Chapter 27

66 2 0
                                    

Rina's POV

 

Nagiguilty pa rin ako kahit alam kong wala akong ginagawang masama kay Lee. In the first place, nagsinungaling pa rin ako dito. Ayoko lang kasi na mag-away kami, knowing Lee? Masyado itong seloso, pati mga kabrads nitong lalaki ayaw ipalapit sakin. Kaya for sure hindi rin nito maiintindihan ang pakikipagkaibigan ko kay Zero.

"Ouch!" maarteng sabi ng nakabunggo ko.

"Sorry." Paghingi ko ng paumanhin. Masyado kasing preoccupied ang utak ko kaya nakalimutan kong naglalakad akong mag-isa dito sa park.

"Ano pang magagawa ng sorry mo if the damage has already done?" inirapan ako nito.

"Ang arte mo Constancia!" sabi naman ng kasama nito. Bigla naman akong napatigil. They are twins. Pero mukha silang close na close. Naalala ko tuloy si ate Edra. Kailan kaya kami magiging close?

"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh!" Napatakip ako ng tenga sa tili nito. "I told you not to call me with that crap!"

Tumakbo ito at binelatan kami. Ang totoo? Isip bata lang?

"Pagpasensyahan mo na si Constancia. Nagmamaganda lang yon. Kakabasa sa mga wattpad stories kaya ganoon ugali non. By the way, I'm Eleonor but call me Ely for short." Ngumiti ito at inilihad ang kanan kamay. Napakaganda nito kahit parang may pagkaboyish ito, base sa pagsasalita, pagkilos at pananamit nito. Ang ganda rin ng mata nito. Chinita.

"Okay lang. Ako rin naman ang may kasalanan. I'm Edrina pala." Iniabot ko rito ang kamay ko. Ang gaan kaagad ng loob ko sa babaeng ito.

"If you don't mind, can I ask a question?" maya't maya tanong nito.

"Nagtatanong kana." Tipid kong sagot. Tumawa ito.

"Oo nga naman. Kaanu-ano mo si Zero?"

Nabigla naman ako sa tanong nito. Kilala niya si Zero?  Sabagay, sino ba naman hindi makakakilala don. Sikat na basketball player pala yon.

"Don't get me wrong, nakita ko lang kayo nung isang araw sa mall." Napatitig ako sa mga mata nito. Nabasa ko sa mga mata nito na gusto niya si Zero.

"We're just friends. May boyfriend na kasi ako." Saka ako ngumiti rito. Ngiti na parang nagsasabi ng assurance na hindi lalagpas hanggang more than friend yung relasyon namin ni Zero.

"Ah ganon ba? Anyway, thank you for your time. Magkacourse pala tayo sa same school pero ahead ako sayo ng 1 year. See yah sa campus nalang Rina." Nagmadali na itong umalis.

Mukhang madaming nagkakagusto kay Zero. Hindi kaya tama ngang iwasan ko na siya para hindi maging kumplikado ang lahat?

Napagpasyahan kong bumili ng sorbetes. Medyo mainit na kasi. Nagcrave ako ng ube at cheese flavor. Matagal-tagal na rin ng huling kumain ako ng ice cream. Kasama ko pa nun si Lee.

Revenge Of The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon