STARVING • SIXTEEN •

3.5K 95 3
                                    

⚫️16⚫️

 
 
 
Naghihintay ako na sabihin ni Max na joke lang ang lahat. Na sabihin niya na nagbibiro lang siya sa sinabi niya. Na walang katotohanan ang lahat.

Pero lumipas ang ilang minuto ay hindi siya nagsalita. At habang tumatagal ay lalong nagdidilim ang tingin ni Clay.

What's with his reaction?

"Ito ba 'yung kinukuwento mo noon samin? "

"Yeah. "

"And finally we meet her. " saad ng lalaking may piercing sa labi. "Hi. I'm Sin. " pakilala niya.

Ngumiti ako sa kanya at nakipagkamay.

"And i'm Brad. " sabi naman 'nung isang blonde.

"Hi. Uhm, excuse lang ha. Puwede bang kausapin ko muna si Max. " paalam ko sa kanila.

"Sure. Go ahead. " sagot naman ni Brad.

Hinila ko si Max sa labas ng bahay.

"Ano 'yun? Bakit mo sinabi sa kanila na girlfriend mo ko? Max?! "

"Diba sabi ko sa 'yo noon i'll pursue you. Alam ko namang may nararamdaman ka pa rin para sakin. So let's make this official. " wika niya.

"No! " bulalas ko agad.

Kita ko ang pagkunot ng noo ni Max dahil sa sinabi ko.

"What? Why? Akala ko ba? "

"Ang tagal mong nawala Max. Ilang taon ang lumipas. At habang tumatagal lumalabo din kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa 'yo. Sobrang daming nangyari sa panahon wala ka Max. At hindi ko alam kung andun pa rin ba ang nararamdaman ko para sa 'yo. Hindi ko alam. I'm sorry. "

"This is unbelievable. Alam ko na kung ba't ka naguguluhan. I already know the reason. Pero umaasa ako na babalik 'yung nararamdaman mo sakin kapag sinabi ko sa 'yo na gusto rin kita. I thought everything change. Tama nga si Tobby. Masyado akong nakampante sa nararamdaman mo sakin. " litanya niya.

"What do you mean? "

"It's Clay. You like my brother. " napangiti siya ng pagak. "Kahit na masakit, tatanggapin ko nalang dahil pareho kayong importante sa buhay ko. And you both deserve each other. " aniya.

"Max. "

"I know. Hahayaan ko kayong dalawa. You both deserve to be happy. "

Pagsabi ni Max nun ay umalis na siya. Bumalik na siya sa loob ng bahay. Naiwan akong hindi alam ang gagawin.

"NAGKAUSAP NA KAYO? " tanong ni April.

Thank God and she's OK now. Bumalik na siya sa trabaho at naging maaliwalas na rin ang mukha niya.

Umiling ako at sumandal sa upuan.

"Hindi pa kami nagkausap. I wanted to talk to him to clear things pero natatakot ako. "

"Bakit ka naman natatakot? "

"Sa puwedeng mangyari. Kung nakita mo lang ang tingin niya habang sinabi ni Max na girlfriend niya ko parang papatay siya ng tao. "

"Clay would never hurt you. Gusto mong samahan kita sa kanya? Para kapag saktan ka niya may back up ka. "

Natawa ako dahil sa suhestiyon ni April.

"Baliw. OK lang ako. Ngayong gabi pupuntahan ko siya sa unit niya. I will clear things to him. "

"Goodluck. "

♥♥♥

KINAGABIHAN nga ay nagtungo ako sa unit ni Clay. Hindi ako tumawag sa kanya. I wanted to suprise him.

Habang nasa elevator ay pinapawisan ako dahil sa kaba. Nanginginig ang mga tuhod ko. At hindi ako mapakali habang nasa loob ng elevator.

Pagkabukas ng elevator ay nakangiti akong lumabas. Ngunit naputol din agad dahil sa nakasalubong ko.

His eyes are still the same. No emotions at all.

"Clay. " mahina kong tawag sa pangalan niya.

"What are you doing here? Where's your boyfriend? " sarkastiko niyang tanong.

"Clay. I-It's n-not what you think. Max and i are not —"

"I don't care. " putol niya sa sasabihin ko.

Lalagpasan niya sana ako pero agad kong hinawakan ang braso niya.


"Can you just listen to me first before you react like a child. " hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.

"I'm not acting like a child. I just don't care. Puwede bitiwan mo na ko. " walang emosyon niyang saad.

"How could you act like that. Na parang walang nangyari sating dalawa. Ganyan ka ba talaga? Ganyan ka ba talaga kasama?! " nag-uunahan ng pumatak ang mga luha ko.


"Ikaw ang may gawa nito sakin, Athena. I thought we both have the same feelings. But you used me para kay Max. You used me to get him. Tell me now, sinong mas magaling samin ha? Oh, i see, mas magaling si Max. Siya pinili mo hindi ba? Pero bakit ka pa nandito? Hindi ka ba satisfied sa kanya kahit magaling siya? Hindi ka ba malabasan –"

Hindi ko na kinaya ang mga sinasabi niya. Sinampal ko siya ng paulit-ulit hanggang sa bawiin niya ang mga sinabi niya.


"Walang hiya ka! Ang kapal ng mukha mo! "

Napaupo ako sa sahig dahil sa emosyong nararamdaman ko ngayon.


"How could you... "

Huminga muna ako ng malalim. Inayos ang sarili at muling tumayo.


"'Nung nakita kita nakipaghalikan sa iba i didn't react like what you did. I ket the pain inside. Wala akong karapatan na mag-react dahil hindi naman tayo. Wala akong karapatan dahil walang tayo. And now you acted like i'm a cheater girlfriend. How dare you. You're so unfair. " wika ko.


Umalis na ko sa harapan niya. Ayoko ng dagdagan ang sakit na nararamdaman ko. The pain i feel is unbearable. Parang kahit na anong ay bibigay na ang puso ko. 






____________



Susubukan kong matapos na 'to this week. By next week kasi ay magiging busy na ko dahil may pasok na ang baby girl ko. Yes! Mag-aaral na siya at excited na ko. Yun lang. Enjoy reading.

STARVING [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon