese..
"Oh my God Merly, akala namin wala kanang balak pumasok at magkukulong ka nalang sa bahay niyo. Even Lyka walang alam sa nangyayari sayo. Care to tell us girl?"
Salubong agad sa kanya ni Clarisse pero mahihimigan parin ito ng pag-aalala s boses.
Samantalang ang dalawa pa niyang kaibigan ay ayun at nakatitig lang sa kanya. Nakahalukipkip ang mga ito at nakataas ang dalawang kilay.
Si Merly naman ay isa isa silang beneso."Where's Lyka? Did you see Carl? How are they?" Sunod-sunod niyang tanong sa mga ito. Na ikinagulat ng tatlo.
Nais na kase niyang makausap ang dalawa. Magiging masaya nalang siya para sa kanila. Tutal sila naman ang nagmamahalan. At siya, pilit nalang niyang kakalimutan si Carl.
"What?" -- rachel
"They?" - clarisse
"What are you talking about?" - princess
Sunod-sunod na sagot ng tatlo na tila ba naguguluhan sa mga tanong niya. Kaya sinagot din siya ng mg ito ng patanong.
"Oh e, bat ganyan kayo maka react? I just want to congratulate them. Instead na magmukmok susuportahan ko nalang sila."
Pagpapaliwanag niya na lalong ikinakunot ng noo ng tatlo.
Pero si Rachel ay tila alam na kung ano ang nangyayari.
"Do you mean, Lyka and Carl are in a relationship?" Di na mapigilang tanong ni Rachel. Sa hinala niya kase ay mali ang iniisip ni Merly na marahil iyon ang dahilan ng pagmumukmok nito.
"Yeah!!" Walang emosyong sagot nito. Sabay lungkot ng mukha niya dahil naaalala na naman niya ang sakit.
"No" sabay-sabay na sagot ng tatlo.
Habang si Merly ay biglang napatingin sa mga kaibigan. Nagpalipat lipat siya ng tingin sa mga ito.
"Anong no, e rinig na rinig ko silang nag-usap last week sa labas ng bahay namin. At nag-aminan sila ng mga feelings." Giit niya sa mga ito.
Nagtataka naman siya bakit hindi pa umaamin si Lyka at Carl sa kanilang tatlo samantalang araw-araw naman sigurong nagkikita ang mg ito dito sa school.
"No Lyka!! Your mistaken. Imposibleng si Lyka at Carl. Naikwento ni Lyka sa amin na nagtapat si Carl sa kanya but she rejected him. Hindi niya mahal si Carl at alam niyang gusto mo si Carl." Wika ni Princess.
"She was so worried about you girl." Dugtong pa ni Clarisse.
Doon biglang natauhan si Merly. Hindi siya makapaniwala sa mga naririnig mula sa mga kaibigan. Nagkamali siya ng iniisip. She needs to talk to her.
All of a sudden siya parin pala ng inisip ng pinsan. To think na pwede nitong tanggapin si Carl dahil hindi ito mahirap mahalin. Pero tinanggihan ito ng pinsan. Dahil ayaw siyang masaktan. Mas pinili siya ni Lyka over Carl. Dahil alam ng pinsan niya na gusto niya ito.
Naisip niyang napaka unfair niya. Bigla nalang niya itong pinagtaguan. Naalala tuloy niya nung isang araw na pinagluto pa siya nito ng paborito niyang Carbonara.
.
.
.
Nate...
Ilang araw ng hindi pumapasok si Nate. Oo pumapasok parin siya. Nag transfer siya pero hindi sa Masbate kundi sa isang university na malapit lang din sa St. Therese. Hindi niya nagawang umalis, hindi niya kayang iwan si Lyka.
Dahil patuloy parin siyang umaasa na magkakapuwang siya sa puso ng dalaga. Isang buwan na niya itong sinusundan. Mula nung magpaalam siya na hindi naman talaga siya umalis ay araw araw ata niya itong sinusundan. Ngayon lang hindi, isang linggo na nv nakakaraan. Miss na miss na niya ito. Gustong-gusto na niyang makita ito. Pero hindi na pwede. Dahil ngayon ay may boyfriend na ito.
Paulit-ulit pang nagbabalik sa ala-ala niya ang mga nangyari nung gabing iyon. Lahat ng nakita niya. Nakita niya kung pano maghawak kamay ang dalawa. Kung pano titigan ni Lyka ang lalaki. Kung pano ito yakapin ni Lyka. Kaya nung hindi n niya kinaya ay nilisan na niya ang lugar na iyon ng napipighati.
Siguro ngayon ay masaya na ang mga ito. Siguro ay nagmamahalan talaga sila. At siguro ay hindi talaga siya mahal ni Lyka.
Kaya sa pagkakataong ito ay handa na siyang lumisan at tuluyang iwan si Lyka. Handa na siyang makalimot. Uuwi n talaga siya ng masbate.
Pero sa huling pagkakataon ay nanaig parin ang kagustuhan niyang makita si Lyka. Kaya bukas bago siya umalis ay dadaan muna siya ng St. Therese. Kahit makita lang niya si Lyka sa huling pagkakataon.***********
Vote please....
May kasunod agad to.. Tatapusin ko na guys...Whether you like my story or not. Tatapusin ko parin..haha
Kase may iba parin na nagrerequest ng update. Kaya nagpapasalamat ako sa inyo...
Para sa inyo to...
Love lots..
![](https://img.wattpad.com/cover/91490035-288-k220758.jpg)
BINABASA MO ANG
Di Kita Gusto Pero Mahal Kita
ChickLitLumaki si lyka na nakatatak sa isip ang lalaking pinapangarap nya,isang lalaking matangkad,maputi,makinis,at syempre mayaman.In short "full package" o yun bang tinatawag ng nakararami na "ideal guy". Ngunit pano nga ba kung asarin sya ng kapalaran...