Isang linggo nalang ay magsisimula na ang pasukan. Nakahanda na rin lahat ng kailangan ni Lyka. At gaya nga ng plano ng tiya Luding niya ay nakapasa siya sa exam at nakakuha ng scholarship. Hindi rin naman siya nahirapan sa exam dahil kahit papano may utak naman siya. Ikaw ba naman gumraduate ng Valedictorian. Kaya naman ng malaman ng mga magulang niya na nakakuha siya ng full scholarship sa St. Therese University ay tuwang tuwa ang mga ito. Ganon din ang tiya Luding niya at tiyo Tonyo ay masayang masaya. At syempre lalo na ang supportive niyang pinsan na si Merly na talaga namang sinasamahan siya sa lahat ng lakad niya at pinasyal pa sa lahat ng magagandang pasyalan sa maynila.
"Couz , I'm going out with my friends today in a party, and I wan't you to go with me to meet them" pangungulit ni Merly sa kanya isang linggo ng hapon.
"Naku couz, ikaw nalang siguro. Di ako sanay sa mga sosyal na party at di ko rin kilala mga friends mo baka ma o-p lang ako."
"Of course not couz, ipapakilala kita sa kanila at isa pa classmates ko sila sa St. Therese kaya makikilala mo rin sila soon."pamimilit pa nito kaya naman hindi na niya ito natanggihan.
"Ok sige, sasama na ako basta hindi tayo iinom at magpapagabi ha? " paninigurado niya sa pinsan.
"Kaya mag prepare kana at isuot mo yung binili kong damit sayo okay?" Huling hirit ni Merly bago siya nito tuluyang iwan sa kwarto.
"Ok couz." Habol niyang sagot.
.
"Couz, meet my friends. Clarisse, Rachel and Princess. Girls, my cousin, Lyka." Isa-isang pakilala ni Merly sa kanila. Nagkamayan naman ang lahat.
"Nice to meet you Lyka." Wika ni Rachel. Na sa pagkakatantiya niya ay kaedaran lang ng kanyang pinsang si Merly. Sumunod na nakipagkamay ay si Clarisse at sinunda ni Princess.Magkakaklase ang mg ito sa kurso nilang business management. Kapwa magkakaklase silang apat na magkakaibigan s iisang course.
Nag-enjoy naman siyang kasama ang mga ito ngunit di tinupad ng pinsan ang sinabi nitong hindi sila iinom.hindi niya masabayan ang lakas ng pag-inom nila. Hindi kase siya sanay uminom sa probinsiya. Pero itong pinsan niyang si Merly, palibhasa ay laking Maynila kaya naman kayang kaya nitong makipagsabayan sa mga kaibigan.
Maya-maya ay napagpasyahan ni Lyka na lumabas muna mula sa lugar na iyon upang sumagap muna ng sariwang hangin. Ngunit ng pagdating niya sa may corridor na bahagyang madilim. May isang bagay na nahagip ang kanyang paa, sanhi upang mawalan siya ng balanse.
"Oh my God." tanging naibulalas niya habang ramdam niya na isang segundo nalang ay lalagapak na ang buo niyang katawan sa sahig. Pero tila ba narinig ng Diyos ang mga inusal niya. May mabilis na bisig na nakasalo ng kanyang katawan. Ngunit sa kasamaang palad ay nahagip ng mga palad nito ang kanan niyang dibdib. Na naging dahilan upang maitulak niya ito ng ubod lakas. Pagkatulak niya sa katawan ng sinumang may-ari ng mga bisig na iyon ay nahawakan naman siya nito sa braso. Dahilan upang mahila siya nito. Kapwa sila natumba at ramdam niya ang malapad nitong katawan na nadadaganan ng katawan niya.
Parang mahihimatay na si Lyka sa sobrang bigla at kahihiyan ng biglang lumiwanag ang paligid. Biglang rumehistro kay Lyka ang mukha ng lalaking dinadaganan niya. Kapwa sila nagtitigan.
Huli na ng mapagtanto ni Lyka at ng lalaking kaharap niya na madami na palang tao sa paligid at nakiki-usyoso sa kanilang dalawa.
"Anong ginagawa nila?"
"Ano ba yan, dito pa ginawa."
"Oo nga pwede naman sa sasakyan."
"Akala siguro walang ilaw. "
Bulong-bulungan sa paligid ng mga taong nakakita sa kanila.
Dali daling tumayo si Lyka at nilapitan naman siya ng pinsang si Merly.
"Couz, what's happening here?" Tanong nito na halata din sa mukha ang labis na pagkabigla sa nasaksihan.
"Ah.. I d-dont know. Natapilok ako kanina, si-sinalo niya a-ako. Tinulak ko siya, na-nahila niya ako... Ta-tatapos yun napadagan ako sa kanya. Wala kaming ginagawang masama"
Naguguluhang paliwanag niya. Bahala na kung maniwala sila o hindi. Pero gusto ko ng makaalis sa lugar na ito."Couz, can we leave now? Please. " pakiusap niya sa pinsan na tila ba ilang minuto nalang ay babagsak na ang kanyang luha sa sobrang kahihiyan.
Pumayag naman ang pinsan nito kaya walang lingon likod nilang nilisan ang lugar na iyon. Maging ang lalaking tumulong sa kanya ay di na niya tinapunan ng tingin sa sobrang hiya.
Batid naman niya na hindi sinasadya ng lalaki ang pagkakahawak sa dibdib niya dahil madilim sa paligid. Sobrang hindi lang niya ito inaasahan kaya ganon ang naging reaksiyon niya. Na ikinauwi sa sitwasyong nakakahiya sa lahat ng nandoon sa Party.★********★********★************★
Author's section:
Hi guys.
Thank u for your time and effort to read my story.
Pls feel free to vote and follow niyo na din ako.
You can post your comment also.
Love lots sa lahat.
BINABASA MO ANG
Di Kita Gusto Pero Mahal Kita
ChickLitLumaki si lyka na nakatatak sa isip ang lalaking pinapangarap nya,isang lalaking matangkad,maputi,makinis,at syempre mayaman.In short "full package" o yun bang tinatawag ng nakararami na "ideal guy". Ngunit pano nga ba kung asarin sya ng kapalaran...