Chapter 20

139 8 1
                                    

Rina’s POV:

“Hindi pwede Rina. Gabi na. Hindi ka pwedeng lumabas,” matigas na tanggi ni Tita L sakin nang magpaalam ako sa kanya na lalabas ako.

“Tita naman,” reklamo ko. Kanina pa kasi ako nakikiusap dito. “ Tita L, matagal ko na pong gustong manood no’n. Kasama ko naman po sina Hazel, Rona at Sheila. Sige na po, please?” pakiusap ko.

“Huwag matigas ang ulo mo, Rina. Di ba nga may sakit ka? Nilalagnat ka. Baka dahil yan sa kakalabas niyo ng mga kaibigan mo. Kaya magpahinga ka na lang. Akyat na sa kwarto mo at magpapahinga na rin ako,” matigas pa rin ang tinig na sabi nito.

Gusto ko nang maiyak sa desisyon ni Tita L. Kung ganoon ang tono nito, wala na kong magagawa para mapabago pa ang desisyon nito.

Nang makita kong lalakad na ito papunta sa silid nito, tumayo ako. “Tita, please?” pagbabaka-sakali ko.

Tumingin ito sakin. “Para rin ito sa ikabubuti mo, Rina. Matulog ka na.”

Pumasok na lang ako sa kwarto ko. Nakita kong wala pa si ate. Mabuti pa si Ate Edra kahit anong oras maari itong umuwi at umalis ng bahay.

Kahit nasa loob ako ng kwarto ko, patingin-tingin pa rin ako sa oras. Alas-nuwebe na. Sigurado akong tulog na si tita kasi maaga itong natutulog.

Napatingin ako sa labas ng bintana. Paano na si Lee? Nasa kanto na kaya siya? Baka kanina pa yun naghihintay. Hindi ko pa naman siya maitext o matawagan kasi nasa kay tita na ang phone ko. Kinuha niya ito magmula nang malaman niyang boyfriend ko si Lee, at lalo itong naging mahigpit sakin.

Hindi ako mapakali. Siguradong naghihintay si Lee sakin. I could almost picture him leaning on his bike while waiting patiently for me. Pagkatapos hindi ko siya sisiputin? Hindi ko yata makakaya yon.

Napabuntong-hininga ako, pagkatapos mabilis akong nagdesisyon. Nagbihis ako at kinuha ang sling bag ko. Lumabas na ko ng silid namin ni ate. Sinilip ko muna si tita at nakiramdam nang mapatapat ako sa silid nito. Nang makita kong himbing na ito sa tulog, mabilis akong lumabas nang bahay.

Patakbo kong tinungo ang labas ng subdivision namin.

Revenge Of The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon