Chapter 29

86 2 1
                                    

After 4 years. . .

 

Tama, apat na taon na ang nakalipas pero sariwa pa rin sa isipan ko ang lahat ng nangyari. Ibang iba na ko sa dating Edrina na nakilala niyo. Yung, Edrina na mabait, palangiti, masayahin, palakaibigan at mahina. Sa apat na taon na nakalipas, naging matatag ako. Ang hirap hirap makapagmove on. Oo, "move on". Ilang araw pagkatapos ng insidente sa sementeryo, naging cold ang treatment sakin ni Lee. Ilang beses kong tinangkang kausapin siya pero umiiwas siya. Lagi ko siyang tinitext at tinatawagan pero wala siyang response. Nabalitaan ko na lang sa mga brads niya na umalis na siya papuntang Korea, kasama pa ang malanding ex niya. Shet lang! Oo ulit, shet lang! Marunong na kong magmura. Pakasaya sila dun, isang paasang hayop at isang higad. Ang kati kati ng Apple na yun. Sarap ipakain sa baboy! Para litson ang peg!

Pero past is past, marami ng nagbago sakin. Mula sa pagiging good girl, isa na kong bitch ngayon sa school. Dati ako yung binubully pero isa na ko sa mga nambubully. Marami na kong haters sa school. Pero wapakels, mga insecure lang sila dahil maganda ako. Iba na rin ang circle of friends ko, hindi dahil iniwan ako ng mga dating bessy ko. Ako mismo ang lumayo sa kanila. How ironic nga eh, si Ate Edralyn na yung kasakasama nila ngayon. At ako? Nakakawindang lang kasi sina Jannet (Make Up Girl) at Andrea (Foundation Girl) ang mga kasama ko ngayon. Hindi na rin bitch si ate. Nagkabaliktad na talaga ang mundo namin. Parang siya yung dating ako, mahinhin, tahimik, palaaral at higit sa lahat, binubully. Oo, siya ang madalas ibully ng mga kasama ko, sina Jannet at Andrea. At ako? Titingnan ko lang siya ng poker face kapag nabubully siya. Karma niya lang yan sa mga kagagahang ginawa niya sakin noon. Hindi kinakaawaan ang mga walang pusong gaya niya.

"OMG! Andito pala ang nagfifeeling bitch sa campus natin." Sabi ng babaeng mukhang alien na toh na bagong pasok sa C.R. Andito kasi ako sa CR ngayon, as usual nagreretouch ako para sa next subject. May kasama pang tatlong babae ang mukhang alien na toh. Sila yung fans ko este haters. Oo, totoong may haters club ako. Anti-Rina Club pa nga yung pangalan eh. Usually pag ganitong scene, sina Jannet at Andrea na lang bahala kaso wala ang dalawang bruhang yon. San naman kaya nagsisilandi este nagsusuot ang mga yon. So, binalewala ko na lang ang mga babaeng mukhang hindi naliligo na mga toh. Nagpatuloy lang ako sa paglalagay ng red lipstick ko na tila walang naririnig.

"Ay bingi girl, hindi ka naririnig." Sabat naman ng isa nang hindi ko sila pinapansin. Naparoll eyes na lang ako. Kay tatapang porke apat sila. Pero kung nag-iisa lang, wala naman lakas ng loob para kausapin ako at tarayan.

"Hoy babaeng sunga! Kinakausap kita! Wag kang bastos!" dinuro duro pa ko. Tiningnan ko lang ito mula ulo mukhang paa. Tseh! Sasabunutan sana ko pero...

"Are you done Miss Mouth-smell-stinky-garbage-like-your-face? Dahil ako tapos ng magretouch eh. And one more thing, yan na ba yang pinakabitch line mo? Weak ah." Atsaka ko inayos ko na ang purse ko para pumasok na sa susunod na subject namin.

"Abat—-"

"No need to thank me dahil kinausap ko pa kayo. Actually you're just wasting my precious time. Next time na autograph mga chakabels ah?" at kumindat pa ko. Napanganga na lang ang poor four girls. Mga ganyan naman kasi mga yan, nagtatapang tapangan lang pero wala naman mga binatbat.

Bago ako lumabas sa CR. "Hey wait, by the way sinabihan mo kong bastos diba?" Tumango naman ang mukhang alien. "Do you even know what is the real meaning of bastos? Ang bastos yung naghuhubad sa harap mo. Oops, wag na lang pala. Mainggit pa kayo sa goddess body ko." Kinindatan ko nalang sila ulit atsaka naglakad na ko papunta sa room namin.

Revenge Of The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon