Chapter 17.1 (Special Chapter for Hazeline)

235 8 0
                                    

(A/N: Guys sorry sa mga di ko narereplyan, Medyo busy lang sa school. Nga pala, here is the special chapters for Rina's bessy. Sina Hael, Rona and Sheila. By request lang po sila. Medyo bitin po sila kasi may mga own story po sila ng lovelife nila. Pag successful na po yung The Frog Princess, baka umpisihan ko na yung story ni Ronalyn and Onin. Enjoy reading po) ^___^

Hazel's POV:

Napakasaya namin dahil lalaban si Bessy Rina sa University days namin. 6 Months pa naman yun. Next sem pa kaya marami pang time para magprepare itong si bessy. Kami lang dalawa ngayon ni bessy Rina. Nagkekwentuhan lang. Sina Rona at Sheila ay pakalatkalat lang sa campus.

Chapter 17 na pero unknown pa rin identity ko. Haha. Ako nga pala si Maria Hazeline Rodriguez. Pero Hazeline na lang o Hazel. Ampangit ng Maria eh, obvious naman na babae ako bakit pa kasi nilagyan ng Maria name ko. Kabwisit lang diba? 17 y/o na ko. May dalawa akong kuya. May asawa na yung isa, yung isa work na sa states kasama yung tatay ko. Hindi kami masasabing mahirap pero hindi rin mayaman. Tama lang. Nakakakain tatlong beses isang araw.

Si Mama lang kasama ko sa bahay. Aaminin ko payat ako. Kahit matakaw ako at umiinom ng vitamins. Pero maraming nagsasabing maganda ako, kulang nga lang sa ayos at taba.

"Hayup na Rocky na iyon! Hayup talaga siya!"

"O Hazel, anong drama yan?" tanong saken ni Rina.

"Ang walanghiyang Rocky na iyon! Pagkatapos niya kong harangin and everything, siya pa may ganang magsabi ng "Sa sobrang payat mo, laki ng space oh. Don't even try to touch me, matutusok ako". Tapos tatawa pa ng nakakaloko. Oo nga payat ako pero maganda naman. Hindi na niya kailangan ipamukha pa iyon. Letse siya! Dun siya sa outer space kung gusto niya ng space! At tusukin ko mga mata niyang pangtarsier eh!" nanggigigil kong sabi.

"Kailan ka pa hindi nabwisit sa lalaking iyon? The more you hate, the more you love," balewalang sagot saken ni Rina at nagbasa ulit ng notes.

"Bessy naman! Huwag mo na nga kong asarin. Aluin mo na lang ako at gusto ko na talagang huntingin ang Rocky na yon at dudurugin ko siya ng pinung-pino," sabi ko.

"Hindi ko na mabilang kung ilang beses na kitang inalo kapag nagdadrama ka ng ganyan," sagot naman nito.

Napasimangot naman ako at lalong napasimangot nung nakita kong dumaan si Rocky na may kasamang babae. Ang lantod talaga ng lalaking yon. Kaasar!

"BESSSSSSSYYYYYY!" tili ko.

"Huwag ka ngang tumili dyan. Mababasag ang eardrums ko," sabi naman ni Bessy Rina.

"Si Rocky! Si Rocky ang sagot sa pangarap kong makapagboyfriend na," excited kong sabi kay Rina.

"Ano? Si Rocky? Okay ka lang?" tiningnan naman ako ni Bessy. " Sabagay maganda ka naman at bagay na bagay kayo ni Rocky. Ngunit kung nagkataong wala akong Lee, mas bagay kami," sabi naman ni Rina.

"Adik ka ba? Makinig ka muna kasi bessy. Hindi kami bagay ni Rocky. He's arrogant and a total jerk," sabi ko.

"And you're the epitome of good manners and right conduct?" sabi naman ni bessy.

"Teka nga bessy, sino bang kaibagan mo? Ako o si Rocky?" tanong ko.

"Ikaw," sagot naman nito.

"Kung ganon, sakin ka kumampi. Kapag sinabi kong sira-ulo at mayabang si Rocky, oo ka lang," sabi ko.

"Hindi ko yata magagawa yan bessy. Gwapo ni Rocky eh," sabi naman ni Rina habang tumatawa.

"Gusto mong isumbong kita kay fafa Shao? Seryoso bessy, si Rocky lang makakatulong sakin para maging boyfriend ko si Don. Magpinsan kasi sila," paliwanag ko kay Rina.

"Talaga magpinsan sila? Ngayon ko lang nalaman," sabi naman ni Rina.

"Haller! Busy ka masyado kay fafa Shaoran para mapansin mo pa ang ibang tao sa paligid mo bessy," sabi ko. Mas madaming time kasi na magkasama sina bessy at fafa Shao kesa amin apat. Nakakatampo na kasi.

Sasagot na sana si bessy kaso bigla itong natigilan at parang nakakita ng multo sa likuran ko. Napaharap tuloy ako.

"Can i talk to you Yana?" seryosong tanong ni fafa Shaoran.

"Ok guys. magdisappear na muna ko. Baboosh!" paalam ko sa kanila kaso pinigilan ako ni bessy.

"Bessy wag mo kong iwan dito," sabi naman ni bessy.

"Lukaret! Mag usap nga kayo. Kung ano man problem niyo, pag usapan niyo at ayusin niyo. Di na kayo mga bata," sagot ko naman at mabilis ko na silang iniwan.

Naglalakad lakad ako ngayon malapit sa CEA (College of Engineering and Architecture) Building para hanapin ang mga malalantod kong bessy. Madami kasing fafable sa course na toh kaya alam kong nandito sina Rona at Sheila.

"Pst!" dinig ko kaso hindi ako tumingin. Ano ako? Aso?

"Hey!" sabi ulit. Kaso kilala ko na yung boses. Kaya lalo akong di tumingin.

"Walking stick Girl!" tawag ulit saken ng talipandas na toh. Kaya hinarap ko na siya.

"Ano bang problema mo Tarsier?" nanlalaking mata at nakakunot noo kong tanong sa bwisit na Rocky na toh.

"Easy! Parang gusto mo kong balatan ng buhay. At wag mo kong tawagin tarsier. Masyadong lang tantalizing at maganda mga mata ko na lalong nagpagwapo saken," sabi naman nito at nagbeautiful eyes pa. Pero infairness ang cute. Grrr! Impaktong cute!

"Oh gash! Lakas ng hangin dito. Maghunos dili ka nga. Ang pangit mo kaya," pang aasar ko sa kanya.

"Ikaw lang nagsabi niyan. So, ikaw ba ang leader ng mga Rocky's Haters Club?" tanong naman nito.

"Excuse me. Feeler ka. Makaalis na nga dito! Nakakasira ng mood!" sagot ko at aalis na sana ko kaso...

"Aalis ka na kaagad Hazel?" tanong saken ng gwapong anghel na dumating. Walang iba kundi si Don Anthony. "Insan, don't be to harsh kay Hazel. Babae pa rin yan," sabi nito kay Rocky.

"What? Ako pa ang harsh? Siya kaya tong warfreak," nakangiti pang sabi ni Rocky.

"Duh? Warfreak your face! Nakakawarfreak lang talaga pagmumukha mo," sagot ko naman at inirapan ko si Rocky.

"Ok stop guys. Ang cute niyo naman. Para kayong magsyota na may LQ," sabi naman ni Don.

"Magsyota?" tanong ko.

"Tsk! Di ko yan type," sabi naman ni Rocky.

"Mas lalong hindi kita type. Mukha kang unggoy!" sabi ko naman.

"Ikaw walking stick. Walang nakakaturn on sa katawan mo," pang aasar naman nito.

Ewan ko bakit napaiyak ako sa sinabi niya. Ewan ko rin kung dahil napahiya ba ko kay Don o sadyang may bahid ng katotohanan lang ang sinabi nito.

"Look insan, pinaiyak mo si Hazel. Uy, stop crying na. Alaskador lang talaga yang unggoy na yan," pag aalo saken ni Don at niyakap ako. O///O

Tiningnan ko naman si Rocky. Mukhang nagsisisi naman. Pero wapakels ako sa kanya. Gasssssssss! Bango bango ni Don. Sarap yakapin.

"I-im sorry. Ikaw naman kasi eh," sabi ni Rocky na hindi makatingin.

Hindi na lang muna ko nagsalita. Gusto ko munang namnamin ang moment na toh. Heaven kasi ang pakiramdam. ^___^v

Revenge Of The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon