⚫️13⚫️
Nag-rereview ako sa mga informations ng mga clients namin nang tumunog bigla ang phone ko. Dahil tutok ako sa ginagawa ko ay sinagot ko na lamang agad nang hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.
"Hello? "
"En, uhm, sorry ulit sa disturbo pero wala na kasi akong ibang matawagan maliban sa 'yo e. "
Rinig ko ang pag-aalala sa boses ni Tobby sa kabilang linya. Oo, kilala ko ang boses niya.
"Bakit? Ano bang nangyari? "
"Si Max kasi. Sinugod ko siya sa ospital kagabi. "
Agad akong napatayo sa kinauupuan ko dahil sa gulat at pag-aalala.
"ANO?! Bakit? Anong nangyari sa kanya? "
"He a got into a fight. Sobrang lasing niya kagabi. Mabuti nalang at may kaibigan akong nakakakilala sa kanya at tumulong sa kanya. " paliwanag nito sa kabilang linya.
I grab my bag at nagmadaling lumabas sa opisina.
"OK, i'll be there. Nasaang ospital ba siya? " tanong ko habang papunta sa kotse ko.
"Itetext ko nalang sa 'yo ang address ng ospital. "
Habang nasa byahe ay tumunog ang phone ko hudyat na tinext na ni Tobby ang address kung nasaan si Max ngayon.
Agad kong pinaharurot ang kotse para makarating agad sa ospital at makita ang kalagayan ni Max.
Ano ba kasing pumasok sa isip niya at bakit nakipagbasag ulo ang isang 'yon.
Pagkapark ko ay agad akong lumabas sa kotse at patakbong nagtungo sa information disk.
Nang sabihin ng nurse kung saang roo si Max ay tumakbo ako ulit. Sa labas palang kita ko na si Tobby na naghihintay sa pagdating ko.
"Sorry sa disturbo, En, pero ayaw niya kasi sabihin sa mommy niya ang nangyari e. Wala naman akong ibang malapitan. Kailangan ko na kasing pumasok sa opisina ngayon. Sorry talaga. "
"OK lang. Hindi naman grabe ang nangyari sa kanya di ba? Buo pa naman siya? "
Bahagyang natawa si Tobby sa naging tanong ko.
"OK lang naman siya. Hindi naman siya gaanong napuruhan dahil nakita agad ng kaibigan ko. " sagot nito.
"Sige, salamat, Tobby. "
"Sige, alis na ko. Babalik nalang ako mamaya. "
"OK. Mag-ingat ka. "
Pagkaalis ni Tobby ay pumasok ako sa kuwarto ni Max. Naabutan ko siyang mahimbing na natutulog.
Putok ang labi nito at may sugat sa may bandang kilay.
Umupo na lamang ako sa gilid niya at pinagmasdan ang maamo niyang mukha habang natutulog.
"Mabuti naman at OK ka lang. Hindi grabe 'yang nangyari sa 'yo. Ano nalang ang magiging reaksiyon ni tita A kapag nakita ka niya. Hay! Ang laki-laki mo na pero nakikibasag ulo ka pa rin. Ano ba ang problema mo? Puwede mo naman akong kausapin. " wika ko habang natutulog siya.
"Max. " tawag ko kahit alam ko namang hindi siya sasagot. "Nagbago ka na ba? Hindi na ba ikaw ang Max na kilala ko noon? Hindi na ba ikaw ang Max na iiwan ako kapag nakuha na ang gusto? "
Hindi ko alam kung bakit natanong ko ang mga bagay na 'yun. Bigla lang iyong lumabas sa bibig ko.
Kung nagbago ba si Max ngayon magiging OK na rin ba kami. Gagawin niya ba ang sinabi niya sa akin noon.
Mahal ko si Max noon pero hindi ko na alam ngayon. Naguguluhan na ko sa nararamdaman ko sa ngayon.
Si Clayton. My nararamdaman din ako sa kanya. Isang pakiramdaman na ngayon ko lang naramdaman.
Nakita ko ang paggalaw ni Max. Agad akong naalarma kaya agad ko siyang dinaluhan.
"Max, ok ka lang ba? May masakit ba sa 'yo? "
Nagmulat siya ng mga mata at ngumiti ng makita ako.
"En. "
"Hi. " ngiti kong saad.
"Ang ganda ganda mo. " saad nito.
"Nambola ka na naman. OK ka lang ba? Pinag-aalala mo ko. "
"I'm fine now. Andito ka na kasi. "
"Max, seryoso ako. OK ka lang ba talaga? Ano ba kasing pumasok sa utak mo ag nakipagbugbugan ka? "
"Nagkainitan lang hanggang sa lumaki. Sorry kung nag-aalala ka. "
"Sana hindi na 'to maulit. Mabuti naman at 'yan lang ang inabot mo. Kung grabe paano mo sasabihin kay tita A. I'm sure sobrang mag-aalala 'yon sa 'yo. "
"Promise. Hindi na talaga mauulit. "
Nagkuwentuhan pa kami ni Max hanggang sa mananghalian. I ask him kung ano ang gusto niyang kainin.
"Ikaw na bahala. "sagot nito.
"OK. Hintayin mo nalang ako dito at babalik din ako agad. "
Lumabas na ko ng kuwarto niya at nagtungo sa pinakamalapit na restaurant. Nagreklamo kasi si Max sa lasa ng pakain sa ospital. Wala daw lasa. Nakakaawa naman. May sakit na nga hindi pa maganda ang pagkain.
Palabas na ko ng restaurant nang mahagip ng mata ko ang nakaupo sa may gilid ng restaurant. Likod pa lang niya alam kong si Clayton na iyon.
Pero sino ang kasama niya?
Gusto ko sana silang lapitan ng biglang hinalikan si Clayton ng babae.
Muntik ko ng mabitawan ang dala kong pagkain kung di lang dumating si Tobby. I tried to hide the pain pero hindi ko kaya.
The pain i felt before with Max ay hindi natumbasan ang sakit naramdaman ko ngayon. Parang may libu-libong karayom ang tumusok sa puso ko.
"Ayos ka lang? " tanong ni Tobby nang papasok na kami sa loob ng ospital.
"Yeah. Um, puwede bang mauna ka na. Pakisabi kay Max babalik din ako kaagad. " saad ko dito at binigay ang pagkain sa kanya.
Agad kong tumakbo sa pinakamalapit na CR at doon binuhos ang sakit n nararamdaman.

BINABASA MO ANG
STARVING [FINISHED]
Romance'Some says, I am like her. Other says, I am more than like her.' -Athena Eunice Montealegre Sandoval