Chapter 10

244 30 1
                                    

Edra's POV:

Nagbibihis ako ngayon papunta sa isang popular bar na pagmamay-ari nina Jhayr. So, i decided to wear hanging blouse and very short short. Sinuot ko na rin yung red stelletos ko. Light make-up lang kasi maganda na ko and red lipstick.

"Ate saan ka pupunta? Gabi na ah?" Pangingialam ni engot.

"Don't talk to me. Wala kang pakialam kung san parte ng Pilipinas ko gustong pumunta." Pagbabara ko sa kanya. Kainis kasi. Masyadong epal.

"Pero ate, baka mapano ka sa labas." Sagot ulit niya.

"As if you really care? And wait a minute. Nanay ba kita ah? Tsk, oo nga pala, ikaw mismo pumatay sa sarili mong nanay." sumbat ko kay engot at natahimik naman siya. Haist, buti nga sa kanya. Daming satsat.

Basta masaya ako ngayon kasi malapit ko ng magawa yung binabalak ko. And this is the reason bakit kami magkikita ni Jhayr sa bar tonight.

*FLASHBACK*

Nagtext ako kay Jhayr na puntahan niya ko dito sa gilid sa CEA building para balitaan ako. Ako lang naman ang nag-utos sa kanya na gawin niyang toy si engot. Para mas masakit kapag nalaman niyang pinaglaruan lang naman siya ng itinuturing niyang Prince Charming.

After 5minutes  of waiting for Jhayr, dumating na rin siya na nakangiti. Mukhang may good news toh.

"Hi Loverboy, what's up?," bati ko kay Jhayr na may matamis na ngiti.

"Ako pa? Wala ka yatang bilib sa charm ko? Syempre syota ko na si panget," sagot ni Jhayr na may pataas baba pa sa kilay niya.

"Good, the very first time i saw you alam ko ng ikaw ang right person na kailangan ko para sa paghihiganti ko sa engot na yon," i said.

"If you don't mind, bakit ba galit na galit ka sa pangit na yon?," curious na tanong ni Jhayr.

"Well, it's a private matter. Saka ko nalang sasabihin sayo yung reason kapag nakapaghiganti nako," sagot ko.

"Ok. By the way, meet me tonight. 9pm sa bar namin. Lets celebrate and enjoy our achievement," paanyaya na Jhayr sabay kindat.

"Yeah sure." Then he kissed me at my lips.

*ENDOFFLASHBACK*

Nandito nako sa bar nina Jhayr. Madami ng tao kahit maaga pa. Karamihan mga teenagers na nagpapanggap na 18 above like me.

Iginala ko naman paningin ko para hanapin si Jhayr. Nakita ko siyang nakikipaglandian sa isang babae na mukhang slut* kaya nilapitan ko na siya.

"Hey loverboy, masyado ka naman yatang busy? I thought tayo lang dalawa? Ayoko ng threesome," bulong ko sa kanya with flirtious voice at hinawakan ko yung lips niya. Mukhang natulala naman siya. Well, effective pa rin pala yung one of my way para magflirt sa isang lalaki.

"A-ah, O-of course. Tayo lang dalawa Edralyn. Excuse me miss, pero andito na kasi yung kadate ko. You can leave us alone," walang pusong sabi ni Jhayr dun sa girl kaya nagwalk out nalang yung babae.

"Haha, i new it. You really are a cassanova."

"Of course not honey. Sila lang kusang lumalapit sakin. At wala naman akong magawa kasi lalake lang ako." Paliwanag ni Jhayr.

I expected his answer kasi halos ganoon naman yung reason ng mga babaerong gaya niya. So, nagcelebrate na kami for our achievement.

Malapit na Edrina. Malapit mo ng maranasan kung pano mabigo sa unang pag-ibig.

Rina's POV:

Noong isang gabi, nagsagutan na naman kami ni ate. What's new? Wala. Kasi galit pa rin siya at sinisisi pa rin ako sa nangyari noon. Hayaan na nga, baka magkawrinkles ako kaagad sa kakaisip sa kanya.

Revenge Of The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon