STARVING • ONE •

12.7K 205 5
                                    

⚫️01⚫️

I am here at the bar counter drinking some whisky. Sobrang tapang nito kaya kahit konti pa ang naiinom ko ay nahihilo na ko. This was my second glass at inuunti-unti ko lang. Wala akong planong maglasing ngayon.

"Hey! Alone? " i was in a state of preparing myself to leave ng may biglang tumabi sa 'kin.

I can't see his face properly dahil hindi naman gaanong malinaw ang ilaw dito sa loob ng club. But i can see the silhouette of his pointed noice, his thick brows at ang medyong makakapal niyang mga labi.

"Uhm, yeah. Pero paalis na rin ako. I just dropped to have some drink. " sagot ko at tumayo na.

"Don't you remember me? "

Napabalik ang tingin ko sa kanya. Seryoso lang siyang nakahawak sa baso at nakatingin sa unahan niya. Honestly, i don't have any hint who's he. Kaya naman ay umiling ako.

"The guy you dated five years ago in a prom. The guy with thick glasses ang braces. Don't you remember? " aniya.

Parang may bombilyang kusang umilaw sa loob ng ulo ko pagkabanggit niya nang mga iyon.

Napatawa pa ko bago ko sabihin ang pangalan niya.

"Lenard? Lenard Santillan? "

He faced me with a grin in his face sabay saludo gamit ang baso niya.

"Wow! It's been what? Four five years? Ang laki na ng pinagbago mo, ah! " napaupo ako sa aking upuan ulit at hinarap siya. "How are you? "

"I'm fine... You? How are you? "

"Fine too. " natigilan ako at manghang nakatitig lamang sa kanya. Ang laki na talaga ng pinagbago niya. From patpatin to CK model body. Like Wow! "You know what, i can't really believe... Well, sorry for the word but sobrang payat mo noon. "

Napatawa siya sa sinabi ko. "Yeah, time change me. And so as you, you look more stunning. " aniya.

Napangiti naman ako. "Haha! Thanks. Well, anyways. " tumayo na ko at sinukbit ang sling bag ko sa balikat. "I have to go. Nice seeing you again, Lenard. Hope to catch up you soon... "

"YOU saw who?! " O. A masyado ang reaksyon ni Molly sa sinabi ko sa kanila ni April.

"Si Lenard Santillan. Kasasabi lang niya, 'di ba. Parang kang bingi. " saway ni April kay Molly.

"Tss. "

"And check this out, girls. You can't believed what i saw. Ang laki na ng pinagbago niya. Pang-CK model na ang dating niya ngayon. Sobrang layo na sa patpatin na Lenard noon. I'm sure madami na iyong naikama. "

"Exagg naman ata ng pagkaka-describe mo sa kanya. Pang-CK talaga? Hindi ba pwedeng pang-Bench muna bago CK? "

"Nuh! Alam niyo kapag nagkita kami ulit magpapaselfie ako sa kanya para maniwala talaga kayo sa 'kin. "

"Mabuti pa nga para hindi always against all odds itong si April. " ani Molly.

Napailing na lamang ako sa dalawa. We've been friends for so many years. Napagdaanan na namin ang maraming ups and downs. Pero buo pa rin kaming tatlo at hindi nagkakahiwalay. They're not just my best friends but they are my TRUE friends.

"Hello? Mom? " mom is calling me right now. Himala at napatawag siya ng ganitong oras. Usually ang oras ng tawag niya sa 'kin ay mga eight o'clock, ngayon ay napaaga ata.

"Umuwi kasi ang tita Allison mo at sa bahay sila mag-didinner. Baka may oras kang umuwi dito? " pagbibigay alam ni mommy.

Hindi ko alam na kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga simula nung banggitin niya ang pangalan ni tita Allison. Andito si tita Allison ibig din sabihin nito andito din siya. Napahawak ako sa aking dibdib at marahang minasahi ito.

"Uhm---"

"Please, anak. You're tita misses you so much. Ang daddy mo malapit na ring magtampo sa 'yo dahil bihira ka nalang daw umuwi dito sa bahay. Kahit ngayon lang... Please... " kapag si mommy na ang nakiusap sa 'kin ang hirap na tanggihan.

Napabuga na lamang ako ng hangin at napapikit. "O-Okay po... "

"Oh, my... Thank you anak. I love you. We'll wait for you. Hurry, okay? I miss you, baby... " wika ni mom sa kabilang linya.

Hindi ko na nagawang makapag-salita dahil pinatay na ni mommy ang tawag.

Ito na ba ang oras na magkikita kami muli. Ito na ba ang panahon na magkaharap kami. For so many years hindi pa rin mawala sa sistema ko ang nangyari sa prom night...

"Are you sure about this? " tanong ni Max sa 'kin.

I want him so bad na kahit katawan ko ay kaya kong ibigay sa kanya makuha ko lang siya. Maging akin lang siya. But fate played tricks to me. I thought i was in control kapag nakuha na niya ang pinakaiingatan ko. I thought he would chased me. Pero kabaliktaran ang nangyari. Mas lalo lamang akong naghabol sa kanya.

Ang akala ko he respected me because of what we did pero it turns out na iniisip niya isa rin ako sa mga babaeng tinatapon ang sarili papunta sa kany para matikman siya. Hindi niya ba naisip na sa kanya ko binigay ang pagkababae ko. Siya at siya lang. Our both parents didn't know what happened that night. Even Clayton. Hanggang sa mag-migrate sila sa Amerika.

"Kung ano man ang nangyari sa 'tin ng gabing yun ay kagustuhan mo, Eunice. You throw your self at me at wag kang mag-demand ng kahit na anong atensyon. I, once clear myself to you na hindi kita gusto. Na parang kapatid lang ang turing ko sa 'yo. "

"Pero you took me... "

"Because that's what you want. Because that was your plan. Because you thrown yourself at me. At lalaki lang din ako, Eunice. Natutukso din. Kaya please lang... Kalimutan mo ang nangyari at kalimutan mo na rin ang nararamdaman mo sa 'kin. You're to young for me... " sabi niya sa 'kin bago siya umalis. Mga salitang binilin niya sa 'kin bago siya lumipad papuntang empyerno.

Hanggang naiisip ko ang mga yun, naiiyak pa rin ako. He's heartless. Pinaglaruan niya lang ako.

At pinangako ko sa sarili ko kapag nagkita kami ulit sisiguraduhin kong siya na ang maghahabol sa 'kin.

_________

Holiday treat! Merry Christmas everyone!

STARVING [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon