Chapter 17.3 (Special Chapter for Ronalyn)

187 7 3
                                    

Rona's POV:

Sabado ngayon. Papunta ako sa bahay ni Onin or Mark Onin Manalang. Naaksidente kasi toh sa pagmomotor. Hindi ito makalakad kaya ako ay nag apply para maging Physical Therapist nito. Obvious naman diba? I love Onin kasi. Mapalad naman ako kasi natanggap ako.

Nasa bahay nako nina Onin. Hindi ko expect na ganito sila kayaman. Pagpasok ko sa loob, nakita ko siyang nakatalikod at nakasaklay. Kinakabahan ako kasi late ako sa napag usapan naming time sa session namin. Bigla kasi namin isinugod sa ospital si Tatay. Hindi na sana ko pupunta dito kaso pinilit ako ng Nanay ko na magtrabaho na dahil kailangan namin ng pera.

"O-onin?" tawag ko.

"Finally," sagot nito at humarap saken. Parang kunsumidung-kunsimido ito. Ano kayang problema ng lalakeng ito?

Lumapit ako rito. "Good morning, Onin," bati ko.

Tumingin ito sa wristwatch niya. "You're supposed to be here by ten. Anong oras na? In fact, anong petsa na?" sabi nito.

Hindi nalang ako umimik. May nagsasabi kasing nakakasakit mga binibitawan kong salita at para di kami magkagulo nito. Nagbilang nalang ako ng sampu sa isip ko para kalmahin sarili ko. Kahit love ko toh, sumusobra na siya.

"May naging problema kasi sa bahay. Pasensiya na, di na mauulit," sabi ko nalang.

"Had I known you'd be this unprofessional, wouldn't have agreed to take you in. Hindi lang naman ikaw ang nag iisang therapist sa mundo kaya pwedeng pwede kitang palitan kung kelan ko gusto," galit nitong sabi.

"Hindi ako unprofessional, SIR. May... may biglaang problema lang talagang nangyari." Gusto ko ng sabihin ang nangyari sa tatay ko kaso nagpigil lang ako. Kakaturn off ang lalaking ito, I hate him na. Ayoko rin sabihin niyang nagpapaawa lang ako. Mas gusto kong sabihin na isaksak niya ang pera niya sa bunganga niya. Hmp!

"Onin ano ba yan? Kay aga aga ang init na ng ulo mo. Dapat kasi kumain kana ng almusal. Papasukin mo na ang therapist mo para makapag usap kayo ng maayos, para makapgsimula na kayo diba?" sabi bigla ng isang matanda na mukhang maid nila.

"Nana Nancy..." mukhang gusto pang tumanggi ng pesteng lalaking ito.

Tumingin saken ang matanda. "Ako nga pala si Nancia Madrigal. Tawagin mo na lang din akong Nana Nancy. Ako ang nag alaga sa batang ito magmula bata pa siya. Napagtyagaan ko at kakayanin mo rin yon. Habaan mo lang ang pasensiya mo."

"Ako nga po pala si Ronalyn," pakilala ko sa matanda.

"Mukhang mahaba naman ang pisi mo, diba Onin?" tanong nito.

"Hirap akong maglakad. Kayo na lang po ang bahalang sumama sa kanya sa magiging kwarto niya." Oo nga pala, dito ako titira. Para raw mas maasikaso si Onin.

Pumihit na ito para pumasok umalis. Kaso nawalan ito ng balance dahil mukhang hindi pa ganoon kasanay sa paggamit ng saklay. Ipinaikot ko naman ang mga braso ko sa baywang ni Onin para mapigilan ang pagtumba nito. 

"Hinay hinay kasi," sabi ko.

"Thanks," sabi nito pero parang labas sa ilong at ang brusko pa ng dating.

"Welcome," sarcastic kong sagot.

Hindi nako pinansin ni Onin. Pumasok na ito sa kwarto niya kaya ako naman sumunod kay Nana Nancy para sa magiging kwarto ko.

OMG! Ganito pala kaganda ang magiging kwarto ko. Humiga ako sa kama. Goshy! Ang lambot lambot naman.

Pero teka, nakakainis talaga ang lalaking yon. Napakaarogante! Haist! Rona, always remember patience is a virtue.

Lumabas ako sa kwarto pero ng dadaan ako sa kwarto ni Onin, naririnig kong nagsasalita ito kaya lumapit ako.

"On top of that, she's very black and she's not even pretty..."

Parang tumaas ang dugo ko hanggang bumbunan ko. Oo nga maitim ako at hindi maganda, pero nakakapikon pa rin. Parang kasalanan ko pang hindi ako biniyayaan ng magandang mukha na aakma sa panlasa nito.

The hell with his money! Kaya itinulak ko ang pinto ng malakas. Napaangat naman ng ulo si Onin.

"What now?" sabi nito na parang pinaparusahan ng kapalaran.

"Alam mo Onin? Gwapo at mayaman ka nga pero balewala lang ang lahat ng yon dahil ang sagwa ng ugali mo," sabi ko at wala akong pakialam kung palayasin pa niya ko. Atleast nasabi ko ang gusto kong sabihin. "Nagpunta ako dito para tulungan ka hindi para sumali sa beauty pageant para magpaganda. Pero kung wala kang ibang gagawin kundi umangal, sungitan at laitan ako, isaksak mo sa bunganga mo ang pera mo. Hindi lahat mabibili ng pera, lalung lalo na ako. Alam ko rin na kating kati ka ng palayasin ako, kaya kung gusto mo aalis ako ora mismo," galit kong sabi sa kanya.

Hindi naman umimik ito kaya tinanong ko ulit. "Ano na ngayon?" tanong ko.

"I don't want to waste anymore time looking for another therapist. I think we can work together," sabi nito.

"A-anong ibig mong sabihin?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"I mean, ayusin mo na sarili mo para makapag umpisa na tayo," sabi nito.

"Sigurado ka Onin?" tanong ko ulit.

"Mukha ba kong nagjojoke? Hindi ko sasabihin yon kung hindi ako sigurado," sagot nito at ngumiti na.

"O-okay," sagot ko na lang.

Hai naku! Kung hindi ko pa pala dadramahan ang lalaking ito, hindi kami magkakaayos. Haist! Gwapo talaga niya kapag nakangiti. Parang nanunumbalik na pagmamahal ko sa kanya. This is it! Dapat mapaibig ko tong Mr. sungit na toh.

Revenge Of The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon