chapter 16- Merly is in pain

890 18 2
                                    

Hi everyone....
Salamat sa patuloy na pagbabasa...

Don't forget to vote and post your comments po...

Malapit na po mag end ang story na to...

                                    Love lots...
Follow me @lovelienC

                      ***********

Malungkot na pumasok sa loob ng bahay si Lyka. Naaawa siya sa kaibigan pero alam niyang tama lng ang ginawa niya. Mahal niya si Carl pero bilang kaibigan lang talaga. Dahil may mahal na siyang iba.

Sumagi na rin sa isip niya kanina kung ano kaya kung bigyan niya ng pagkakataon ang kaibigan. Diba nga ay kagaya nito ang pinapangarap niyang lalaki. Tutal umalis din naman si Nate ng walang paalam kaya ibabaling nalang niya kay Carl ang nararamdaman niya.

Kaso sumagi sa isip niya si Merly. Ang pinsan niya, na simulat sapul ay puro kabutihan ang pinakita sa kanya. Batid niyang may lihim itong pagtingin kay Carl at sinabi niya dito na wala itong dapat ipag-alala dahil magkaibigan lang sila.

Kaya naman masaya si Lyka, na sa kabila ng sakit na nararamdaman ni Carl ngayon, batid niyang magiging masaya din ito pag nakilala niya ng lubusan si Merly.

Papasok na sana sa kwarto niya si Lyka pero naisipan niyang silipin ang pinsan. Madadaanan kase ng kwarto nito bago makarating sa kwarto niya.

Kinatok niya ito ng dalawang beses. Walang nagsalita. Kinatok pa niya ulit ng tatlong beses. Wala paring sumagot. Kaya naisip niya na marahil ay tulog na ang pinsan kaya nagpasya siyang bukas nalang ito kausapin. Dumeretso na siya sa kwarto niya.

Walang kamalay-malay si Lyka na ng mga sandaling iyon ay napipighati ang pinsan niya. Hindi pa ito tulog, sa halip ay kanina pa ito umiiyak. Ngayon lang nagka interes si Merly sa isang lalaki, ngunit sa di sinasadyang pagkakataon ay ang pinsan niya ang mahal nito. At mahal din ito ni Lyka. Ayon nga sa narinig niyang pag-uusap ng mga ito kanina.
Kaya naman sobrang nasasaktan si Merly ngayon. Iyak lang siya ng iyak hanggang mapagod at nakatulog ito.

 Iyak lang siya ng iyak hanggang mapagod at nakatulog ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

.

.

KINABUKASAN ay maagang  gumising si Lyka. Nais niyang makasabay sa pagpasok si Merly.
Ngunit nalungkot nalang siya ng malaman mula sa tiya Luding niya n hindi daw ito papasok at masama ang pakiramdam nito.

Pupuntahan sana niya ito sa kwarto subalit ayaw daw muna nitong magpa istorbo kaya wala na siyang nagawa at pumasok nalang mag isa.

.

Pagdating niya sa  St. Therese ay sinalubong siya nila Princess,Clarisse at Rachel.

"Lyka, where's Merly?" Tanong ni Rachel.

"Masama daw ang pakiramdam niya kaya hindi siya makakapasok. Wait, hindi ba niya kayo tinawagan or tinext manlang?" Nagtatakang tanong niya sa mg ito ngunit sabay sabay na iling lang ang sinagot ng mga ito.

Nagpaalam na din agad ang tatlo sa kanya at papasok na sa unang subject nila. Tatawagan nalang daw ng mga ito si Merly.

Naiwan naman siyang nag-iisip. Imposibleng hindi manlang nagtxt ang pinsan niya sa mga kaibigan nito gayong lagi silang magkakausap sa cellphone. Kanina naman ay masigla pa ito habang nag ja-jogging sila. Pero siguro nga ay masama talaga ang pakiramdam ng pinsan.

HAPON na at last subject na ni Lyka pero hindi pa niya nakikita ang kaibigang si Carl. Hanggang sa pauwi na siya ay hindi parin niya ito nakita.

Napaisip siya at napatanong sa sarili.
Bakit kaya wala siya? Hindi kaya siya  pumasok? Sana hindi siya galit sakin. Sana din ay wag maapektuhan ang pagkakaibigan namin ng dahil sa nangyari. Ayokong masira ang friendship namin ng dahil lang dun.

Di Kita Gusto Pero Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon