Chapter 5

259 32 0
                                    

Niyakap ako ni Mommy tapos... *Blaggg* *Grrkkkkk* *Gsssssshhh* Mga tunog ng mga sasakyan na nagkabanggaan. Pagdilat ko sa aking mga mata. Yakap yakap ako ni Mommy at si Daddy nailabas pa niya si Ate Edralyn kahit sugatan at nanghihina na siya.

"D-daddy, M-mommy? *sob* *sob* huhuhu TT^TT I-im very s-sorry!" sabi ko habang umiiyak.

"No princess, wala kang kasalanan kaya don't say sorry," nanghihinang sabi ni Daddy.

"Y-yo-your D-dad is r-ri-right R-rina, j-just take c-care of y-your s-sister, o-ok?," nagsmile pa rin si Mommy kahit hirap na hirap na siya at duguan din siya. :(( Oh No, ano bang nagawa ko? T.T

"B-but...," i said.

"Princess, lahat ng mga nangyayari sa buhay natin may mga explanations. Hindi mo lang ngayon malalaman yung answer kung bakit nangyari yung bagay na yon. So, stop crying na. Always remember, mawala man kami ng Mommy mo, nandito lang kami sa side niyo ng ate mo, ok?," sabi ni Daddy.

"P-pero Dad, a-ayoko pong m-mawala kayo ni M-mommy," huhuhu :( Pagtingin ko kay Mommy, laylay na yung mga kamay niya at di na siya humihinga. "No God! Please! MOOOOOMMMMMMMMYYYYYY!," sigaw ko at nakita ko nalang umiiyak si Daddy.

Habang dinadala kami sa emergency room, nakita ko si Daddy. Nag-aagaw buhay na siya. No, no, no, God please, kinuha niyo na po si Mommy. Wag din po si Daddy, di ko po kakayanin. T.T Pero parang naging bingi ang Diyos kasi dead on arrival si Daddy. Ang sakit sakit! Kasalanan ko! Namatay ang mga magulang ko dahil sakin. TT.TT Lord, bakit hindi nalang ako? Bakit sila pa? Mommyyyyy... Daddddyyyyy...

*** "Aahh.. aahh..," panaginip na naman. T.T I really miss you Daddy and Mommy.

"aaaa, aaaahhh, aaaahh..." May naririnig akong ungol, binabangungot yata si Ate Edra, kung hayaan ko nalang kaya siya? :Pv joke!

"Uuuhh.. M-mommy.. D-daddy..." sabi ni ate Edra.

"Ate? Ate? Gising! Binabangungot ka," paggising ko kay ate.

"Aaahhhhhhh," hinihingal pa si ate Edra.

"It's all your fault! Bakit hindi nalang ikaw ang namatay? Huhuhu Andito pa sana sina Mommy at Daddy." Nabigla ako kasi hanggang ngayon pala sinisisi pa rin niya ko, pero unfair siya! Pareho lang kaming nawalan at buong buhay ko naman pagsisihan yung pagkakamali ko TT.TT 

"Ate, stop blaming me. Walang gusto sa nangyari," sabi ko. *Slappp* Ouch, sinampal niya ko, ang sakit. :(

"How dare you to say that? Walang gusto sa nangyari? At sino pang sisihin sa nangyari? Ako ba? Sina Mommy at Daddy? Hoy pangit, ikaw lang ang may kasalanan kung bakit namatay sina Mommy at Daddy! At humanda ka dahil gagawin kong impyerno yung buhay mo!," banta sakin ni ate.

Napaiyak nalang ako at umakyat sa kama ko. Ganun na ba ko kasama? Hindi na ba kakambal o kapatid turing niya sakin? Bakit ganun Mommy at Daddy? Bakit di niya ko mapatawad? Kailangan ba talaga makita niya kong nahihirapan at nasasaktan para lang mapatawad niya ko? TT.TT Nakatulugan ko nalang yung pag iyak ko.

Kinabukasan: (@_@) Grabeee! Laki ng eyebugs ko dahil sa kakaiyak, mukha akong nagdrugs! T.T Pagbaba ko sa kusina nakita ko sina tita at ate.

"Morning Rina, teka hindi ka ba nakatulog kagabi? Ang pula pula ng mga mata mo. Umiyak kana naman noh?" nag aalalang tanong sakin ni tita. Napatingin ako kay ate na prominenteng kumakain ng agahan, di niya talaga ko pinapansin.

"Ok lang po ako tita, napanaginipan ko lang sina Mommy at Da---,"

"Una na po ako tita, baka malate pa ko," sabi ni ate Edra at nagmamadaling lumabas.

"Nag away nanaman ba kayo ng ate mo Rina?" tanong ni tita.

"Huh? Hindi naman po tita, bakit mo naman po yan naitanong?," paiwas kong sagot. (_ _")

Revenge Of The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon