Chapter 16

299 18 2
                                    

Shaoran's POV:

Papunta ako ngayon sa tambayan namin ng mga kabradz ko. Wala lang. Namimiss ko lang ang mga kolokoy.

"Anong nakain mo at nasa tambayan ka ngayon imbes na kasama mo si Edrina?" gulat na tanong saken ni Rocky. Sila pa lang ni Don ang andun at kadarating lang nina Onin, Trick at Arvie. Halos kasabayan ko lang dumating.

Nakasalampak naman sa upuan itong si Rocky at ang mga braso ay nakapatong sa sandalan.

"Yana's class isn't over yet," sagot ko at umupo na rin ako.

"Pare faithful boyfriend ang drama mo ngayon ah?" pang-aalaska naman ni Don. "Parang kailan lang papalit-palit ka ng babae. Para silang damit kung ituring mo. After mong nagamit yung isa, itatapon nalang at hahanap ng bago. But now, you're always patiently waiting for her. Pero alam naman natin na hindi ka patient type."

"She's my girlfriend," balewala ko nalang sagot.

"But you're just pretending to be her boyfriend right?" tanong naman ni Onin.

Natigilan naman ako. Naikwento ko kasi sa kanila ang totoong dahilan magmula ng kumalat na kami na ni Yana. Alam kong hindi nila ko titigilan sa pambubuska kaya naikwento ko nalang. Pero hindi naman nabawasan pambubuska nila saken nung ipinagtapat ko yung totoo. Gaya nalang nitong si Rocky na numero unong alaskador.

"Uy, di makasagot," tudyo saken ni Rocky.

Napasindi naman ako ng sigarilyo. "I told you, I'm helping her to get even with that jerk," sabi ko at tumayo para maglakad palayo sa kanila.

"Pero mukhang iba na yan pare. Hindi kaya sumosobra kana? Parang hindi na pagpapanggap yang ginagawa mo," sabi ni Arvie na may mapanudyong ngiti.

Nakakailang na yung pinag uusapan namin ah. Pero napaisip naman ako. Totoo nga kayang sumosobra nako? Napansin ko nga rin na naging habit ko na paghatid sundo sa kanya at paghintay matapos klase niya. Parang wala rin akong ganang kumain kapag hindi ko siya kasabay. Hindi ako mapakali kapag hindi ko siya nakikita. Parang hindi rin kumpleto araw ko kapag wala siya. Pero di ko naman aaminin sa kanila. Lalo na kay Rocky, hindi kasi ako nyan titigilan.

"Pare hayaan mo na muna si Shaoran, mukhang naguguluhan pa yan," komento naman ni Trick.

"Nagtatanong lang naman pare," sabi naman ni Rocky.

"Hindi ako naguguluhan mga pare. Basta... I just want to do everything just to help her," sabi ko.

Nagtinginan naman sila at biglang natahimik. Dati iniisip ko kung anong spell ang ginamit saken ni Yana. Pero sa mahigit kumulang 2 months na kasama ko siya. Masaya akong nakikita ko siya, naririnig siya, nakaangkas saken at nakayakap. Hindi ko rin malilimutan yung hinalikan niya ko sa cheek ko. Kita ko rin ngayon kung gaano siya kaganda. And I am totally under her spell.

"Alam ko na yung eksaktong nararamdaman mo pare. Ganyan din ako dati," sabi naman ni Don.

"Nga pala pareng Shao, ngayon lang kita ulit nakitang naninigarilyo ah?" biglang natanong ni Rocky.

"I'm trying not to smoke too often. Yana don't like it," sabi ko habang hindi makatingin sa kanila.

"Wala ka nang pag asa pare. Faithful boyfriend na talaga drama mo," pang aasar saken ni Rocky.

"Whatever! As if I care. Makaalis na nga," iritableng sabi ko.

"Hahaha, sigurado ako hihintayin niyan si Edrina," sabi naman ni Don habang tumatawa.

"The hell you care," sagot ko sa kanila at umalis na lang ako.

Badtrip talaga mga yon. Wala ng ibang nakita kung hindi ako. Ako nga di pinapakialam yung lovelife nila. Saan muna kaya ako tatambay? Mamaya pa out ng sweetheart ko.

Revenge Of The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon