Chapter 9

200 28 0
                                    

Shaoran's POV:

After my class, I decided to go to school canteen. Mukhang napadalas ako sa canteen ah. Di ko toh tambayan. Nagugutom lang talaga ko.

Pagpasok ko pa lang, pinagtitinginan na ko. Pwera sa isang babaeng familiar na familiar saken na nakayuko. Tsk, kasama nanaman niya si Joshua Ryan Ford. Napakainosente talaga niya.

Pagkatapos kong kumain.  "YESSSSSSSSSSSSSS!," sigaw ni Joshua.

"Don't worry, magiging good boyfriend ako sayo." Drama pa ni ogag na akala mo totoo. Ikaw na best actor pre! Teka, tama ba yung narinig ko? Boyfriend? Sila na? Ang bilis naman. Matagal na kaya silang magkakilala? Pero malabo eh. Kakabreak lang ni Joshua dun sa isang Nursing student last week.

Tsk, this girl is really in trouble. Di ko namalayan na nakatitig na rin pala siya saken. Then nagnod nalang ako. (-.-)

"Babe? Can you answer my worksheet? May emergency kasi sa bahay," dinig kong sabi ni Joshua.

"Sure," sagot naman nitong nerd. Kaengot naman nito, halata naman binobola lang siya.

"Thanks," tapos hinalikan ulit ni Joshua si Nerd Girl sa cheeks bago umalis. Namumula yung tainga ni nerd Girl. Mukhang nagbablush siya. Paano ko ba toh matutulungan para marealize niya na niloloko lang siya ni Joshua Ryan Ford? Na ginagamit lang siya para sagutan yung mga pinapasagot sa kanila.

Tssk! Bakit ko ba pinoproblema toh? Bahala siya sa buhay niya. Matanda na siya. Tapos tumayo na ko para umalis sa canteen at babalik na sa classroom namin.

Habang naglalakad ako papuntang CEA building, may nakita akong dalawang tao na nag uusap. Si Joshua Ryan Ford at yung girl na maganda. Kaklase rin yata toh ni Nerd Girl. Don't tell me. Tama kaya yung kutob ko? Tssh! Sana mali. Kung tama yung kutob ko, masasaktan talaga si Nerd Girl. Haist, enough! I said, I don't care!

Rina's POV:

Oh My Golly! Kyaaaaaaaahhhh! Kami na. Di pa rin ako makapaniwala. Yung crush ko lang at tinitingnan sa malayo? Ngayon abot na abot ko na. Aaaaahhh! Take note mga gels and bekis, akin na siya. ^____^v

"Hoy bruha!"

"AY PALAKA!" Nabigla kong sigaw.

"Excuse me bessy Rina, di po ako mukhang palaka, sa ganda kong toh?" ismid pa ni Ronalyn.

"Hindi ka naman talaga palaka. Uling ka Rona. Hahaha," kantyaw ni Hazel at napatawa naman kami.

"Tseh! Mga insecurity! Pero teka bessy Rina, bakit tulala ka jan at namumula? OMG nagblooming ka. Don't tell me nakipag uhmmm ka nuh?"

Namutla at nanlaki naman mga mata namin apat. *pok*

"Ouchness bessy, joke lang kaya nuh," reklamo ni Rona.

"Luka luka ka kasi, anong uhmm ka jan?! Bata ko pa nuh!," sabi ko habang pinaglalakihan ng mata si Rona. Dumi mag isip eh.

"Oo nga bessy Rina, blooming ka today. May dapat ba kaming malaman?" tanong ni Sheila.

"Ah kasi---,"

"OMG! OMG! Narape ka? Grabe bessy may pumatol pa pala sayo?" *pok* *pok* *pok*  sabay sabay namin sapok nina Hazel at Sheila dito sa malaswang si Rona.

"Magtigil ka nga Rona! Makinig ka kasi. Ikaw ba si Rina? Ha? Sige ikaw na. Sayo na story toh. Si Rina na lang extra," sabi ni Hazel.

"Hmp! Seryoso mo teh. Nagpapatawa lang. Sige bessy Rina, kwento mo na," sagot naman ni Rona.

"Kasi---,"

"Ahh," biglang sabi ni Rona. Pinandilatan naman namin siya ng mata. Nagpeace sign nalang siya. Haha.

"Kasi kami na," mahinang sabi ko.

"What? Kayo na? Di ko magets," tanong ni Sheila.

"Oo nga bessy, explain further with full details," sabi naman ni Hazel.

"Kami na ni Jhayr," O///O sabi ko sa kanila at nag iwas ako ng tingin.

"Hai naku, yun lang pala--- W-WHAT???," sabay sabay pa nilang sigaw.

"OMG bessy Rina, bakit ang bilis naman?" tanong ni Rona.

"Ewan ko nga rin eh, nabigla kasi ako tapos naalala ko yung grab the opportunity na motto natin," sagot ko.

"Hmmm sure ka naba dyan bessy? Kasi mga supporters mo kami, di ka namin pagbabawalan kung dyan ka masaya," nakakatouch na sabi ni Hazel.

"Yeah right, I can be your pillow slash bed kapag sinaktan ka ng ungas na yun. Wag mo lang gagamitin si Hazel kasi matutusok ka pero pwede rin gawin eyeliner si Rona kapag emo ka na bwahahaha," sabi ni Sheila. *pok* *pok* Sabay na sapok nina Hazel at Rona kay Sheila.

"Drama naman natin mga bessys. But seriously? Naguguluhan ako. Pero masaya ako. Siguro grab ko muna tong opportunity na toh para maging masaya. First BF ko siya eh. Uhmm kaya dapat kayo magsi BF na rin haha," sagot ko.

"Hai naku, as if may papatol pa sakin? Foreinjer baka meron pa. Yung feel yung exotic beauty na gaya ko. Di gaya ng dalawang yan. Pasa Taba lang si Sheila kay Hazel ayos na sila. Magaganda naman sila," drama ni Rona.

"Lukaret ka talaga Rona. Ano ka ba? Limot mo na yata yung motto mo. Beauty is in the eye of the beholder diba? Maitim ka lang pero maganda ka. At mas angat ka sa mga tisay kasi ikaw, may puso at utak," pagpapalubag ko ng damdamin.

"Hep! Hep! Mga bessys? Bawal ang sad dapat????," sabi ni Hazel.

"HAPPY!!!" sabay sabay namin sigaw.

"Group Hug mga bessys," sabi ko. Grabe, ang saya saya talaga ng may real friends. Yung andyan lang sila pag need mo sila. Yung alam mong may masasandalan ka kapag may problema ka. Yung magpapasaya sayo kapag malungkot ka.

Revenge Of The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon