Final Chapter - Blood is thicker than water

1.2K 40 6
                                    


Dahil matagal ako walang update,, eto na agad ang pambawi...
Para matapos na to..hahaha

Thank u sa patuloy na pagsuporta...
Hindi na ako hihiling ng votes..ayaw nyo naman eh...
Nasasaktan lang ako...

Chos lang!!!
Pero syempre kung magbovote at comment kayo mas matutuwa ako....

Love lots..

**********

Hinanap ni Merly ang pinsan. Kanina pa niya ito inaabangan sa library pero wala ito. May nakapagsabi kase sa kanya na nasa library ang pinsan pero pahapon na ay wala pa ito. Sasabayan sana niya itong umuwi at yayayain niyang magmeryenda sa favorite coffee shop nila.

Hindi na nakatiis si Merly kaya pumasok na siya sa library. Sa totoo lang ay hate nya talaga pumasok sa library, hindi siya mapagbasa. Mas gugustuhin nlang niya mag internet kesa magbasa ng magbasa. She really find it boring.

Nasa loob na siya pero wala talaga si Lyka. Nagtanong siya sa librarian pero kanina pa daw ito umalis. Hindi daw ito nagtagal sa library. Kaya naman nagpasya na siyang lumabas at umuwi nalang ng bahay. Balak pa naman niyang mag sorry sa pinsan at bumawi na rin dito. Nais niyang makabawi dahil sa maling pagkakakilala niya dito.

.

.

.

Nasa bahay na si Lyka at nagluluto ulit ng carbonara. Maaga itong umuwi dahil ipagluluto niya ulit ang pinsan. Pero mas natuwa siya dahil nalaman niyang pumasok na pala ito. Yun nga lang di sila nagkita sa school marahil ay naging busy ito dahil sa mga hindi napasukang subjects nung nakaraang linggo. Gayunpaman ay nais niyang mapasaya ang pinsan pag-uwi nito.

"Couz, what are you doing?" Tanong ni Merly sa nadatnang pinsan na abala sa kusina.
Hindi na niya ito inantay na makasagot sa halip ay agad niya itong niyakap. Nagulat naman si Lyka sa biglaang pagyakap ni Merly s kanya.

"I'm sorry couz, nagkamali ako. Nagkamali ako ng iniisip sayo. Sa inyo. Sobra akong nagpadala sa nararandaman ko." Tuloy- tuloy hinging paumanhin ni Merly.

Nabigla man at nagtataka si Lyka sa mga sinasabi ng pinsan ay ginantihan niya parin ito ng yakap.

"Anong ibig mong sabihin couz? Hindi kita maintindihan." Tanong niya dito.

"Nung lumabas kayo ni Carl at nung gabing hinatid ka niya. Hindi ko sinsadyang marinig yung pagtatapat niya sayo."

Pag uumpisa niyang sabi kay Lyka.

"Narinig ko lahat ng sinabi niya. Pati na rin yung sinabi mo na mahal mo siya. Kaya nung narinig kong sinabi mong mahal mo siya di na ako nagsayang ng panahon. Tumakbo na ako paakyat. Dahil nasaktan talaga ako couz." Pagtutuloy niya ng kwento.

"Hindi ganon yun couz."-- Lyka

"I know, i know. .. Nagkamali ako. Sorry for that. Naipaliwanag na sa akin nila Princess." Napapaiyak na niyang paliwanag.

Si Lyka naman ay pumapatak na din ang luha dahil nauunawaan na niya ang dahilan ng pagmumukmok ng pinsan. At siya ang dahilan. Mali man ang pagkakarinig ni Merly ay nakokonsensya parin siya dahil nasaktan ito.

"Couz, oo sinabi ko yun. Sinabi kong mahal ko siya pero bilang kaibigan lang. Alam mo naman yun diba. Alam mo naman na si Nate ang mahal ko at kaibigan ko lang si Carl."

Si Lyka habang umiiyak. Muli pa niyang niyakap ang pinsang si Merly dahil ngayon ay napahagulhol na ito. Pero wala siyang balak na sisihin pa ito. Sapat na ang lahat ng sakit na naramdaman nito noong mga nakaraang linggo.

"Patawarin mo ako couz,patawarin mo ako. Sa halip na magtanong ako sayo at kausapin ka, ini-snob pa kita." Hinging paumanhin ni Merly ng makabawi mula sa pag-iyak.

Nagkasundo din naman ang magpinsan at dahil nagkausap na sila at nagkaliwanagan kaya sabay na nilang tinapos ang pagluluto ng carbonara. Pagkluto ay masaya silang nag meryenda kasama ng mga magulang ni Merly.

"Nasaan na kaya si Carl?" Biglang tanong ni Merly. Nasa balkonahe na ang magpinsan. Pagkatapos nilang magmeryenda ay napagpasyahan nilang magpahangin sa balkonahe. Habang ang mga magulang ni Merly ay nagpapahinga na.

"Siguro umuwi na siya ng probinsya." Malungkot na sagot ni Lyka. Bagamat ganon ang nangyari ay ayaw niya paring masira ang dating pagkakaibigan nila.

"Mas okay na din yun couz. Atleast mas madali siyang makakapag move on at ganon din ako.."

Naisip niyang may point si Merly. Siguro nga ay wala sa kanila ni Merly ang nakalaan para kay Carl, maging kay Nate. Tanging panahon lang ang makakapagsabi..
Ang importante ay si Merly at siya. Whatever happens magpinsan sila. Walang makakasira nun..
*****

Goodnight guys...
Vote and comments sa gusto.
Yung ayaw edi wag..
Charrot...
Tampororot parin ako..

Love lots...

                      THE END

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 18, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Di Kita Gusto Pero Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon