Chapter 12

245 28 3
                                    

Shaoran's POV:

Nakamotor akong pumapasok sa shool. 7pm ang last subject ko. Nagdadrive ako nang biglang may tumayong babae sa gitna ng kalsada malapit sa gate ng school namin. Napreno ko naman kaagad pero muntikan ko na siyang mabunggo.

"Damn it! Magpapakamatay ka ba?" galit kong bulyaw sa babaeng nasa harapan ko. Bigla naman itong napaupo ulit sa kalsada.

"Hey Miss! Are you hurt?" i asked pagkatapos pinatay ko na yung makina na motor ko, bumaba ako at inalis yung helmet ko. Lumuhod naman ako sa tabi ng babae at niyugyog ito.

"Miss?"

Tumingala naman ang babae. Shit! Si Nerdy Girl pala toh. Mukhang nabigla rin siya pagkakita saken. Bakit kaya siya umiiyak? Parang may sariling isip yung kamay ko kaya pinunasan ko luha niya.

"Damn! What the hell are you doing in the middle of the road crying like that?" sigaw ko nung nahimasmasan ako dahil sa ginawa kong pagpunas sa kanya. Bigla nalang humagulgol si Nerdy Girl. Shit! What am I gonna do with her? If there's one thing I couldn't handle, it was a woman's tears. Mahina ang immunity ko sa mga babaeng umiiyak dahil noong bata pa ko, halos gabi-gabing umiiyak si Mommy dahil kay Daddy. Ganon talaga siguro kapag magkaiba ang culture ng mag asawa. Wala man lang akong magawa kung hindi tingnan si Mommy or magkulong sa room ko. Naghighschool ako pero walang ipinagbago dahil umiiyak pa rin si Mommy dahil sobrang busy ni Daddy. Hanggang naisipan na rin ni Mommy na mag abroad at magwork. Naggraduate ako na walang parents na nagsabit ng medal saken dahil ako ang Validictorian pero ayos lang yon.

Since then, mag-isa na lang akong namuhay. Iyon din ang reason kung bakit wala akong pakialam sa iba at sa paligid ko.

Humikbi si Nerd Girl at marahas pinalis ang mga luha. Halatang pinipigilan niya ang pag-iyak dahil nandito ako. Nailing nalang ako.

Inalis ko ang kanyang salamin at kumuha ng panyo para punasan ang luha niya. Natigilan naman si Nerd Girl at tumingin saken. Binigay ko sa kanya aking panyo at kinuha naman niya para ipagpatuloy ang pagpunas sa mukha niya.

I sighed and sat on the road. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya kayang iwan dito kahit alam kong hindi ko naman siya nadisgrasya.

Tumikhim ako. "So? Why are you crying in the middle of the road?" i asked after a long silence. Suminghot naman ito bago sumagot.

"Dahil ang lalaking pinagkatiwalaan ko at natutunan minahal ay niloko lamang ako. Ginamit ako para lang makapasa sa isang subject namin. Imagine that? Very non-sense reason para saktan niya ko ng ganito."

Sinasabi ko na nga ba at walang matinong gagawin ang hinayupak na Joshua Ryan Ford na yon. "You know what? Joshua Ryan Ford is really an asshole. Buti naman kaagad mo yun natuklasan bago ka pa niya gawan ng mas masamang bagay."

Napatingin naman siya saken. "Y-you know him? How?" puzzled na tanong niya.

"I've known him since first year. He hate me so much. I always saw you with him in the canteen. I can pretty much understand  what happened between you two. Gawain na nya yan dati pa."

"You mean masyado akong naive and stupid para mainlove sa charm niya?" mahinang tanong niya. "You're not alone," sabi ko na lamang.

"Sabi pa niya I'm very ugly. Na... na walang lalaking magkakagusto sakin. Na gugustuhin pa raw niyang magtakip ng paper bag sa ulo para lang hindi siya makilala na kasama niya ko. Wala naman akong care sa sasabihin ng iba, kaso iba kasi siya. He's very special to me. Kaya nga sobrang nasaktan ako nung nalaman ko ang totoo," sabi niya at muling pinahid ang luha. Mukhang pinipigilan niyang mapaiyak.

Napatitig naman ako sa mukha niya. What part of her was ugly? Maputi siya, singkit at may magandang hubog ng katawan. Hindi nga siya looker and she was not wearing any makeup. Mukha rin siyang Maria Clara, but she was not ugly. In fact, her face was interesting.

Revenge Of The NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon