STARVING • FOUR •

5.3K 110 6
                                    

⚫️04⚫️


"Ma'am, tumawag nga po pala dito si Mrs. Cruz kanina. May ipareremodel daw siya sa inyu. " salubong agad samin ni Mickey-ang secretary namin.




Mrs. Cruz owned a condominium building. She's our client since we start our business. Siya ang unang nagtiwala samin kaya kami umabot sa ganito. Siguro may bagong unit siyang ibebenta kaya tinawagan niya kami.



"Kailan ba daw niya gustong magsimula? " tanong ni April.



"ASAP daw po sabi niya. "



"Sobrang urgent talaga ha. Sige, call her back at sabihin mong papunta na kami. " utos ko kay Mickey.



"Opo, Ma'am. "


"Paanong iba nating clients? " tanong ni April pagkaalis ni Mickey.



"We can handle this, ok. Atsaka hindi natin puwedeng biguin si Mrs. Cruz ngayon. She's the very important client kaya siya ang uunahin natin. Kaya natin 'to. "



"Sabi mo eh. "



Para namang walang tiwala ang mga kaibigan ko sakin. Lahat naman kinakaya namin basta nagtutulungan kami.



"WE CAN hire extra men for this project. Marami tayong pending ngayon, En. " suhestiyon ni Molly nang pinatawag ko sila sa meeting room.



"That's the great idea. Okay, call Mickey at sabihin mo sa kanya na we need an urgent hiring. "



"Ikaw na kay Mrs. Cruz, alam naming ikaw paborito 'nun e. " ani April.



"Hindi naman, ikaw talaga. So let's go? "




Nagkanya-kanya kami dahil sa dami ng mga clients namin na gustong magparemodel ng kanilang mga bahay o di kaya ng kanilang kuwarto, salas, kitchen. Sa dami ay kinulang na kami ng mga tao. Sana bukas ay may bago n kaming worker.



Agad akong nagpunta sa office ni Mrs. Cruz. Pagkapasok ko palang ay malaking ngiti na niya ang sumalubong sakin.


"Good day, Ms. Sandoval. " bati niya.




"Magandang araw din sa 'yo, Mrs. Cruz. "



"Sorry for the urgent call, Ms. Sandoval. Madalian rin kasi ang pagbili ng client ko sa unit kaya tinawagan agad kita. Alam mo naman na hindi ako nagtitiwala sa kung sinu-sino lang. "


"Ok lang po, Mrs. Cruz. Nag-hire na rin naman po kami ng iba pang mga workers para mapadali po ang trabaho namin. "


"Good to hear that. So, can we see the place para masimulan mo na. "




"Sure. "




Buong araw ang ginugol para sa pagplano sa pagbuo ng bagong unit ni Mrs. Cruz. Her client was so specific with the details. Kaya bukas na bukas ay gagawin namin ang trabaho para by the end of the week ay tapos na ang unit na ito.



"I'm really positive with te results. I'm sure magugustuhan ng client ko ang gagawin mong trabaho sa unit na bibilhin niya. " ani Mrs. Cruz ng ihatid niya ko sa baba ng condominium.




"I hope so, Mrs. Cruz. "


"Basta ikaw ang gumawa Ms. Sandoval the client will love it. " pagpuri niya pa sakin.




Nahihiya na lamang akong tumawa at nagpaalam na sa kanya.




Pagdating sa opisina ay nadatnan ko ang mga kaibigan ko na nakahilata pareho sa sofa. Napangiti na lamang ako dahil sa mga itsura nila. Si Molly na may katangkaran ay pinagkasya an sarili sa pang-isahang sofa.


Kahit naman ako ay pagod din pero kailangan naming gampanan ang mga tungkulin bilang isang taga-ganda ng bahay. The Salvage Trio was built years ago. At mas malala pa dito ang mga naranasan namin 'nung nagsimula pa lamang kami.




May mga araw at gabi na hindi kami nakakapagpahinga. May gabi din na sa site na kami natutulog para lang matapos namin ang trabaho namin.




"Oh! Andiyan ka na pala! Kanina ka pa? Sorry nakatulog kami ha. Sobrang nakakapagod kasi e. " ani April nang magising siya.



"It's okay. Umuwi na tayo para sa bahay na tayo makapagpahinga. Gisingin mo na si Molly at mauuna na ko sa labas. " wika ko kay April.



"Ok. "



Iisang kotse lang ang dala namin ngayon. Tinamad kasi akong mag-drive kanina kaya nakisakay ako pero gumaya si Molly sakin kaya naging driver si April kanina. Pero ngayon panigurado ako ang magiging driver nila. At okay lang din naman sakin.


PAGKARATING SA BAHAY AY NAGSITUNGO AGAD ANG DALAWA SA KANI-KANILANG KUWARTO. Ako naman ay ginawa ko na ang trabaho ko habang pinapainit ang pagkain namin kaninang umaga. Mamaya na ko magluluto kapag natapos ko na ang pag-contact sa mga suppliers namin.




Mahaba-habang negosasyon ang mangyayari ngayon dahil Mrs. Cruz client was so specific, meticulous. Gusto niya ng isang modern style na condo.




Nang tumunog ang oven ay agad akong tumayo at kinuha ang pagkain. Ilang oras din akong naupo at nakipag-usap sa mga suppliers. Nang matapos ako ay nag-inat muna ako ng katawan dahil nananakit ang likod ko.



Kailangan ko pang magluto para sa hapunan namin. Alas diyes na pala ng gabi at hindi ko man lang namalayan.



Nag-settle ako sa madaling lutuin. Kaya ramen ang niluto ko para madali at mabilis. Isa ito sa mga favorite naming tatlo. This is our comfort food pag-naeestress kami sa work.


Nang matapos na kong magluto at ginising ko na ang dalawa. Pagka-amoy palang nila sa niluto ko ay agad sumigla ang dalawa. Masaya naming pinagsaluhan ang niluto ko. At nang matapos ay bumalik din agad sa kuwarto namin.




NAGING HECTIC ANG BUONG LINGGO NAMIN. Naging busy kami sa trabaho. Pero mabuti na lamang at natapos namin iyon ng maayos. At hopefully ay magustuhan ng mga client.




"Wow! Your work is amazing, Athena. Sure na sure akong magugustuhan ito ng kliyente ko. Your the best! " napayakap na lamang si Mrs. Cruz sakin dahil sa tuwa.




Lahat ng pagod ay worth it kapag nakita mo ang kliyente mo nasisiyahan sa gawa mo. And i hope her client will love it too.




Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
STARVING [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon