Chapter 17.2 (Special Chapter for Sheilina)

183 6 0
                                    

Sheila's POV:

This is my first ever POV. Super saya ko. Thanks po sa mga nagrequest na magkaPOV ako. ^__^

Ako nga po pala si Sheilina Mae Sabellano. Kahit magkakaedad kami ng mga bessys ko. Parang ako pa rin ang bunso. Hindi rin ako ganoon palaaway kasi religious ang mga magulang ko. Hindi po dahil duwag ako ah? :P Tubong Cebu ako, Cebuana talaga ko kaso dito nadistino ang tatay ko kaya dito na kami tumira. Pero nasa Cebu lahat ang mga kamag-anak ko.

Nasa classroom pala kami ni Rona. Sina Hazel at Rina nasa labas siguro.

"Sheila bili ka naman ng kamias. Para sa project natin. Samahan kana ni Neil," utos saken ni Alexa. Ang aming Class President.

"Ha? Bakit ako? Si Rona na lang," sagot ko. Nahihiya kasi ako. Lalo na super crush ko si Neil.

"May gagawin pa kasi si Miss Pres dito, ikaw na lang. Wala ka naman ginagawa dyan eh," sabi naman ni Rona.

Hindi na ko natutuwa sa pangyayari. Wala naman akong atraso sa Kirara na toh pero hindi ko maintindihan kung bakit ipinagkanulo ako kay Neil.

"Akala ko ba magkaibigan tayo?" tanong ko kay Rona. Kaso ngumisi lang ang bruha.

Inabutan naman ako ng pera ni Alexa. "That's for the bondpaper." Tulad ni Rona, nakangisi rin ito. Sarap pagbuhulin ng dalawang ito. Grrr!!!

"While you're there, bumili na rin kayo ng kamias ah? Damihan mo," bilin pa nito.

Dahil no choice na ko. Kinuha ko na yung pera.

"We better get going," sabad ni Neil.

Napalunok naman ako. Hindi ako makapaniwala na ibinuking ako ng Rona na toh. Halata sa kilos nila na may sinabi sila kay Neil.

"Sheilina?" untag saken ni Neil.

"O-okay," sabi ko at nginitian ko naman siya.

Gusto ko muna sanang magpolbo at magsuklay. Mala-adonis kaya makakasama ko. Ayoko naman magmukhang basahan kapag katabi ko siya. Kaso mukhang nagmamadali na siya kaya umalis na lang kami.

Nasa kotse na ko ni Neil. Mayaman kasi ito. Buong byahe akong hindi umiimik. Natetensiyon kasi ako. Daig ko pa ang sundalo dahil tuwid na tuwid pagkakaupo ko. First time ko rin kasi siyang makasama na kaming dalawa lang kaya natural lamang na kabahan ako.

Pasimple ko naman siyang tiningnan sa gilid ng mata ko. Seryoso lang ito sa pagdadrive kaya kalahati lang ng mukha nito ang nakikita ko. Pero kahit side view lang, gosh! Super gwapo ng lalaking ito at nag uumapaw pa sa sex appeal. Oh Lord, help me. Nagtitimpi lang ako para hindi ko siya mayakap at mahalikan ng wala sa oras.

Nabigla naman ako dahil nagsalita ito. "Baka mapanis yan."

"Ha?" litong tanong ko.

"Kanina ka pa hindi nagsasalita. Baka mapanis ang laway mo," pagkaklaro nito.

Humarap naman ito saken at ngumiti. OMG! Ang gwapo niya. Hihimatayin yata ko.

"Wala naman k-kasi akong sasabihin sayo," sabi ko na lamang.

"Good point. Ganito na lang, question and answer portion tayo para may topic tayo," sabi nito.

"A-ano naman itatanong mo saken?" tanong ko.

"Kahit ano."

"Parang mahirap yata ang kahit ano."

"Don't worry, walang math o science dito."

"English meron?"

Parang naamuse naman si Neil saken. "Wala rin."

"S-sige na nga," pagpayag ko.

Revenge Of The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon