Author's section
Hi guys....
Thank you so much for the time and effort na basahin ang story ko.... Im so sorry for some errors,,,I am trying so hard to make it perfect....
Hope you enjoy and continue reading it.. God bless to both of us.Ps. To my dear friend Merly Mallari Cabral... Hi be,, eto na..malapit ka ng lumabas.. Hahahaha...
And wait for u'r turn be... Hahaha...***★***★★***★********★******★****★★*****★**----*****★***★
....Nakarating na ng bahay si Carl subalit tila di mawaglit sa isipan niya si Lyka. Tila ba nakakaramdam siya ng lungkot ng malamang aalis pala ito at sa maynila magkokolehiyo.
"Bakit naman ang daya daya niya. Bakit naman ngayon lang niya pinaalam samin. Paano kung pagdating niya doon ay makahanap siya ng mga bagong kaibigan. Paano kung makalimuta niya kami. At paano kung may manligaw sa kanya doon? "
Tila nagising si Carl sa isiping iyon. Pano nga ba kung may manligaw ka Lyka doon? Paano nga ba kung mainlove ito sa iba habang nag aaral siya. Di niya ata kakayanin. Tila ba may kirot sa puso ni Carl sa mga isiping iyon.
Bakit nga kaya? Ano nga ba ang nararamdaman niya kay Lyka at nagkakaganito siya?
Di man niya maamin sa sarili Ng lubusan ngunit batid niyang espesyal ang nararamdaman niya para sa dalaga.Ilang araw bago ang alis ni Lyka ay nagkita kita ang apat na magkakaibigan.. Si Jennifer at Joshua ay nakapag exam na sa university sa bayan. Si Lyka naman ay mapapaaga ang pagluwas dahil tumawag ang tiya Luding niya na pwede siyang makakuha ng scholarship kaya kinakailangan niya mag exam sa sinabing paaralan nito.
"Lyka maganda ba ang school mo dun? Naku wag kang magpapaapi doon ah baka i bully ka ng mga kaklase mo dun .malalagot talaga sila samin. " mahabang litanya ni Jennifer.
"Lyka tatawagan mo kami ah" ani naman ni Joshua.
Si Carl ay malalim ang iniisip na tila ba di mo mawari kung ano."Hoy Carl anong problema? Bakit napakatahimik mo na naman?" Tapik sa kanya ni Lyka.
Tumingin ito sa kanya."Lyka, mag iingat ka doon, wag ka masyado makikipag usap sa di mo kakilala. wag ka makikipag kaibigan kung kani-kanino at lalong huwag kang magpapaligaw? "
"Anong magpapaligaw? Pwede ba Carl wala pa sa isip ko yan noh. Pag-aaral muna ang priority ko at ang mga magulang ko. At pag dumating yung panahon na magpapaligaw ako, gusto ko sa matangkad, maputi, singkit, makinis at mayaman." Mahabang litanya ni Lyka.
Napangiti si Carl sa sinabi nito na tila ba may naiisip." Lyka?? Hindi ba si Carl ang tinutukoy mong manliligaw? " si Joshua
Sa pagkabigla ay nagkatinginan ang dalawa, dahilan upang mamula ang pisnge ni Lyka.
Si Carl naman ay biglang nagbawi ng tingin na para bang di kayang tagalan ang titigan nilang dalawa."Ha?? Ah hi-hindi ah, hindi si Carl. Magkakaibigan lang kami. Saka matagal pa yun,matagal pa akong magpapaligaw. " nahihiyang sagot ni Lyka sabay iwas ng tingin.
Ang dalawa naman ay nakangiti lang silang tinitingnan na para bang nanunukso. Natapos ang pamamasyal at pagpapaalaman ng magkakaibigan na para bang may ilangan na nagaganap.
...Araw ng martes, ang araw ng alis ni Lyka patungong maynila. Nagulat pa ito ng paglabas niya ng bahay ay nasilayan niya ang malungkot na mukha ni Carl.
"Oh Carl, anong ginagawa mo dito? "
"Gusto lang sana kitang makausap bago ka umalis. "
"Bakit may problema ba? "
Ngunit laking gulat ni Lyka ng bigla siya nitong hilahin at sugurin ng yakap. Natigilan siya at para bang di niya maigalaw ang buo niyang katawan.
"Lyka susunod ako doon. Kakausapin ko si mommy na dun nalang ako mag aaral. Antayin mo ako ha,, susundan kita okay? Wag mong pababayaan ang sarili mo at tatawag ako sayo pagkadating mo dun." Wika ni Carl na tila ba papatak na ang mga luha sa mga mata nito.
"Ha? Ba-bakit mo ako susundan? Diba dito ka mag aaral? Magiging okay ako dun Carl huwag kang mag alala. Di naman ako papabayaan ni tiya Luding. "
"Basta susunod ako dun, doon din ako mag aaral sa papasukan mo. O sige na, aalis na ata kayo andiyan na sila nanay mo. Mag iingat ka palagi Lyka."
At muli pa siya nitong niyakap.Si Lyka naman ay napapaisip sa kaibigan.
"Ang weird naman ni Carl. May gusto kaya siya sa akin? ..ah wala siguro kase kung gusto niya ako ay sasabihin niya iyon diba. Saka di pa pwede, mag aaral muna ako" bulong ni Lyka habang tinitingnan ang papalayong kaibigan.
Sila naman ng kanyang inay at itay ay sumakay na ng tricycle ni mang Jojo upang ihatid sila sa sakayan ng bus.
BINABASA MO ANG
Di Kita Gusto Pero Mahal Kita
ChickLitLumaki si lyka na nakatatak sa isip ang lalaking pinapangarap nya,isang lalaking matangkad,maputi,makinis,at syempre mayaman.In short "full package" o yun bang tinatawag ng nakararami na "ideal guy". Ngunit pano nga ba kung asarin sya ng kapalaran...