Chapter 11

210 30 0
                                    

Ronalyn's POV:

Hep Hep Hooraay! NagkaPOV din ako. Yebah! Ang kumontra, magiging maitim kagaya ko. ^__^v

Ako nga pala si Ronalyn S. Garung. One of the best pa sa pinakabestfriend ni Rina. Masyado akong nag-aalala sa bessy kong iyon. May ichichismax pala ko sa inyo guys. Pero secret lang ah? Hindi ko kasi sinasadyang marinig na nag-uusap yung tatlong froglets na sina Edra, MakeUpGirl at FoundationGirl sa C.R, sakto nasa loob na ko at akala siguro nila walang tao. Sabi ni Edra, may plano siyang saktan si bessy Rina.

Tapos hindi lang yon, yung malantod niyang boylet nakita kong kahalikan ni bruhildang si Edra. May relasyon ba yung dalawa? Hay naku, pano na si bessy? Gusto ko man magsumbong kaso nakikita kong masaya naman siya. Ayoko naman na ako yung magcause sa kanya ng pain. Kaya I let her na madiscover na niloloko siya ni Jhayr. Pero bibigyan ko siya ng mga hints para makahalata siya.

"Morning bessy, musta date niyo?," bati ko kay bessy.

"Ok lang," walang ganang sagot niya kaya sinalat ko yung noo at leeg niya.

"Wala ka naman lagnat bessy. Pero bakit ang tamlay mo?," nag-aalalang tanong ko.

"Wala lang ako sa mood," tipid niyang sagot. May problema kaya toh?

"Bessy spill it out, baka matulungan kita kung ano man yang problema mo," sabi ko sa kanya.

Sasagot na sana siya kaso dumating na yung boylet niya.

"Hi babe! (kiss sa cheeks) Hello classmate (tingin saken)," bati ni Jhayr. Kita ko rin na hindi kumibo si bessy. So, may problema siguro yung dalawa. L.Q kaagad kahit 1week pa lang sila. Tapos umayos na kami ng upo kasi andito na yung terror prof namin sa Algebra. Hai bessy, sana marealize mong niloloko ka lang nyan.

Rina's POV:

Kakatamad pumasok. Hanggang ngayon sad pa rin ako sa kinalabasan ng date namin ni Jhayr nung Saturday. At hindi lang yon, parang kinakabahan kasi ako. Parang may masamang mangyayari today. Sana ayos lang si tita L, nag aalala lang siguro ako kasi bumyahe siya mag isa papuntang Zambales dahil bibisitahin niya yung taniman niya ng mangga dun.

Nasa canteen kami ni babe. Katatapos lang namin maglunch. "Babe may kailangan kasi akong asikasuhing project for my next subject. And...Can I ask you a favor?"

"Sure."

"I don't think I can finish answering our workbook kasi nga may gagawin pa ko," sabi nito na tila nagdadalawang-isip.

Bigla naman akong naawa sa kanya. "Ok, ako na sasagot for you," I offered.

Nagliwanag naman yung mukha niya. "Really babe? I knew I could count on you, thank you babe," sabi niya with kiss sa cheeks ko.

Nawala naman yung pagdaramdam ko sa kanya kasi mukhang napasaya ko naman yung lalaking pinakamamahal ko.

"Akin na yan workbook mo babe, tapos ibibigay ko na lang sayo mamaya kapag nasagutan ko na," sabi ko.

Mabilis naman kinuha ni babe yung workbook pagkatapos inabot niya saken. Pagkatapos mabilis na tumayo na si babe para umalis at sinabi niya rin kung saan ko siya matatagpuan kapag done ko nang nagawa yung workbook niya.

Sa wakas, tapos ko na ring masagutan ang workbook ni babe. Sigurado akong matutuwa yon kasi mabilis ko lang natapos hehe. Kaya naglakad na ko patungo sa classroom kung saan gumagawa ng project si babe kasama ang mga kagroupmate niya. Excited naman akong makita siya. ^___^

Nung malapit na ko sa classroom niya, parang kinabahan naman ako kaya huminga muna ko ng malalim. Hindi pa man ako nakakalapit sa bukana ng pintuan, may narinig na kong mga tawanan sa loob ng classroom ni babe.

"Hayup ka talaga sa kagwapuhan pare. Lakas ng charm mo lalo na sa mga panget. May tagagawa ka na nga ng assignment, may makokopya ka pa sa exam niyo." Tawanan naman mga tao sa loob.

Ipinako naman ako sa kinatatayuan ko at may kaba akong nararamdaman.

"Of course. You know me guys, tamad mag aral especially sa Math. If I can't solve it, babagsak nanaman ako sa Math. I'm very lucky dahil nandyan si Manang, which is very inlove saken, para maging alila ko."

Nanlaki ang mag mata ko sa narinig ko dahil nabosesahan ko ang nagsasalita. Walang iba kung hindi si Joshua Ryan Ford. Was he pertaining to me? Pati ba naman siya Manang ang tawag sakin gaya ng mga nanlalait saken. Biglang nagsikip ang puso ko at napahigpit ang pagkakahawak ko sa workbook niya.

"Pero pare, akala talaga namin inlove kana sa manang na yon eh. Itatakwil ka namin kapag nangyari yon," sabi naman ng isa pang kasama niya sa loob.

"Are you kidding? Why would I fall for someone like her? Matalino siya pero hindi kagaya nya mga type kong babae. There are lots of beautiful and sexy women within my reach. Kung papatulan ko yung manang na yon, baka di ako ganahan," sabi pa ni Jhayr tapos humalakhak.

Hindi ko na matiis kaya pumasok na ko sa classroom niya. Nakita ko si Jhayr with his friends. Obvious na wala silang ginagawang project. Nakatalikod naman si Jhayr saken. Nanginginig ako sa sakit at parang sasabog ako sa galit sa mga sinabi niya.

"Since she's head over heels in love with me, mabuti nang mapakinabangan." Sabi pa ni Jhayr at mukhang hindi napapansin ang prensence ko.

"Ah talaga?" sabad ko. Sabay-sabay naman silang napalingon saken. Saglit lang lumarawan ang pagkagulat sa mukha ni Jhayr. Ito ba talaga ang mabait at palangiting lalaki na minahal ko sa maiksing time lang? Hindi. Kasi all the time, pinaglaruan niya lang ako.

Ginamit niya lang ako para sa pansarili niyang kapakanan. Lahat ng ipinakita niya puro fake lang. Grabe, ang tanga tanga ko. Umismid naman si Jhayr, tumayo at humarap saken.

"Yes. Why would I like someone like you? and it's too bad you had to find out so soon," sabi nito habang humahalakhak.

"B-but you were so sweet to me..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil parang ano mang oras ay tutulo na yung luha ko. "Come on. Ginawa ko yon cause I needed your brain. Aside from that, wala na. Do you think I will be fallen for you? Geez, bukod sa pangit ka na, kung manamit ka napaka old fashion. You know what? Gusto ko ng italukbong yung ulo ko sa paper bag kapag kasabay kitang maglakad at kumain para lang di ako makilala. Pero dapat nga you should thank me dahil may gwapong kagaya ko na nagtyaga na makasama ka. Kasi kahit magsuot ka pa ng mamahalin at magandang damit, walang magbabago. You know why? Because you're very ugly. Unless you get some surgery," mahabang sabi ni Jhayr at sinundan pa ng malakas na tawa.

Nakagat ko naman pang-ibabang labi ko sa sobrang galit. How dare this guy para insultuhin ako ng sobra? Sobrang kapal niya, siya na nga nanloko siya pa may ganang magyabang. I couldn't believe that I had fallen for this jerk guy.

Well, ewan ko lang makakatawa pa siya sa gagawin ko. "Fine," sabi ko at itinaas yung workbook niya. Itinapat ko yun sa mukha niya at pinagpupunit.

"What the hell are you doing?" di makapaniwalang tanong ni Jhayr.

"Thanking you. Don't worry, I will never bother you again. Now, were even. Goodluck na lang sayo, sana makapasa ka," i said then umalis na ko. Nang makalayo na ko, tumakbo na ko at tumulo na rin ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. God, sobrang nakakahiya! Bakit nangyayari toh saken? TT.TT

Sobrang sakit na malaman mong pinaglaruan ka lang ng taong mahal. First time kong maramdaman ang ganitong sakit. Akala ko 5years ago yun na ang last na masakit na mararamdaman ko. Mas masakit pala ang paglaruan at maloko. Napahagulgol nako at napaupo sa gitna na kalsada. Dito ako dinala ng aking mga paa.

I don't know kung gaano na ko katagal umiiyak pero wala akong pakialam, gusto kong ilabas lahat ng hinanakit ko. Then I heard the sound of a motorcycle. Tila palapit ito sa kinaroroonan ko. Agad akong napatayo at nakita naman ako ng driver ng motorcycle dahil nagpreno ito nung gahibla nalang yung layo saken. My heart was racing with fear and shock.

Revenge Of The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon