Chapter 26

55 2 0
                                    

Rina's POV

Maybe this time

It'll be lovin' they'll find

Maybe now they can be more

than just friends

 

Ringtone yan ng phone ko. Tumatawag si Hazel.

["HELLO BESSY!"]

Inilayo ko ang phone ko sa tenga ko. Muntik na kasing mabasag ang eardrums ko. Ang tinis pa naman ng boses ni Hazel.

"Ano ba yan bessy? Rinig na rinig kita. Di mo na kailangan sumigaw." Napapahand gesture pa ko habang nagsasalita. Na para bang nasa harapan ko lang siya.

["Sorry bessy, namiss lang kita."]

Alam kong nagpeace sign ito at nagpout pa.

"Oo na, pero hindi mo na kailangan magpacute. Bat napatawag ka?"

["Nandito kasi ako ngayon sa mall. Busy kasi si Ronalyn kay Onin tapos si Sheila iniwan ako kasi may pinuntahan siyang cute guy na salesman."]

"Ang landi talaga ng Sheila na yan. Sige, bihis lang ako. Hintayin mo ko dyan."

["Thank you so much bessy. Ilibre mo ko."]

Tumawa pa ito sa kabilang linya. Ganon kakuripot ang babaeng yon. Laging nagpapalibre.

Habang nagbibihis ako, naalala ko ang nangyari kahapon. Sa condo ni Lee.

Pagkatapos namin kumain, nanoood kami ng TV. Akala nyo ba si Lee lang ang mahilig sa basketball? Syempre ako rin, sa San Mig Coffee ako. Pero ngayon Purefoods na sila. Syempre magkalaban kami ni Lee. Sa Rain or Shine kasi siya. Rain or Shine ang lumalaban ngayon.

Napapa-Yes pa si Lee kapag pumapasok ang bola ng Rain or Shine sa ring. Napapamura naman ito kapag namimintis o nagkakamali ang mga players. Kulang na lang pumasok siya sa TV at pagkatapos siya nalang ang maglaro. Affected much!

Nagpillow fight pa kami ni Lee after namin manood ng TV. Napikon kasi ito sa sinabi ko. Na matatalo ang Rain or Shine sa Purefoods. Asar talo naman ito kaya binato niya ko ng throw pillow. Kaya ayon, naghabulan na kami. Nagkilitian. Nagwrestling. Ang sweet sweet lang namin. Ang saya saya rin namin. Na parang wala ng bukas.

Biglang nagring ang cellphone ni Lee. Sinagot niya ito. after non parang nagdilim ang mukha nito. Parang galit na hindi ko maintindihan. Bigla na lang niya kong inihatid. Hindi niya kinibo buong byahe. Tapos nag i love you at goodbye ako rito pero hindi niya sinagot. Hindi ko maintindhan si Lee sa oras na yon. Siguro may problema lang ito. Pero andito naman ako, handang damayan at tulungan siya. Siguro darating din ang araw, mag-oopen-up ito sakin.

Bago ako lumabas ng bahay tinanong ako ni ate kung saan ako pupunta. Sinagot ko na lang ito. Ayoko naman mag-away pa kami. At nagmamadali rin ako. Baka bored na bored na si Hazel sa kakahintay sakin.

Revenge Of The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon