Chapter 24

113 3 0
                                    

Rina’s POV

Sabado. Nandito ako ngayon sa harapan ng pinto ng pad ni Mhio ko.

“Good morning mhio.” Nakangiti kong bati kay Lee nang buksan nito ang pinto ng pad nito pagkatapos kong pindutin ang doorbell.

Hindi ito ang unang beses na nakita kong nakasuot lang ng puting sando at printed boxer short si mhio. Minsan nga topless ito at napapalunok na lang ako kapag nakikita ko ang 6 pack abs nito. Magulo ang buhok nito. Namumula rin ang mga mata nito. Halatang hindi nito inaasahan na darating ako.

“Oh, you here my princess.” Sabi nito.

Napahagikgik ako. Nasanay na ko na tawagin niya kong princess o mien.

“Noong nagkasakit kasi ako at dito mo pinatulog, napansin kong sobrang gulo ng bahay mo kaya nandito ako para maglinis. You know, may utang na loob ako sayo dahil iniligtas mo ang buhay ko at inalagaan mo ako. Dahil don, I will do you a big favor. Lilinisin ko ang bahay mo.”

Hindi ko alam kung natatawa o naiinis si Lee. “Ano ka ba mien. It’s my responsibility to take care of you. Because I love you.”

“I insist.” Matatag na wika ko. “Pagkatapos kong linisin ang bahay mo, wala na akong utang na loob sayo. Deal?”

Lee stared at me with a serious look on his face. “So, gusto mo talagang maging maid ko for today, mien?”

Tumango ako. “Yes, master.” Ito lamang ang paraan na naiisip ko para makabawi rito sa lahat ng ginagawa nito para sakin. Gusto kong suklian ang kabaitan at pagmamahal na pinaparamdam nito sakin.

“Mhio ito lang ang naiisip kong paraan para makabawi sayo. At para na rin makatikim ka ng malinis na environment.” Dinampot ko ang isang timba ng cleaner tools.

I saw a flicker of mischief in my eyes. May naiisip kayang kalokohan ito? “All right,” wika nito. “Wait me here.”

Bago pa ko makahirit ay pinagsarhan na ko ng pinto ni Lee. Naghintay ako gaya ng bilin nito. I wondered why he had to keep me waiting. Nanlaki bigla ang mga mata ko sa naisip ko. Ermengard! Hindi kaya kasalukuyan nagshashabu ang mhio ko at naistorbo ko ito? Kaya ba namumula ang mga mata nito? At kaya ako pinaghintay ay dahil nililinis nito ang mga paraphernalia nito sa paggamit ng bawal na gamot? I didn’t like the disappointed I felt inside. Somehow, ayaw kong paniwalaan na drug addict ito. Dati naniniwala ako na halang ang kaluluwa nito pero sa mga nagdaang araw ay napatunayan kong hindi totoo iyon. Baka hindi rin totoo ang mga naiisip ko.

Limang minuto pa ang lumipas at nainip na ako. Pipindutin ko na sana ulit ang doorbell nang biglang bumukas ang pinto at bumungad ito.

“Okay, come in mien.” Nakangisi ito.

Ngumiti ako at pumasok na. Sa hallway pa lang ay nakita ko na ang mga nagkalat na tsinelas, sapatos, used socks, at mga plastic ng sitsirya. Hindi naman ganito karumi noong huling nakapunta ako dito.

Pumalakpak ako. “Bilib din ako sa endurance mo mhio. Paano ka nakakasurvive sa ganitong environment?”

Revenge Of The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon