Chapter 15. 2 (Jealous Rina)

212 20 0
                                    

Rina's POV:

"Sino yon?" tanong saken ni ate pagkapasok ko pa lang sa bahay.

"E-eh, ano.. S-si Rona. Oo, tama. Si Rona nga. Hinatid niya lang ako," sagot ko kay ate.

"Sure ka? Bakit namumula ka? Atsaka motor yung narinig ko," tanong ulit saken ni ate. Medyo nainis ako kasi dami niyang tanong.

"Oo sigurado ako. Kasama niya kuya niya. Nakamotor kaming umuwi dito," sagot ko nalang. May sinasabi pa si ate kaso di ko nalang pinansin. Pumasok na ko sa kwarto namin.

"Kyaaaaaaaaaahhhh!" sigaw ko.

Grabe na toh. Bakit ko ba siya hinalikan? Arrghh! Stupid Rina! Nakakahiya ka. Yiihhhh. Baka ano na lang isipin ni Lee saken. Bilin pa naman niya na hindi ako pwedng mainlove sa kanya.

Kinuha ko cp ko para itext sana siya. Gusto kong mag explain eh.

Nagtype na ko sa cp ko. (Lee, about sa kiss. thank u kiss lng un ah?) Tapos hinanap ko na name niya sa cp ko. Uhmm teka, wala pala kong number ni Lee TT^TT. Bahala na nga. Matutulog na lang ako.

Arrggghh! Di ako makatulog. Naiimagine ko pa rin yung kiss. Lakas ng tibok ng puso ko. Uhmm ano ba toh? May tawag dito eh. Nabasa ko toh sa book, kapag daw malakas yung tibok ng puso. Oo naalala ko na. Hindi kaya ito yung tinatawag na 'lukso ng dugo'? Baka pala triplets kami nina Lee? Haist! Binatukan ko sarili ko. Anu-ano na naiisip ko.

Waaaaahh 3:21am na. Please antok, dalawin mo nako. Pumikit kana kasi mga mata ko. T.T

Kinabukasan sa classroom:

"Bessy bakit mukhang bangag ka?" tanong saken ni Hazeline.

" @__@ Di naman bessy, hindi lang ako nakatulog masyado. May iniisip kasi ako," sagot ko.

"Kaya naman pala pagod na pagod si fafa Shaoran," singit naman ni Ronalyn.

"Huh? Bakit naman biglang napagod si Lee?" nagtatakang tanong ko.

"Oo nga. Paano mo nalaman na pagod na pagod si Fafa Shao ah Rona? Stalker ka noh?" tanong ni Sheilina.

"Hai naku! Gumanda nga naging slow naman. Isa ka pa dyan Sheila. Slowpoke lang mga teh? Banat yun. Sa sobrang kakaisip ni bessy Rina kay fafa Shaoran kaya pagod yon. Gets na?" paliwanag ni Rona.

Tumawa naman ng malakas si Hazel. Kaya napatawa na rin ako. Naiisip ko pa kasi yung kiss kaya hindi ako makapag isip ng maayos.

"Adik ka naman Rona. Hindi naman si Lee iniisip ko. Yung bibilhin kong gift kay Lee. Para sa 2nd monthsary namin," palusot ko nalang.

"Omigosh! Oo nga pala bessy. Sweetness mo naman. Tara dun tayo sa bench sa student park. May itatanong lang akong personal," yaya samin ni Hazel.

Nagmadali naman kaming bumaba. Baka importante kasi itatanong ni Hazel.

"Bessy, seryosong tanong lang ah? Walang lihiman ah? Peks man ah? Sure ka bang tinutulungan ka lang ni fafa Shaoran kaya nagpapanggap siyang boyfriend mo?" biglang natanong ni Hazel habang nakaupo na kami sa bench. Nakatingin lang saken sina Rona at Sheila. Mukhang naghihintay ng sagot ko.

Wala naman akong inililihim sa kanila kasi sila nga yung super bessys ko. Naikwento ko na rin yung nangyari bakit nagbreak kami ni Jhayr. Syempre nagalit sila sa ginawa ni Jhayr saken. Sabi pa nga ng mga ito. Ipapakulam daw nila si Jhayr. At tama lang daw na nagpaganda ako kasi kinain daw ni Jhayr ang mga sinabi nito saken.

"Naipakita mo na kay Jhayr na maganda ka talaga at may lalaking magkakagusto sayo na higit pa sa kanya. Kahit na pinag uusapan yung realationship niyo sa buong campus. Madalas din kayong makitang magkasama at madalas sabay kumain. Ito ba ay dahil sa nagpapanggap lang kayo?" tanong naman ni Rona.

Revenge Of The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon